KACI
Sabado ngayon at wala na naman kaming pasok dahil holiday. Buti na rin 'yon atleast makakapagpahinga ako. Masyado kasing madaming ginawa nitong nakaraan lalo na't umabsent ako noong dinatnan ako ng monthly period ko.
Naalala ko tuloy lahat nang nangyari noong araw na 'yon. Inalagaan nga pala ako ni Renji. Hindi ko napigilan ang sarili ko at awtomatiko akong napangiti sa naisip ko. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko kay Renji, hindi na galit yung nararamdaman ko kapag nakikita ko s'ya. Isa nalang talaga ang problema ko ngayon.
"K-Kaci.." napalingon ako sa kanya at doon ko s'ya nakita. Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatingin sa kanya. Hinihintay kong ipagpatuloy n'ya ang sasabihin n'ya.
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong n'ya sakin. Napatingin ako kay Mama na katabi lang naman n'ya, nginitian ako ni Mama. "Bakit?" pabalik na tanong ko sa lalaking nagtatanong sakin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin s'ya matawag tawag na Papa.
Tumingin muna s'ya kay Mama bago ulit tumingin sakin at magsalita. "Gusto sana kitang yayain, a father-daughter's date?" hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o dapat akong mainis. Nahahati sa dalawa ang nararamdaman ko.
"Paano kung ayoko?" walang emosyon kong tanong sa kanya. Nakita ko ang pagkadismaya sa itsura nilang dalawa pero pinilit pa rin nilang ngumiti sa harap ko "O-Okay lang, hindi naman kita pipilitin eh. Siguro next time na—"
"Hintayin n'yo ko dito, magbibihis lang ako" nakita ko ang pagngiti nilang dalawa. Napailing nalang ako at dumiretso sa kwarto ko. Nakita ko nalang ang sarili ko sa salamin na nakangiti. Tch! Bakit ba ako nakangiti?
-
Pagpunta ko ng sala nakita ko doon si Mama at ang tatay ko na nag uusap. Mukha naman silang masaya, sana ako rin makaramdam ng saya kahit papaano. "Kaci!" bumalik ang ulirat ko nang marinig ko ang boses ni Mama. Agad akong napatingin sa kanya at matipid na ngumiti.
Tumayo ang tatay ko at tumingin sakin "Let's go?" napatingin ako kina Mama "Ma? Kayo po?" umiling s'ya bago ngumiti "It's you and your father's bonding time. Hindi ako kasama." Napatingin ako sa tatay ko, nakita kong nakangiti na naman s'ya.
Umalis na kami ng tatay ko sa mansyon at dumiretso sa kung saan "Saan mo gustong pumunta?" Tch, ang awkward naman nito, sana pala hindi nalang ako sumama. "Kahit saan" nanatili akong iwas ng tingin sa kanya dahil hindi ko s'ya kayang tingnan.
Nakarating kami sa isang park. Maganda 'tong park na 'to, minsan ko nang sinubukang pumunta dito pero hindi na ako tumuloy dahil noong pumunta ako dito, puro family ang naandito., maiinggit lang ako kung sakaling tumuloy ako.
"Ang ganda dito 'no?" nakarating na pala kami sa pinaka magandang part ng park na 'to hindi ko namalayan. Pumwesto kami sa isang table at magkatapatang umupo. Hindi ko kayang tumabi sa kanya kahit sabihin nating tatay ko s'ya.
"By the way, may dala ako dito. Sabi kasi ng Mama mo mahilig ka daw dito kaya gumawa ako kahit na nahihirapan ako. Hindi naman kasi ako magaling magluto eh" inilabas n'ya ang isang picnic basket at inilagay sa gitna ng table.
Tinulungan ko s'yang ilabas ang laman noon. May iba't ibang pagkain at halos lahat paborito ko "I-Ikaw ang gumawa nito?" napangiti s'ya sa naging reaksyon ko "Uhm, katulong ko ang Mama mo. Gusto kasing makabawi sayo" napatigil ako sa ginagawa ko at saglit na napatingin sa kanya bago muling umiwas.
Umupo na ako, nagsimula na rin kasi kaming kumain. Walang nag uusap. Parehas kaming tahimik, siguro naramdaman n'ya na hindi rin ako komportable. "Kamusta yung pagkain?" napatingin ako sa kanya. Nakangiti na naman s'ya sakin.
"Okay lang" Masarap yung pagkain, hindi ko akalaing marunong magluto ang tatay ko. "Buti naman, hindi kasi talaga ako magaling magluto kaya ilang beses akong umulit. Gusto ko kasing magustuhan ng anak ko yung pagkaing ihahanda ko para sa kanya." Anak? Tinuturing na ba n'ya talaga akong anak n'ya? Bakit ang dali para sa kanyang gawin 'yon? Bakit ako hirap na hirap ituring s'yang tatay ko?

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...