Escape [8]

3.3K 125 10
                                    

RENJI

"Dad, ito pa rin ba itsura n'ya hanggang ngayon?" natawa si Daddy sa sinabi ko, alam ko naman na hindi na dahil na rin sa paglipas ng panahon, niloloko ko lang si Daddy. "Syempre hindi na, pero alam ko kapag nagkita kami makikilala ko agad s'ya" napangiti ako sa sinabi n'ya. Nararamdaman ko kung gaano n'ya kamahal ang babaeng ito.

"Sa ngayon, pangalan n'ya lang muna ang pinanghahawakan ko" tumango ako at muling sinuri ang papel na binigay sakin ni Daddy. Halos lahat basic information tungkol sa kanya.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko "Saan ka pupunta?" huminga ako ng malalim "Sa kwarto, matutulog na ako. Tsaka pag aaralan ko na rin 'to" tumango si Daddy sa sinabi ko. Aalis na sana ako nang magsalita ulit s'ya "Wala kayong pasok bukas diba?" tumango ako bago s'ya lingunin.

"Tama lang palang papuntahin ko dito si Kaci" tumango nalang ako at ngumiti bago umalis ng kwarto ni Daddy pero bago 'yon, muli akong napatingin sa litrato na naandito sa kwarto ni Daddy "Mahahanap din kita".

Nang makarating ako sa kwarto ko, naupo ako sa kama at pinagmasdan ulit ang papel na hawak ko. Maya maya pa'y tumunog na ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello?"

[Renji-kun!] napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang boses n'ya. Kilala ko na kung sino 'to.

"H-Harumi, what's with the sudden call?"

[I have some good news to you]

"Nani?"

[Secret, it's a surprise] napailing nalang ako dahil sa kanya. Minsan talaga may pagkaisip bata s'ya, parang si Rina. Kaya hindi na ako nagtataka kung magkasundo sila.

"If you said so."

[Doushite? Are you not feeling well?] Umiling ako kahit alam ko naman na hindi n'ya ako nakikita.

"No, I'm just tired. Will call you next time"

[Okay, take a rest. I love you and I miss you] napatigil ako saglit bago mapangiti.

"Same, I love you"

*End Call*

Pagakatpos naming mag usap ibinaba ko ang cellphone ko at ilang minuto ko ring tinitigan. Napailing ako, masyado lang siguro akong maraming iniisip ngayon.

Inilagay ko ito sa side table. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa banyo para magshower at mabawasan naman ang mga iniisip ko.

-

Kinaumagahan maaga sana akong aalis sa bahay, pupunta ako sa ospital na pinaghatiran ko kay Kaci, gusto kong makasigurado kung tama ang hinala ko. Matagal tagal ko rin 'tong pinag isipan kagabi.

Papalabas palang ako nang bahay nang makasalubong ko s'ya "Renji?" napatingin ako sa kanya."Saan ka pupunta?" sasabihin ko ba sa kanya? Siguro wag muna, hindi ko muna s'ya idadamay dito. Mali yung plano kong tanungin s'ya.

"Ah, may kaylangan lang akong puntahan, dito ka muna. Babalik din ako mamaya" halata namang nagtataka s'ya pero kaylangan kasi hindi muna s'ya mainvolve. Baka lumaki ang gulo, lalo ko lang hindi makita ang hinahanap ko.

"Sasama ak—"

"Hindi na, maiwan ka nalang muna dito. Pakisabi nalang kay Daddy" tumango s'ya kaya ngumiti ako sa kanya at umalis.

Sumakay ako sa kotse ko at agad itong pinatakbo papunta sa ospital na pinuntahan namin ni Kaci kagabi.

Agad akong pumunta sa front nurse at nagtanong "Excuse me, saang room nakaconfine si Miss Faye Fernandez?" ngumiti muna s'ya sakin bago may tingnan. "Room 202" agad akong tumakbo papunta doon.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon