Escape [32]

2.5K 87 8
                                    

RYOU

"No" sabi n'ya habang nakatungo "Sasama ako kay Calvin" nakita ko ang pagngisi noong Calvin na 'yon. Katulad ni Spencer, hindi ko rin s'ya gusto. May kung ano akong nararamdaman sa kanya.

Natahimik ang buong paligid namin dahil sa sagot na iyon ni Kaci, napatingin ako sa kanya at nakita kong palihim s'yang tumingin kay Renji at sumimangot nang makitang walang reaksyon si Renji. Ano bang inaasahan n'ya, matuwa si Renji?

"What?!" nanatili lang rin akong tahimik, expected ko na rin naman 'to eh, sasama si Kaci kay Calvin. Bakit? Dahil sa sinabi ni Renji, natatandaan n'yo, tinawag ni Renji si Kaci na kapatid n'ya? Hindi n'yo pa rin gets? Bahala kayo, hindi pa ito ang oras para magsalita ako sa nalalaman ko.

"Wala namang masamang sumama kay Calvin hindi ba? Isa pa, hindi s'ya stranger, niligtas n'ya ako" tumingin si Kaci kay Renji matapos n'ya iyong sabihin. "She already decided, Mister. Aangal ka pa?" ayoko nang mga ngiti ni Calvin. Ang sarap n'yang isubsob sa sahig ngayon.

"Kung ganoon, wala na akong magagawa. Ayoko namang kontrolin ang bawat galaw ng kapatid ko." Napatingin ako kay Renji, hindi pa rin s'ya nagbibigay ng reaksyon. Emotionless.

"Happy dating" naramdaman ko nalang na dahan dahang naglalakad si Renji papalayo. Tumingin ulit ako kila Kaci bago ngumiti at magkibit balikat bago namin sundan ni Spencer si Renji. "Oy, ganon na lang ba 'yon? Nakakadalawa ka na Renji ha. Hindi mo ba sila pipigilan?" sigaw ni Spencer nang makalayo kami sa kinaroroonan nila Kaci.

"Ano bang gusto n'yong gawin ko? Ang sabihin kay Kaci na wag sumama kay Calvin? Tapos ano, ginawa ko na lahat para pigilan s'ya pero nagdesisyon na s'ya." Napatigil si Renji. Alam mo yung pakiramdam na tensyonadong tensyonado ang dalawang taong kasama mo ngayon?

"Ang laki naman ng problema n'yo eh ang simple lang naman ng solusyon" napatingin sila sakin at halata mong nagtataka rin "Bakit kaya hindi natin sila sundan mamaya sa date nila?" Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nasabi, basta ang gusto ko lang tulungan ngayon si Renji. Dahil kapag issue na n'ya ang pinag uusapan may pagkatanga talaga s'ya.

-

Natuloy ang plano ko, sinunsundan namin ngayon sila Kaci at Calvin. Wala eh, sa ganitong bagay expert kami ni Spencer pagdating sa pagiging detective. Ang mga magulang namin ganito ang trabaho kaya alam na alam namin ang gagawin para hindi mahuli ng taong sinusundan mo.

"Bakit ka pa ba kasi sumama Rina," sabi ni Spencer kay Rina. Nagtataka nga ako at nalaman n'ya ang binabalak naming gawin ngayon eh. "Kaibigan ko si Kaci, hindi naman pwedeng hayaan ko s'ya 'no." angal ni Rina. Bakit ba sila laging aso't pusa ni Spencer?

"Wag na kayong mag away, baka mamaya n'yan kayo pa ang maging dahilan para mahuli tayo eh" pigil ko sa kanilang dalawa. Si Renji, ito tahimik lang sa may likuran ko. Actually, ayaw nga n'yang sumama eh, pointless daw kasi 'tong gagawin namin pero pinilit pa rin s'ya ni Spencer at ni Rina kaya wala na rin s'yang nagawa.

Kung tutuusin akala mo lang walang pakealam si Renji ngayon pero gusto rin n'yang malaman kung sino at ano nga ba ang binabalak ni Calvin kay Kaci.

"Pumasok na sila sa isang café" napailing nalang ako dahil kay Rina, sinasabunutan n'ya kasi ngayon si Spencer, Kaawang bata "Magkasama talaga sila nakakainis" nakadisguise kami ngayon, hindi naman mahirap magdisguise eh. Sanay na rin kaming gawin ang mga ganitong bagay.

"Tara, pasok na tayo sa loob" umayos ako nang tayo ko at magsisimula na sanang maglakad nang mapangiti ako sa naiisip ko "Spencer at Rina, pretend to be a couple okay" hindi ko na sila hinintay sumagot at naglakad na papasok sa loob ng café.

Sinadya kong umupo malapit sa pwesto nila Calvin para marinig ko ang mga pag uusapan nila. Sumunod naman iyong iba, hindi kami obvious masyado dahil nga sa disguise namin.

"Eloise, hindi mo ba talaga ako natatandaan?" So, may something pala talaga sa pagitan ni Kaci at Calvin? Iyon nga lang hindi matandaan ni Kaci ang mga ito.

"Hindi na talaga eh, pero gusto kong maalala. Alam ko.. alam kong isa ka sa mahalagang parte ng alaala kong 'yon" napatingin ako kay Renji, wala pa rin s'yang emosyon na pinapakita. Ganito ba 'syang magselos?

"Naiinis na talaga ako sa Calvi—" tinakpan ko ang bibig ni Rina, kapag nagbanggit s'ya ng pangalan baka maagaw namin ang atensyon nila Kaci. Nasa likod lang namin sila ngayon.

"Kalbee? Hoho, hindi ba masarap 'yon? Actually, ang dami ko non sa bahay" sabi ni Spencer habang pilit na pilit na binabago ang boses n'ya.

"Ah.." natahimik kami nang mukhang magsasalita na naman ata si Kaci "Gusto kitang maalala, kaya please sabihin mo sakin lahat." Palihim akong tumingin kay Calvin, nakangiti s'ya habang nakatingin kay Kaci.

Naramdaman ko s'yang lumapit kay Kaci. Ewan ko pero naramdaman ko lang. "Kaci.." Nakakasigurado na ako na malapit nga si Calvin kay Kaci dahil nasa likod ko na s'ya ngayon.

Tahimik lang ang grupo ko habang nakikiramdam sa dalawang nasa likuran ko. Nakakunot ang noo ni Renji dahil nakikita n'ya kung anong ginagawa ni Calvin at Kaci, nasa tapat ko kasi s'ya.

"You're my first love and I'm yours too, and also.." nakaramdam ako nang kilabot sa sunod na narinig ko "I'm you're first kiss" agad tumayo si Renji sa kinauupuan n'ya at umalis nalang bigla "Renji!" napatayo rin kaming tatlo at hahabulin na sana s'ya nang may marealize kami.

"R-Renji?" napalingon kami kila Kaci at mukhang nagtataka s'ya samantalang si Calvin nakangisi lang habang nakatingin samin.

Shit, pumalpak ang plano namin, nahuli kami.

LU HAN

"Ano 'yon Lay? May problema ba?" umupo kaming dalawa sa sofa. Biglaan n'ya kasi akong tinawagan kanina dahil may importante daw s'yang sasabihin sakin.

"May nalaman ako tungkol sa pagdukot kay Kaci" napakunot ang noo ko. Akala ko okay na? Akala ko ba, tapos na dahil nakakulong na si Patrick.

"Nagtaka kasi ako noong una eh, nakalaya si Patrick. Ibig sabihin lang non, may nagpiyansa sa kanya para makalaya s'ya" naguguluhan ako, ibig sabihin may kasabwat talaga s'ya.

Isa pa, pinag aralan ko ang resulta ng lie detector test na isinagawa sa kanya nang mukhang may nakalimutang itanong ang mga pulis sa kanya" huminga nang malalim si Lay bago muling magsalita "Inulit ko kanina ang pagla-lie detector sa kanya at itinanong ko ang mga katanungang hindi naitanong ng mga pulis at para makonpirma kung tama nga ba ang ibang nakalagay doon sa unang resulta." May ibinigay sakin si Lay at tiningnan ko iyon.

"Anong ibig sabihin nito?" pumikit si Lay bago muling tumingin sakin at magsalita "Nang tanungin ko s'ya ulit kung alam ba n'ya kung nasaan si Kaci nang mga panahong nahuli s'ya ng mga pulis, sumagot s'ya ng hindi pero ang sabi ng lie detector test alam ni Patrick umpisa palang kung nasaan si Kaci" nagulat ako sa sinabi ni Lay.

"Sunod kong itinanong sa kanya kung may kasabwat ba s'ya, sumagot s'ya ng wala at totoo iyon. Si Patrick lang talaga ang dumukot kay Kaci." Tumango tango ako, nakahinga ako nang maluwag.

"Tinanong ko kung planado ang lahat, ang sagot n'ya hindi pero ang resulta nagsisinungaling s'ya. Planado ang pagdukot kay Kaci"  nagusot ko ang dulo ng papel na binigay sakin ni Lay dahil sa inis.

"Huli kong tinanong sa kanya, ay kung may nag utos sa kanya para gawin ang bagay na ito, at ang sinagot n'ya wala pero.." tiningnan ako nang diretso ni Lay bago magsalita.

"Ang totoo n'yan Lu Han, may nag utos kay Patrick para dukutin si Kaci at dalhin sa kung saang lugar."

Author's Note:

Sorry kung boring, tinatamad rin kasi ako eh. Pagtiyagaan n'yo na ha? Salamat! :)

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon