Escape [4]

4.2K 140 11
                                    

BAEKHYUN

"Bakit mo kami pinapunta dito? Diba dapat babalik pa tayo kila Kaci?" nakatingin lang ako kay Kai. Bakit ganito s'ya? Para s'yang kinakabahan na ewan. "Kasi, may gusto ng reunion" kanino ba kinakabahan si Kai?

"Haha, reunion? Eh araw-araw nalang nagkikita kita tayo ah? Bakit kaylangan ng reuni—"

"Ako, gusto ko ng reunion dahil labing walong taon tayong hindi nagkita" napatingin kami sa kanya at sobra kaming nagulat nang makita namin si Lu Han. "L-Lu Han?!" ngumiti s'ya samin bago lumapit at umpo sa tabi ni Kai.

Katulad noon wala pa ring pinagbabago sa mukha n'ya. Nagmatured lang ng konti pero baby face pa rin at mapagkakamalang babae. "Kaylan ka pa umuwi?" nagtatakang tanong ni Chanyeol sa kanya. Nagkibit balikat si Lu Han bago sumagot "Kahapon? Alam nga ng buong bansa tapos kayo hindi" bigla s'yang tumawa. Ako hindi ako natatawa, unang una nagpakita s'ya sa mismong birthday ng anak n'ya na si Ka—Sabagay wala nga palang alam si Luhan tungkol don.

Hindi n'ya alam na nagkaanak sila ni Faye.

"Kaya ko sinabi kay Kai na magkita kita tayo ngayon dahil gusto ko kayong makita ulit. Magkakaibigan pa rin naman tayo diba?" tumango yung iba.

Bago umalis si Luhan, nawala lahat ng galit ko sa kanya at ngayong bumalik s'ya bumalik ulit lahat ng ito. "Bakit ka pa bumalik?" seryosong sabi ko sa kanya. Tumingin s'ya sakin at nakita kong nawala ang mga ngiti sa labi n'ya.

"May rason ka diba? Imposibleng bumalik ka dito dahil lang gusto mo kaming makita. Dahil kung iyon nga ang rason mo noon palang bumalik ka na at nakipagkita samin. Hindi mo na kaylangang paabutin ng 18 years" pinipigilan ako ng mga kaibigan ko pero hindi ako nagpapapigil.

"Ah, haha guys may wine akong dala gusto niy—"

"Kasi, hinahanap ko si Faye" lahat sila nagulat pero ako hindi na, alam ko na ito ang magiging rason n'ya. "Matagal ko na s'yang hinahanap pero wala eh, hindi ko s'ya makita kaya sana—"

"Kaya nagbabakasakali kang alam namin kung nasan s'ya, ganon ba?" tumingin s'ya sakin ng seryoso at nang makita ko sa mga mata n'ya ang sagot sa katanungan ko napangisi nalang ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko "Pasensya ka wala rin kaming alam kung nasan s'ya, at kung meron man wala akong balak sabihin sayo. Sa totoo lang Luhan dapat hindi ka bumabalik, sana naisip mo kung may babalikan ka pa dahil sa totoo lang nagsasayang ka lang ng oras mo. Wala ka nang babalikan dito, wala na si Faye at wala na rin kaming balita sa kanya kaya sumuko ka na" aalis na sana ako nang marinig ko s'yang magsalita.

"Paano ko susukuan ang taong mahal ko?" napatingin ako sa kisame at nakagat ko ang ilalim na bahagi ng labi ko. Muli ko s'yang nilingon at tiningnan ng diretso "Hindi mo kayang sukuan ang taong mahal mo? Nawalan ka na ba ng memorya? Hindi ba't nagawa mo na s'yang sukuan nang iwan mo s'ya noon?" ngumisi muna ako bago umalis doon. Baka kung ano pang masabi ko sa kanya.

KACI

Ang bilis talaga ng araw, Lunes na naman at kaylangan ko na namang pumasok; kaylangan ko na namang harapin ang mga walang kwenta kong kaklase.

"Alis na po ako!" hinalikan ko si Mama sa pisngi n'ya at umalis ng bahay. Nagbus ako papunta sa school. Maaga ang klase ko ngayon, bawal malate.

Tumatakbo ako papunta sa classroom namin nang may sumagi sa isip ko. Hindi na ulit bumalik sila Ninong, ang huling kita ko sa kanila ay noong Sabado ng umaga, except kay Ninong Kai pero after non wala na, hindi na uit sila nagpakita. May problema kaya?

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom namin, huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob.

Pagpasok ko, alam n'yo 'yon para akong prey dahil lahat sila nakatingin sakin at para bang anumang oras kakainin nila ako. "Ang lakas ng loob bumalik pagkatapos s'yang gumawa ng iskandalo noong Sabado" napatigil ako saglit sa paglalakad ko bago umiling at nagpatuloy.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon