Escape [21]

3.4K 118 14
                                    

RENJI

"Agh! Ang sakit ng ulo ko." Bakit ba kasi naisipan kong maglasing kaga—Hindi ko pala talaga ginustong maglasing, kagagawan 'to ng mga gago kong kaibigan.

Lumabas ako ng kwarto ko at doon ko nakita sila Daddy at Tita Faye "Dad" agad silang napatingsin sakin. Tch, ang sakit talaga ng ulo ko. "Oh? Buti naman gising ka na, bakit hindi ka pa nakaready sa school m—"

"Hindi po muna ako papasok, ang sakit ng ulo ko. Sila Spencer kasi dumating kahapon, nilasing ako" totoo naman eh, sila ang dahilan kung bakit ako may hangover ngayon. "Ganon ba? Sige, ikaw na muna ang bahala kay Kaci, ipagpapaalam ko nalang kayo sa school" tumango tango ako nang ma-realize ko ang sinabi nila.

"Ano? Bakit, anong meron kay Kaci?" nakita kong ngumiti si Tita Faye bago magsalita "Monthly period. Mukhang hindi kayang bumangon dahil sumasakit yung ano n'ya" Kahit hindi ko masyadong gets si Tita tumango nalang ako.

"Ikaw na muna ang bahala dito okay? May pupuntahan lang kami ng Tita Faye mo." Tumango ako sa kanila "Sige po, ingat" nagpaalam sila sakin.

Ang saya ni Dad, ngayon ko lang ata s'ya nakitang ganyan. "Ahhhh!" agad akong napasugod sa kwarto ni Kaci nang marinig ko ang pagsigaw n'ya. "A-Anong problema?" nakita ko kung gaano s'ya namimilipit sa sakit habang nakahawak sa may tiyan n'ya.

"Ang sakit.." sabi n'ya, para ngang bulong iyon. Siguro sobra talaga s'yang nasasaktan. Lumapit ako sa kanya "Anong masakit?" tanong ko sa kanya.

"Ang sakit ng puson ko" napatigil ako sa pagkakatayo ko dahil sa narinig ko. Nakalimutan ko, ang sabi nga pala ni Tita, may monthly period s'ya. "Kaylangan mo ba ng gamot? Ano bang gamot d'yan?" natataranta kong tanong sa kanya.

"H-Hindi ako umiinom ng gamot kapag nasakit ang puson ko" umupo ako sa kama n'ya "Anong dapat kong gawin?"Agh! Natataranta ako, hindi ko naman talaga kasi alam ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

"S-Si Mama?" mahinang tanong n'ya na tila'y isa itong bulong. "Umalis sila eh, may pupuntahan ata" napansin kong dahan dahang nagbago ang itsura ni Kaci. "At kaya ako naandito para pumalit muna sa Mama mo, para may mag aalaga sayo" agad s'yang napatingin sakin. Nginitian ko nalang s'ya para naman kahit papaano ay mawala ang pagkadismaya sa mukha n'ya.

"Renji, kuha mo nalang ako ng napkin please?" namula ako sa sinabi n'ya. "S-Saan?" napaiwas tuloy ako nang tingin sa kanya, kung hindi siguro si Kaci 'to malamang hindi ko gagawin ang iniuutos n'ya sakin.

"S-Sa c-cabinet sa baba. Tanong mo nalang kina Manang." Halata mo pa rin na namimilipit sa sakit si Kaci. Tumango ako bago lumabas ng kwarto n'ya at sundin ang iniutos n'ya sakin.

Pababa ng hagdanan nakasalubong ko ang Yaya na kasama nilang lumipat dito. "Ah, excuse me po Yaya..?" hindi ko kasi alam kung anong pangalan n'ya eh kaya gusto ko sanang itanong. "Yaya Pia" nakangiti nitong sabi sakin "Ah, Yaya Pia, saan po kaya nakalagay ang mga napkins dito?" halata mo naman na nagtaka s'ya sa tinanong ko kaya agad akong nagsalita ulit "Ah, p-para po sana kay Kaci" napangiti s'ya sa sinabi ko.

"Dito, halika ituturo ko sayo" bumaba kaming dalawa ng hagdanan at pumunta sa stock room. Hinanap n'ya yung cabinet kung saan nakalagay ang mga napkins. "Ah, ito" dahan dahan n'yang binuksan yung isang cabinet "K-Kaylan pa nagkaroon ng ganyang kadaming stock ng napkins dito sa bahay?" kumuha si Yaya Pia ng isa at ibinigay ito sakin.

"Kagabi lang po, nang lumipat sila Ma'am Faye dito" nakangiti parin n'yang sabi.

Bumalik na ako sa kwarto ni Kaci para sana ibigay sa kanya ito pero pagpasok ko sa kwarto n'ya wala na s'ya sa kama n'ya "Kaci?" nagpalingon lingon ako sa loob ng kwarto, nagbabaka sakalaing Makita s'ya. "Nasan na kaya 'yo—"

"Ahhhh!" nabitawan ko ang napkin na hawak ko at napasugod sa banyo ng kwarto n'ya kung saan ko narinig iyong pagsigaw n'ya. "Kaci!" pagbukas ko ng pintuan nakita kong nakaupo sa sahig si Kaci. Basang basa na rin dahil sa nabukas na shower.

Lumapit ako sa kanya at pinatay ang shower n'ya bago ko alalayan si Kaci patayo "N-Nanginginig ang tuhod ko" binitawan ko muna ang kamay n'ya bago ko itupi ang long sleeve ko at gawing pathree-forth at binuhat s'ya.

"You're soaked" iniupo ko muna s'ya sa isang bangkuan doon bago ako kumuha ng tuwalya para sa kanya. Ibinigay ko ito sa kanya at agad naman n'yang pinunasan ang sarili n'ya.

Naglakad ako papalapit kung saan nahulog iyong napkin bago i-abot sa kanya. Napatingin s'ya sakin at nakita ko ang maliit na pagngiti n'ya.

-

Nang makapagshower si Kaci ng kaunti ay humiga na ulit s'ya sa kama n'ya. Halata mo pa rin na may sumasakit sa kanya kaya nang matuyo ang buhok n'ya "Matulog ka na muna para mawala yung sakit. Dito lang ako" ngumiti ako sa kanya.

Dahan dahan s'yang ngumiti, ipinikit n'ya ang mga mata n'ya "Thank you" nagulat ako nang sabihin n'ya iyon pero agad rin akong napangiti. "Sleep" matipid kong sabi sa kanya.

Habang tinitingnan ko s'ya hindi ko maiwasang hindi hawakan ang buhok n'ya at himasin ito. Gusto ko laging ganitong kaaliwalas yung itsura n'ya. Hindi nasasaktan at hindi namumuo ang galit sa kanya.

"Alam ko dadating ang araw mapapatawad mo rin si Daddy"

"Mama..P-Papa.." nagulat ako sa sinabi n'ya "D-Don't go.." nagsasalita s'ya habang natutulog. Ano kayang napapaginipan n'ya?

"Shh, they won't leave you. I also won't leave you" napatigil ako sa sinabi ko. Napailing nalang ako, ano ba 'tong sinasabi ko.

"Please.." tinaggal ko ang ilang hibla ng buhok n'ya na nakakalat sa mukha n'ya. Pagkatapos noon ay hinawakan ko ang kamay n'ya. "We won't leave you" naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng kamay n'ya sa kamay ko.

"R-Renji.." natigilan ako nang banggitin n'ya ang pangalan ko pero hindi ko maiwasang maging masaya. Yung tibok ng puso ko sobrang bilis.

A-Ano 'tong nararamdaman ko?

FAYE

"Déjà vu ba 'to? Parang nangyari na rin 'to dati diba? Tanda mo pa?" nakangiting sabi ko sa kanya habang nakasilip kami sa kwarto ni Kaci.

Kakarating palang namin dito dahil may naiwan kami, at nakita namin na inaalagaan ni Renji si Kaci, Masaya ako dahil bilang ina nakikita kong bukod sakin at kay Lu Han may isa pang handang mag alaga kay Kaci.

"Oo, ilang taon na rin ang nakakalipas pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari 'yon. Ang sarap balikan ng masasayang nangyari satin noon" napangiti ako sa sinabi n'ya. Naramdaman kong hinawakan n'ya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Thank you for giving me a second chance, Faye." Ngumiti ako sa kanya bago sumagot "Sino ba naman ako para hindi ka patawarin? Alam ko naman eh, hindi mo rin ginusto lahat nang nangyari satin. May nagawa rin akong pagkakamali, 'yon ay ang pagtatago sayo sa loob ng ilang taon" naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko.

"Lu Han, sana hindi ka mapagod. Hindi ka mapagod maghintay sa kapatawaran ni Kaci. Alam ko naman eh, dadating ang araw na patatawarin ka n'ya." Nakita kong ngumiti s'ya bago humarap sakin at magsalita. "Hindi ako mapapagod." Simpleng sagot n'ya bago hawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Kahit gaano pa ako ipagtulakan ni Kaci papalayo hindi ako mapapagod habulin s'ya. Kahit ano pang masasakit na salita ang bitawan n'ya sakin hindi ako mapapagod intindihin s'ya at kahit gaano s'ya kagalit at kasuklam sakin ngayon hindi ako mapapagod maghantay sa tamang panahon para mapatawad n'ya ako. Anak natin si Kaci kaya dapat tayo ang pinaka unang taong hindi s'ya susukuan." Napangiti ako sa sinabi n'ya, nararamdaman kong mahal ni Lu Han si Kaci.

"Thank you" agad kong niyakap si Lu Han. "Dahan dahan kong ibabalik ang loob ng anak ko sakin. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ng isang amang hindi n'ya naramdaman sa loob ng labing walong taon" humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

Ngayon panatag na ang loob ko, dadating ang panahon mabubuo at magiging masaya ang pamilyang 'to.

Author's Note:

Haha wala na naman napasok sa utak ko. Salamat sa lahat ng nagbabasa. Iloveyou all! :*

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon