Escape [3]

3.9K 153 12
                                    

KAI

"M-Magkakilala kayo?" Papaanong nangyaring magkakilala silang dalawa? Shit, hindi 'to pwede, nangako kami kay Faye. "Nagkita kami kanina sa school Ninong" nakangiting sabi ni Kaci habang nakatingin kay Lu Han.

Nagtatakang tumingin sakin si Lu Han "Inaanak mo s'ya?" Lagot, ito na nga ba ang iniiwasan kong mga katanungan dumadating na sila. "Ah, oo inaanak ko s'ya" alam n'yo yung pakiradam na dinaig ko pa ang nasa hot seat? Pakingshet!

"Talaga?" tumango tango si Luhan bago muling tingnan si Kaci, nyeta patay ako nito kila Baek kapag nalaman nilang nagkita na ang mag-ama.

"Opo, magkakilala po kayo?" halatang excited naman itong si Kaci, wala kang dapat ikaexcite Kaci dahil kung tutuusin hindi mo dapat s'ya nakilala.

"Ah, oo kaibigan ko kasi sila Kai. By chance kilala mo rin sila Baekhyun?" lalong lumawak ang ngiti ni Kaci nang marinig n'ya ang pangalan ni Baekhyun. Nalintikan na "Opo! Ninong ko rin po sila. Magkakaibigan po kayo? Edi baka kilala n'yo rin po ang Mama ko" nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang binabalak sabihin ni Kaci.

"Sino bang Mama mo?" Punyeta ka Kai, patahimikin mo si Kaci kundi patay ka mamaya! "Si Fa—" agad kong tinakpan ang bibig ni Kaci para hindi n'ya masabi ang pangalan ng nanay n'ya. Kapag nagkataon baka hagarin ako ng itak ng mga kaibigan ko.

"Kaci, baby. Nagtext sakin ang Mama mo kaylangan mo na daw umu—" tinanggal ni Kaci ang kamay ko na nakatakip sa bibig n'ya at kunot noong tumingin sakin. "Ha? Paano ako pauuwiin ni Mama eh hindi nga po n'ya alam na nagcutting ak—" agad nanlaki ang mata n'ya dahil sa sinabi n'ya.

"Nagcutting ka na naman?" Sa wakas nagkaroon ako ng pagkakataon para maialis ang atensyon ni Kaci kay Luhan. "Eh kasi Ninong—" pinatigil ko s'ya gamit ang palad ko.

"Hep, tama na Kaci. Ako, malilintikan na ako sa Mama mo kapag nalaman n'yang kinukonsinte kitang bata ka. Umuwi ka sa inyo at magpaliwanag sa Mama mo! Hala sige! Uwi" para akong sinasapian dahil sa ginagawa ko pero kaylangan kong magpaka-engot para kay Kaci. Para rin naman sa kanya 'tong ginagawa ko eh.

"Sige na nga po" malungkot na sabi n'ya. Hindi ko kayang nakikitang ganyan si Kaci pero para hindi lang s'ya mapalapit kay Luhan, titiisin ko.

"Kaci, intindihin mo nalang muna ako ngayon, isa pa may bisita si Ninong oh" dahan dahan s'yang tumango "Alis na po ako" Agh! Kai, tiisin mo muna. Bumawi ka nalang sa kanya sa susunod.

"Kaci!" nilingon n'ya ako. Ngumiti ako bago magsalita "Babawi nalang si Ninong sayo, okay?" nakita kong kahit papaano ay ngumiti s'ya at nagthumbs up bago tuluyang umalis.

Hoo, muntikan na 'yon ah. "Ninong kayo nila Baek ng batang 'yon?" Tangina, nakalimutan kong naandito pa nga pala si Luhan. "A-Ah, oo kami lang naman ni Baek ang Ninong" pagsisinungaling ko kahit ang totoo naman n'yan, Ninong kaming lahat.

"Kanino s'yang anak?" napalingon ako sa kanya. Anong sasabihin ko, na anak nilang dalawa ni Faye? Hah! Bakit ba ako naiipit dito? "Kay ano.." kanino? Anong pangalan ang sasabihin ko?!

"Kay Cassandra, nameet namin s'ya ni Baek sa isang business trip. Oo, tama. S'ya yung nanay ni Kaci" Gago mo Kai, sino si Cassandra? Haha.

"Tawagan mo nga sila" kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya "Sinong sila?" Eh sa hindi ko alam kung sinong tinutukoy n'ya eh.

"Sila Baekhyun, kita kita tayo. After 18 years gusto kong magkareunion tayo." Tumango tango ako at ginawa ang sinabi n'ya. Kahit pagbaliktarin man natin ang ikot ng mundo, kaibigan pa rin namin si Lu Han.

KACI

Nagpalipas ako nang oras sa isang café malapit sa bahay, kapag kasi umuwi ako nang maaga baka magtaka si Mama at tanungin pa ako. Hindi ako bad girl, wala akong karapatang maging bad girl, pwede pa sana kung mayaman kami.

Hindi ko rin naman pinapangarap maging mayaman dahil kontento na ako basta kasama ko si Mama. Wala na rin akong pakealam sa tatay ko pero gusto ko talagang maramdaman n'ya ang pakiramdam nang maiwan.

Kinuha ko ang cellphone na regalo sakin ni Ninong Suho at tiningnan kung anong oras na. 5 minutes nalang pwede na akong umuwi.

Siguro laking pasasalamat ko nalang kasi kahit sabihin nating may pamilya na ang mga Ninong ko, naaalala pa nila kami at natuturing pa nila akong anak nila. Siguro kasi ang babata pa masyado ng anak nila kaya kahit papano nagkakaroon pa sila ng oras sakin. Tsaka sabi nila may pangako daw sila kay Mama.Iniisip ko nga minsan kung bakit si Ninong Baekhyun wala pa ring asawa hanggang ngayon.

Nawala ang iniisip ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Incoming call from Ninong Baekhyun..

Speaking of Ninong, natawag na s'ya sakin. "Hello?"

[Kaci, diba dapat susunduin kita ngayon?] Shit, nakalimutan ko 'yon! Lagot na!

"Ah tungkol don Ni —"

[Hindi kasi kita masusundo ngayon dahil may pupuntahan ako.] Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko iyon. Buti nalang talaga!

"Ah, sige po. Kaya ko naman pong magcommute eh"

[Sige, take care Princess]

*End Call*

Tinitigan ko ang cellphone ko, ang bait lang talaga ni Ninong Baekhyun. Minsan napapaisip ako baka kilala ni Ninong ang tatay ko? Pero siguro mas magandang hindi ko pa s'ya kilala dahil paniguradong pagnakita kami baka kung ano pang masabi ko sa kanya.

Tumayo ako at napag isipan ko nang umuwi sa bahay. Hindi na naman siguro magtataka si Mama nito diba?

-

"I'm home!" agad kong nakita si Mama kaya lumapit ako sa kanya at yumakap. "How's school?" napatigil ako at nagpanggap na okay lang ang school ko. Asar, mabubuking ako nito eh! "Do you want to eat? Naghanda kami ni Manang, hindi pa rin naman tapos ang araw ng birthday mo" tumango ako at sumunod sa kanya sa hapag kainan.

"Sabi sakin ng mga Ninong mo baka daw hindi na sila makabalik kasi may pupuntahan sila." Naiintindihan ko naman 'yon, dahil alam ko busy talaga sila.

"Mama, wala kang pasok sa trabaho mo?" umiling s'ya bago ngumiti sakin "Hindi pa rin ba permanente ang trabaho mo?" umiling ulit s'ya.

"Mama, ano kaya kung umalis ka nalang don? Bukod kasi sa hindi nagiging permanente ang trabaho n'yo, masyado kayong pinapagod ng may-ari dahil ayaw n'yo s'yang payagang manligaw sayo tapos binababaan pa ang sweldo n'yo. Bakit kaya hindi kayo maghanap ng magandang trabaho? Nakapagtapos naman kayo ng college. Isa pa handa namang tumulong sila Ni —" napatigil ako sa pagsasalita nang tingnan ako ni Mama at umiling.

"Ayoko nang humingi nang tulong sa mga Ninong mo, sobra sobra na ang ginagawa nila para satin." Tumango nalang ako, naiintindihan ko si Mama pero ayoko namang masyado s'yang pinapahirapan sa trabaho n'ya ngayon.

"Ay Mama, alam mo ba kanina may nakabangga akong lalaki, nalaman ko nga na s'ya pala ang may-ari ng school. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko." Napatigil si Mama sa sinabi ko at dahan dahang tumingin sakin "Talaga?" tumango ako at nagsalita ulit "Nang magsalubong nga ang mga mata naming dalawa may iba akong naramdaman eh. Alam mo 'yon Ma, para bang ang tagal ko na s'yang kilala kahit na ngayon ko lang s'ya nakita. Parang kilalang kilala ko na s'ya?" nagkibit balikat nalang ako.

"O-Oh? Sino s'ya? Baka naman kilala ko" ngumiti si Mama sakin, pero makikita mong hindi naman talaga s'ya masaya sa naririnig at sinasabi ko. May problema kaya?

"Teka, sino nga ba s'ya. Ahm, Lu—Ah! Oo, s'ya yung lumabas sa T.V kanina. Yung may-ari ng Lu Enterprises? Si Mr. Lu Han. Grabe ang bait n'ya nga e—"

Agad akong napatahimik nang mabasag ni Mama ang basong nasa tabi ng pinggan n'ya. Pagtingin ko kay Mama, tila nanginginig s'ya. "Mama okay ka lang? T-Teka kukunin ko ang gamot m—" pinigilan ako ni Mama kaya naman agad akong napatingin sa kanya.

"Ma—" hindi ko na nagawang magsalita pa nang tingnan ako ni Mama.

"Kaci, kahit anong mangyari, wag na wag kang makikipag usap sa kanya. Diba sabi ko sayo wag kang makikpag usap sa taong hindi mo naman kakilala? Baka kung ano pang mangyari sayo. Wag mong hayaang mag alala ako ha? Layuan mo s'ya" hindi ko man alam kung ano ba talagang dahilan tumango nalang ako at niyakap si Mama.

Bakit ganon? Bakit parang nasaktan si Mama nang sabihin ko ang pangalan ni Mr. Lu Han? 

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon