Escape [44]: Give up?

2.1K 44 44
                                    

RENJI

"Anong gusto mong sabihin? Bakit mo ako pinapunta dito? Bakit sa ospital?" nakatalikod si Calvin sakin. Hindi ko alam kung anong binabalak niya at kung anong intensyon niya pero.. "Kung tungkol na naman ito kay Kaci, hindi ko siya ibibigay sayo—"

"Hindi ito tungkol kay Kaci, Renji. Tungkol ito sa tatay mo—no, sa tunay na tatay mo." nagulat ako sa sinabi niya. Sa tunay na tatay ko?

"Anong alam mo tungkol sa kanya?" Sino ba talaga ang lalaking ito? Hindi ko maintindihan.

"Madami akong alam tungkol sa tatay mo, Renji. Actually hindi ka matutuwa sa mga nalalaman ko. By the end, baka nga magsisi kang sinabi ko pa sayo ang lahat." Hindi ko maipaliwanag pero nakikita ko ang galit at lungkot sa mga mata ni Calvin. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang matinding galit niyang iyon.

"Pwede bang diretsuhin mo na ako. I have no time for this—"

"Gusto mong biglain kita? Baka kapag ginawa ko iyon hindi mo kayanin ang lahat?"

"Pwede ba Calvin, kung ano man ang nalalaman mo tungkol sa tatay ko sabihin mo na o baka naman talagang wala kang alam?"

"I told you already, Renji. Madami akong alam sa tatay mo. Dahil ako at siya ay may malaking koneksyon sa isa't isa."

"Anong koneksyon niyo?" Fuck, this feeling is driving me insane. I hate it. Para bang dapat umalis na ako dito.

"Una sa lahat, malaki ang kasalanan ng tatay mo sakin at sa Mama ko. Alam mo ba kung nasan ang tatay mo ngayon? Naandito sa ospital at nag aagaw buhay—opps, mali pala." Tumigil siya saglit bago tumingin sa relo niya. "By the time being baka sumakabilang buhay na siya." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Patay na siya?"

"Yeah, you can say that. Inatake siya sa puso. Hindi na kinaya ng katawan niya so I decided na mas mabuting sumakabilang buhay na lang siya kaysa mahirapan siya hindi ba—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Who are you to decide for him, huh? What's your fucking connection?" nakita ko ang pagngisi niya.

"Woah there, can you please chill for a second. Wala pa tayo sa kalahati ng kwento ko. Hindi pa nga ako nag uumpisa sa kwento ko hindi ba?" napasimangot ako sa sinabi niya. "Listen you, alam mo bang anak ka sa labas? Alam mo bang nilandi ng nanay mo ang tatay mo kaya ka lumitaw sa mundong ito. In the first place wala ka naman dapat dito kung hindi nilandi ng Mama mo ang tatay mo eh. See? You're a mistake." Natulala ako sa sinabi ni Calvin. Nakita ko naman ang muling pagngisi niya.

"Malandi ang nanay mo kaya ka nangyari. Kung hindi sana siya makati edi sana wala ka at sana buhay pa ang Mama ko at sana hindi miserable ang buhay ko."

"Teka nga, bakit ba ang Mama ko ang sinisisi mo sa pagiging miserable ng buhay mo? Isa pa, ako anak sa labas? Paano mo alam 'yon? Sino ka ba talaga—"

"Hindi mo pa rin ba marealize kung sino ako?" Nawala ang pagngisi niya at tiningnan niya ako ng diretso. "Hindi ba't tinatanong mo ang koneksyon ko sa tatay mo. Want me to answer that?" lumapit siya sakin bago ako kwelyuhan. "Mag ama lang naman kami. Ibig sabihin magkapatid tayo—Oh, cut that. Kapatid kita sa labas since isa ka lang rin namang anak sa labas."

Natigilan ako sa sinabi niya. Siya at ako ay magkapatid?

"Nakakagulat 'no? Ako rin eh, gulat na gulat ako nang malaman kong may bastardong anak ang tatay ko sa ibang babae. Alam mo bang namatay ang Mama ko? Namatay siya dahil sa inyong dalawa ng Mama mo at alam mo bang gusto kitang bugbugin ngayon pero sabi ko sa sarili ko hindi na rin mahalaga 'yon. Mas masakit pa rin sigurong malaman ang tunay na tatay mo kung kaylan patay na siya hindi ba?" lumawak ang ngiti ni Calvin.

"Masaya ka ba? Kahit kaylan hindi na pwedeng i-void ang adoption paper sayo ni Mr. Lu. Hindi kayo pwedeng magkaroon ng relasyon ni Kaci. Sakit 'no? Actually wala pa 'yan sa sakit na nadanas ko dati." lumapit siya sakin bago tapikin ang balikat ko.

"Wala na kayong pag asa ni Kaci. Well, yeah meron padin. You can break the law and escape. But how long can you run away? Hanggang dito nalang ang paghihiganti ko. Sapat nang malaman kong hindi ka magiging masaya sa piling ng taong mahal mo." ngumiti si Calvin bago siya maglakad papalayo pero naramdaman ko ring tumigil siya.

"Ah, by the way. Wag ka na ring mag abala na pumunta sa libing ni Dad. Bye." hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko. Ang daming gumugulo sa isip ko.

Patay na ang taong matagal ko nang hinahanap, bukod pa don hindi na mapapawalang bisa ang adoption paper ko.

Kaci...

-

Hindi agad ako nakauwi sa bahay. Madami akong inisip kaya naisipan ko munang magpunta sa kahit saan na pwedeng magpakalma sakin. Sa isang iglap magbabago ang tingin ko sa mundo.

"I'm home—"

"Renji! Goodness, where have you been? Bigla ka daw nawala sabi ni Kaci. Nag alala kami." matipid akong ngumiti kay Tita Faye. Halata ngang nag alala siya sakin.

"Pasensya na po. May kinausap lang po ako." hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. Sabi na nga ba, dapat hindi muna ako umuwi.

Sa likod ni Tita ay nakita ko si Kaci, nakatingin lang siya ng diretso sakin. Agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya lahat. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing hindi kami pwede..hindi na kami pwede.

"Renji, you're here." Nakita ko si Dad. Huminga ako ng malalim bago ibuka ang bunganga ko.

"Dad, we need to talk." halatang nagtataka siya. Seryosong seryoso kasi ako.

"Uhm, okay. Let's go to my office." tumango ako sa kanya at sinundan agad siya.

"Renji..." hindi ko pinansin si Kaci, hindi ko siya kayang titigan o tingnan sa mata baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. We can't be together.

"So, what is it?" Sinabi ko sa kanya ang lahat. Lahat ng sinabi sakin ni Calvin, halatang nagulat rin si Daddy.

"Estollas, huh?" tumigil saglit si Dad. "Yeah, I know him. Nakasama ko na siya dati dahil nga kay Rima. So he is your Dad?" tumatangong sabi ni Dad.

"Yeah, at malakas sana ang laban natin sa korte kung maisasama ko siya don kaya lang wala na. Yung kahuli-hulihang pag asa ko nawala pa." napasuntok ako sa pader.

"Renji, alam ko ang nararamdaman mo. Mahal mo si Kaci, I know that's the reason why you want to void your adoption paper but you also need to visit your father."

"Hindi na kaylangan, Dad. Mukhang walang balak si Calvin na ipakita sakin maging bangkay ng tunay na tatay ko." huminga ako ng malalim.

"So, anong balak mo? Are you willing to give up Kaci?" tumingin ako kay Dad.

Give up on her? Can I?

"Your know, I—We will support your decision." napakuyom ako at napaisip.

Give up Kaci? Hell no.

"I won't give up, Dad. I, together with her, we will both escape this game."

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon