RENJI
"Woo! I'm so excited!" sigaw ni Daine, yung pinsan ni Kaci. "Okay na ba lahat?" tanong ni Daddy doon sa piloto nitong private plane na sasakyan namin "Okay na po" nag assembly na kami para sa pagsakay namin sa eroplano. Ako ang unang pumasok sa loob at namili ng uupuan ko.
"Yeah! Saipan, here we come" hindi ko ineexpect na ganito pala kaingay ang pinsan ni Kaci "Papa, saan ako uupo?" napatingin ako sa kanya at nakita ko si Kaci. Napatingin ako sa tabing upuan ko, wala pa rin kasing nakaupo dito.
"Dito nalang po ako sa tabi ni R—"
"Opps, sorry Kaci" napatingin ako kay Tito Kai nang bigla s'yang umupo sa tabing upuan ko "Doon ka nalang sa tabi ni Daine" matipid na ngumiti si Kaci dahil sa sinabi ni Dad sa kanya bago pumunta sa may likuran kung saan nakaupo si Daine.
Napatingin nalang ako sa bintana, ang dami pa rin kasing gumugulo sa isip ko. Hindi ko namang intensyong saktan s'ya, hindi ba? Nagpakatotoo lang ako.
"Renji, okay ka lang?" nilingon ko si Tito Kai nang tanungin n'ya ako. Matipid akong ngumiti sa kanya "O-Okay lang po" nakita kong ngumiti s'ya at tinapik ang balikat ko. "Alam mo, ang laki ng pagkakaiba n'yo ng Mommy mo" medyo natawa ako sa sinabi n'ya "Yung Mommy mo kasi may pagkamakasarili. Sorry ha, pero ayon naman kasi ang totoo eh" tumango nalang ako sa sinabi n'ya.
"Alam ko naman po 'yon , pero nagsisi na po s'ya bago s'ya mawala" tumango si Tito Kai sa sinabi ko "Alam na namin 'yon at pinatawad na rin naman namin s'ya" Muli akong tumingin sa may bintana. Kinuha ko ang shades at ipod ko sa bag. Isunuot ko yung shades ko at isinalpak ko yung earphones ko sa tenga ko.
"R-Renji, anong ginagawa mo dito?"hindi ko makakalimutan ang gulat na gulat na ekspresyon ng mukha n'ya.
"Gusto ko lang sanang kausapin ka" nakita kong ngumiti s'ya at dahil don sumakit ang dibdib ko. Hindi ko kayang makitang mawala ang ngiti n'yang 'yon mamaya.
"Upo ka muna" umupo kaming dalawa sa couch at nakangiti n'ya akong hinarap "Ano ba 'yon?" parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Kahit anong gusto kong sabihin sa kanya ayaw akong sundin ng boses ko.
"Renji? M-May problema ba?" nanatili pa rin s'yang nakangiti, iyon ang hindi ko na kayang makita. Ayokong saktan s'ya pero wala na akong magagawa, wala na ring atrasan 'to.
"Let's break up" tila isang bulong ang pagkakasabi ko noon, nakita kong unti unting nawawala ang ngiti n'ya "Anong sabi mo?" napakuyom ang kamay ko, ayoko sa lahat nakikitang nasasaktan ang isang babae pero mas masasaktan ko lang s'ya kapag hindi ko 'to tinapos ngayon.
"Let's..break up" at doon ko nakitang tumulo ang luha n'ya "Bakit? Renji wag naman ganito. Joke lang 'yon diba?" pinilit ni Harumi ang ngumiti sakin pero hindi ko magawang suklian ang ngiti n'yang 'yon.
"No, It's not a joke. We really need to break up" hindi madali sakin ang gawin 'to pero mas lalala ang sitwasyon kung wala akong gagawin ngayon.
"But..why?" lumapit ako kay Harumi at pinahid ang luha n'ya. Lumuhod ako sa harapan n'ya at hinawakan ang kamay n'ya bago s'ya tingnan "It's not working anymore. You have no time for me and.." napayuko ako, kaya ko pa bang sabihin sa kanya?
"And what?" naramdaman kong tumulo na naman ang luha n'ya sa kamay ko. "And it's fading little by little" hindi ko na ata kaya, ayoko nang magpaiyak ng babae. "Fading?" hindi ko s'ya kayang diretsohin eh, natatakot akong makita ang magiging reaksyon n'ya.
"My love, my feelings for you it's already fading" napapikit nalang ako ng mata ko, hindi ko kayang makitang lalo s'yang umiiyak. "Renji.." naramdaman ko ang mahigpit n'yang paghawak sa kamay ko "Ayokong pakawalan ka.." napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang makita ko ang naging rekasyon n'ya at ang mga susunod n'ya pang sinabi.
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...