KACI
Paggising ko nitong umaga, hindi ko naabutan si Papa at maging si Renji ay wala rin. Tinanong ko si Mama kung nasan sila pero nginitian niya lang ako.
"Good morning, Kaci" napatigil ako sa paglalakad ko nang tapikin ako ni Rina "Morning" nginitian ko rin naman siya. Ang lapad kasi ng ngiti niya ayoko namang baliwalain iyon.
"Oh, what's with the mood?" huminga ako nang malalim, napansin niya pala na ang gloomy ng mood ko ngayon.
"Nagtataka kasi ako, wala si Papa sa bahay pagkagising ko. Madalas naman sabay kaming pumapasok, pati nga si Renji wala eh. Hindi ko alam kung maaga lang ba siyang pumasok o ano" nakaismid kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Rina, "Ikaw ha. Pansin ko lagi mo na talagang hanap si Renji. Kayo na ba?" tinusok tusok niya pa ako sa tagiliran, akala mo naman makikiliti ako sa ginagawa niya.
"Tch, hindi pa. Nagtataka lang talaga ako" pagkatapos noon ay inirapan ko siya at nagpagtuloy na sa paglalakad.
"Oy, ano yung narinig namin. Sinong kayo na?" muli akong napatigil sa paglalakad at nilingon sila Spencer. "Wala iyon, si Rina kasi ang gulo ng isip" simpleng sabi ko bago maglakad ulit.
"Haha, paano ba naman hinahanap niya si Renji tapos busangot pa ang mukha." Ano bang nakakatawa?
"Teka, hindi mo alam Kaci? Nasa court hearing ngayon si Renji kasama si Tito Luhan at yung kaibigan nitong lawyer. Sa pagkakaalam ko inaasikaso na yung about sa adoption paper ni Renji." Napakunot ang noo ko bago ko sila tingnan.
"Seryoso, hindi mo alam ang tungkol don?" nagtatakang tanong ni Spencer, dahan dahan naman akong umiling. "Wala siyang sinabi." Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ewan. Bakit hindi sinabi sakin ni Renji?
"Though he didn't tell you about that, it doesn't mean he wants to keep it from you. Maybe he don't want you to worry about him so much" napatingin naman ako kay Ryou at nakita kong nakangiti siya sakin. Pilit akong ngumiti sa kanya, sabagay may punto naman talaga siya doon.
"So, absent ngayon si Renji?" muntikan nang tumalon ang puso ko nang biglang may magsalita sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita ko siya habang nakangiti "Morning" bati niya sakin.
"Ikaw lang pala 'yan Calvin" napahawak ako sa dibdib ko. Pansin ko nagiging magugulatin ako ngayon. Siguro dahil ang hilig kong manuod ng horror.
"Did I scared you?" nakangiti niya paring tanong sakin. Umiling ako "Not at all" kahit na sa totoo lang ay gulat na gulat talaga ako.
"So, absent nga si Renji ngayon?" nakataas ang isang kilay niya at nakangiti habang tinatanong ito sa mga kasama ko.
"It's none of your business, Mr. Estollas." Napatingin ako kay Spencer at umiling sa kanya. That's not the right way to treat you classmate, although I know that they don't like each other.
"Well, Renji is not really absent. He's just excuse for about maybe 3 hours but he will definitely attend today's class" nakangiti si Ryou dito bago hawakan sa damit si Spencer at hilahin papalayo "Excuse us, may kaylangan pa nga pala kaming punatahan" kumunot naman ang noo ni Spencer.
"Anong sa—"
"Bye!" hindi na nakaangal pa si Spencer dahil hinila na siya ng tuluyan ni Ryou papalayo samin. Napansin ko naman na lumapit sakin si Rina. "Pansin ko, kanina pa english ng english si Ryou. Isa pa, para silang wala sa sarili especially Ryou" tiningnan ko si Rina.
"What did you mean?" nagkibit balikat lang siya, "Hindi ko rin alam" pagkatapos noon ay parehas kaming natahimik.
"In my opinion, there's a really low chance for Renji to win his case." Nakalimutan ko, naandito pa nga pala si Calvin at hindi pa umaalis. Nilingon ko siya na may halong pagtataka dahil sa sinabi niya. "Why did you say that?"
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...