Escape [30]

2.8K 93 9
                                    

KACI

"Hayy," napabuntong hininga nalang ako, bakit ganito parang may mali sa mga tao ngayon. Naandito ako ngayon sa may beach nakaupo sa magandang buhangin nitong Saipan. Alam kong gabi na pero hindi ako makatulog.

"What's with the sighed just now?" agad akong napalingon sa kanya nang makita ko si Renji "A-Anong ginagawa mo dito?" dahan dahan akong umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ganon, naging awkward ang lahat samin, parang hindi naman kami ganito dati, hindi ba?

"Hindi kasi ako makatulog" naramadaman kong umupo s'ya sa tabi ko. "Dala mo pala yung gitara mo" napatingin ako sa gitara sa tabi ko. Dinala ko 'to para kahit papaano marelax ako dito.

"U-Uhm," nahihiya ako ngayon sa kanya. Wag n'yo akong tanungin kung bakit dahil hindi ko rin alam ang dahilan.

"May problema ba?" napatingin ako kay Renji, kanina pa kaya s'ya nakatingin sakin? "Wala, may gumugulo lang sa isip ko" tumingin ako sa magandang karagatan. Ang payapa nito, sana ganon din ang isip ko ngayon.

"Alam mo, katulad mo. Ang dami ko ring iniisip ngayon" agad akong napatingin sa kanya, matipid s'yang nakangiti habang nakatingin sa karagatan. "Katulad nalang ng kung anong nararamdaman ni Harumi ngayon" nagtaka ako sa sinabi n'ya, ano bang ibig n'yang sabihin. Hindi ba si Harumi ay yung girlfriend n'ya?

"Break na kasi kami ngayon" mula sa matipid na ngiti nakita kong isang malungkot na ngiti naman ang nagform sa labi n'ya "Ayoko s'yang saktan pero wala na talaga eh. Nagbago na ang lahat, lalo na yung nararamdaman ko sa kanya" nagulat ako ng bigla s'yang tumingin sakin. Nakakaramdam ako ng matinding pag init ng mukha ko.

"Ha? Bakit, anong nangyari?" hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin kay Renji dahil hindi ko rin naman alam ang pinagdaraanan n'ya, hindi pa naman kasi ako nakakapasok sa isang relasyon. "Hindi ko rin alam, siguro kasi may iba ng gusto yung puso ko. May iba ng babae ang mahal ko ngayon" nakaramdam ako nang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano 'to?

Tumingin si Renji sakin bago ngumiti, ibang iba ito sa ngiti n'ya kanina. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko sa hindi ko alam na dahilan. Bakit ba ako nagkakaganito ngayon?

"Ayokong saktan si Harumi pero mas sasaktan ko lang s'ya kung magpapanggap ako na s'ya pa rin ang mahal ko, at bukod don sasaktan at pahihirapan ko lang rin ang sarili ko" napayuko ako, ganon ba talaga kapag nagmamahal ka? Kaylangan may isang taong masasaktan?

"So, sino na pala?" bigla akong napatingin kay Renji at halata mong nagulat s'ya sa tinanong ko. Ako rin, nagulat ako sa sarili kong tanong. Bakit ba 'yon biglang lumabas sa bibig ko?

Napatingin ako kay Renji ng lumapit s'ya sakin, inilapit n'ya ang mukha n'ya sakin habang nakangisi. Ngayon ko lang napagtanto, ang hot pala ni Renji. "Secret" bigla n'ya ring inilayo yung mukha n'ya.

"Kakantahan nalang kita" simpleng sabi n'ya bago kunin ang gitara ko. Nagsimula na s'yang magstrum samantalang ako ito, tulala pa rin dahil sa ginawa n'ya kanina. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

It's twelve o' clock and I need your attention

It's like the alcohol making my head spin

Your scent is the rum. The room is a bottle

Keeping me hopeless 'til I wake tomorrow


And if tonight ever makes a difference

The way that I feel the way that I'll remember it

I'll take this down until the glass remains

Swallow the words that I was meant to say

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon