RENJI
"Dad, mukhang may bago na naman kayong sulat ah?" umupo ako sa tapat ni Daddy dito sa sala. "Dad?" napapikit nang mariin si Daddy bago tumingin sakin "Kilala ko na kung sinong nagpapadala ng sulat sakin." Nagulat ako sa sinabi n'ya.
"S-Sino?" imbis na sabihin n'ya sakin ibinigay n'ya sakin yung papel. Binasa ko ito at laking gulat ko nang mabasa ko kung kanino ito galing "S-Sa anak n'yo po?" kumunot ang noo ko, medyo malabo pa rin kasi sakin kung sinong anak ba ito.
"Oo, anak namin ni Faye. Ngayon alam ko na, galit s'ya sakin. Nagtataka lang ako dahil ang sabi ni Faye sakin hindi daw alam ng anak namin ang tungkol sakin kaya paanong nangyaring nakakapagpadala s'ya nang sulat sakin?" Nagkibit balikat ako dahil hindi ko rin alam ang sagot sa tanong ni Daddy.
"Baka naman ang alam ni Miss Faye walang alam ang anak n'yo pero ang totoo meron? Hindi rin natin masasabi. By the way Dad, ano palang pangalan ng anak n'yo ni Miss Faye?" umiling ito sa tanong ko.
"Hindi na ako nagkaroon ng oras itanong dahil biglang nagkaemergency kaya sabi ko magse-set nalang ako ng date para makilala ko ang anak ko" Tumango tango ako sa sinabi n'ya.
"S'ya nga pala, kamusta ang date n'yo ni Harumi?" napakamot ako sng noo ulo ko dahil sa tanong ni Daddy. "Hindi kami nagdate, hindi n'ya ako sinipot" napasimangot tuloy ako dahil doon. Kung hindi ko lang talaga nakita si Kaci kanina mukha akong tanga.
"Kung hindi kayo nagdate ni Haru, bakit ka nakangiti ng ganyan?" napatigil ako sa sinabi ni Daddy. "What's with the sudden change of mood, son?" nakangising sabi ni Daddy sakin. Napailing nalang ako habang nakangiti.
"Mind to tell me what happen?" hindi ko alam pero atomatiko akong napangiti "Hindi si Harumi ang nakadate ko kanina, si Kaci" nanlaki ang mata ni Daddy dahil sa sinabi ko. Gusto ko nga sanang tumawa eh.
"Si Kaci, huh?" napangiti ulit ako bago tumango "Pansin ko kapag nababanggit ang pangalang Kaci napapangiti ka d'yan. Anong ibig sabihin 'non?" nakita ko na naman ang mapang asar na ngiti ni Daddy.
"W-Wala, magkaibigan lang kami, Dad" tumawa si Daddy "Oh, talaga lang ha? Sakin ka pa nagtago." Tumayo si Dad at tinapik ang balikat ko "Napagdaanan ko na din 'yan. Nagsisi ako dahil tinaggi ko ang totoo noon, naunahan tuloy ako." Umalis si Daddy. Tch, bakit ba ang lakas mang asar ni Dad eh magkaibigan lang naman talaga kami?
-
Pagkarating ng Lunes, maaga akong pumasok sa school, paano ba namang hindi binulabog agad ako ni Rina sa bahay dahil sabay daw kaming pumasok ngayon.
"Oy, nagsumbong sakin si Haru. Ano na namang ginawa mong kaloko—"
"Hindi s'ya sumipot." Hindi ko na s'ya pinatapos sa sasabihin n'ya at nagsalita na agad. Ako na naman ang masama "S'ya ang hindi tumupad sa usapan kaya wag mo akong tanungin na para bang ako ang nagkamali" nakita kong napatakip si Rina sa bibig n'ya "Okay, okay" hindi ko na s'ya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"Renji!" napalingon ako dahil sa taong tumawag sakin. "Hoo! Buti naabutan kita" nakangiti n'yang sabi habang hinahapo "Hi Rina!" masayang bati n'ya sa kasama ko "Hi Kaci baby~!" niyakap s'ya ni Rina.
Muling tumingin sakin si Kaci. Magkatitigan lang kami ng mga ilang minuto hanggang sa "Hooy~ Ano yang titigan n'yong 'yan at parehas pa kayong nakangiti? May dapat ba ako malaman?" natawa nalang kaming dalawa ni Kaci dahil kay Rina. "S'ya nga pala Renji, gusto ko sanang sabihin sayo na hindi na ako magta-trabaho bilang secretary mo" nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Huh?! Pero bakit?" Bakit biglaan naman ata, may nagawa na naman ba akong mali? "Personal reasons." Kahit na gusto ko sana s'yang pigilan, ano bang magagawa ko desisyon na n'ya 'yan eh.
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...
