Escape [12]

3.5K 110 24
                                    

RINA

"Kaci, mas maganda siguro kung umuwi ka na muna. Kaylangan mong magpahinga." Iyak pa rin s'ya nang iyak ngayon. Naaawa ako sa kanya, halatang ang dami n'yang pinagdaanan dahil sa tatay n'yang hindi naman n'ya kilala. Simula sa simpleng pambubully hanggang sa kidnapping.

"Ihahatid na kita?" tumango si Kaci bago pahirin ang luhang tumutulo sa pisngi n'ya.

Nagpahatid kami sa driver ko. Nang makarating kami sa bahay nila agad kaming sinalubong ng Mama n'ya siguro "Hello po" ngumiti sakin ang Mama n'ya bago tumingin kay Kaci "Anong nangyari sayo?" umiling lang si Kaci at hindi sumagot "Ah, masama po kasi ang pakiramdam ni Kaci kaya iniuwi ko muna po s'ya" nanatiling tahimik si Kaci.

"Ganoon ba, salamat. Ano nga palang pangalan mo hija?" tanong nito sakin. Ngumiti ako bago magpakilala "Rina po Ma'am, kaibigan po ako ni Kaci" lalong lumawak ang ngiti n'ya sa sinabi ko "Just call me Tita Faye. Masaya akong marinig na may kaibigan na ang anak ko" sabi n'ya sakin.

"Sige po, Tita mauna na po ako, may klase pa rin po kasi kami eh. Ipagpapaalam ko nalang po si Kaci sa mga professors namin." Tumango ito kaya tuluyan na akong umalis.

Pinagtakpan ko muna si Kaci, dahil alam ko at nararamdaman kong ayaw n'yang ipaalam ang sitwasyong pinagdaraanan n'ya.

-

Pagkarating ko sa school agad akong sinalubong ni Renji "Rina, nasan si Kaci?" nagkibit balikat nalang ako. "Iniuwi ko na muna." Tumango s'ya sa sinabi ko.

Habang naglalakad kami papunta sa kung saan bigla s'yang nagsalita "Pansin ko, iniiwasan ako ni Kaci" agad akong napalingon kay Renji dahil sa sinabi n'ya "Bakit naman? May dahilan ba s'ya para iwasan ka?" nagkibit balikat si Renji.

"Hindi ko rin alam pero ramdam ko na para bang iniiwasan n'ya ako" ngumiti ako bago humarap sa kanya "May pinagdaraanan lang yung tao; may problema kaya siguro intindihin nalang muna natin s'ya. Bilang kaibigan n'ya kaylangan natin s'yang intindihin at tulungan" mukhang napaisip si Renji sa sinabi ko at bigla nalang s'yang tumango.

"Tama ka nga siguro" natawa ako sa itsura n'ya. "Bakit naman ganyan ang istura mo? Para kang disappointed ah?" huminga s'ya nang malalim "Hindi, sadyang hindi lang ako sanay na ganon si Kaci. I wonder kung pupunta s'ya mamaya sa bahay" napalingon ako dahil sa ibinulong n'ya.

"Bakit naman s'ya pupunta sa inyo?" ako nakakahalata na ha. "W-Wala, may sinabi ba akong ganon?" agad n'ya akong iniwasan nang tingin at naglakad ng mabilis. "Talaga lang ha" napailing nalang ako dahil sa naging kilos ni Renji pero hindi ko maiwasang mapangiti.

RENJI

Pagkauwi ko sa bahay napansin kong nakabukas ang office ni Daddy. Lumapit ako doon at nakita ko s'yang may kausap sa telepono n'ya.

"Alam ko, pero hanapin n'yo kung sino man 'to. Gusto kong malaman kung bakit n'ya 'to ginagawa sakin"

Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan. Dahan dahan akong umupo sa upuang malapit sa desk n'ya "Anong problema Dad? Malimit na atang mainit ang ulo mo ah" Dahil sa nangyari kagabi, sa sulat na binasa n'ya naging ganito na s'ya.

"Wala, kinakabahan lang ako sa kayang gawin nang nagpapadala sakin ng mga sulat na 'to" umupo s'ya sa swivel chair n'ya at mahahalata mo s akanya na problemado s'ya. "Kung sino mang gumagawa ng mga sultan a 'to sigurado akong may galit s'ya sayo" natahimik si Daddy at mukhang nag iisip.

"Hindi ko nga alam eh, sa pagkakaalam ko wala naman akong nakaaway dito sa Pilipinas" sumandal ito sa swivel chair n'ya bago muling mag isip "Ayoko sanang mag isip ng ganito Dad pero hindi kaya isa sa kaibigan mo? Sabi mo sakin noon baka isa sa kanila na nagalit nang iwan mo sila. Isa pa, kung sino mang nagsulat nito kilala n'ya si Miss Faye at kung nasaan ngayon si Miss Faye" kumunot ang noo ni Daddy dahil sa sinabi ko.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon