LU HAN
"Lu Han, wala ka bang napapansin kila Renji at Kaci?" agad akong napatingin sa kanila, ano bang ibig nilang sabihin dito? "Ang alin?" gusto kong masigurado kung anong gusto nilang iparating. "Si Kaci at Renji, wala kang napapansin sa kanila para kasing.." hindi na naituloy ni Kai ang sasabihin n'ya.
"Diretsuhin n'yo nga ako" naandito kami sa veranda ng bahay ko, tulog na rin si Faye siguro medyo pagod pa s'ya. Ilang araw din kasi kaming walang tulog eh. "Kung totoo nga yung napapansin namin, para kasing may something doon sa dalawa. Hindi kaya may nararamdaman na sila sa isa't isa?" napangiti ako, syempre alam ko 'yon. Araw araw ko silang nakikita at imposibleng hindi ko mapansin ang mga tinginan nilang iyon.
"Oo, alam ko. Matagal na. Una ko palang silang nakitang magkasama; kahit noong hindi ko pa alam na anak ko si Kaci, alam ko na may something na sa pagitan nilang dalawa although both of them didn't even realize it yet until now" totoo ang sinasabi ko lalo na noong makita ko kung gaano alagaan ni Renji si Kaci.
"Hindi ka ba tutol doon?" nagulat ako sa tinanong ni Suho sakin, bakit naman ako tututol kung doon naman sasaya yung dalawa. Isa pa, malaki na sila at hindi na para pigilan ko sila.
"Baka nakakalimutan mo Lu Han, inampon mo si Renji noon, isa ako sa kinausap mo tungkol d'yan" napatingin ako kay Kyungsoo sa biglaan n'yang pagsasalita. Napatigil ako nang maalala ko ang sinasabi n'ya. "Hindi ba, isa ako sa mga abogadong kinausap mo para maampon mo si Renji nang mamatay si Rima?" nagtinginan ang iba kong kaibigan, hindi rin kasi nila alam.
Paano ko nga ba nakalimutan ang tungkol sa bagay na 'yon? "O-Oo nga pala, naalala ko na" natahimik kami nang ilang minuto bago ulit may magsalita.
"Ako hindi rin ako tutol d'yan kung makikita ko namang masaya si Kaci, kaya lang inampon mo pala si Renji, Lu Han eh, hindi pwede. Hindi sila pwede" ang sabi naman ni Lay. Oo, hindi naman namin hahadlangan ang kasiyahan nila kung doon talaga sila masaya kaya lang..
"Sa mata ng batas at sa lahat nang nakakaalam at nakakakilala sa inyo, magkapatid sila. Mahal man nila o may nararamdaman man sila sa isa't isa sa mata ng ibang tao mali pa rin ang ginagawa nila" narinig kong sabi ni Kris. Naging seryoso na ang usaping ito.
Hindi ko nga pala nasabi ang bagay na ito kay Renji dahil nawala sa isip ko, masyadong maraming nangyari noong mga nakaraang taon kaya nawala na sa isip ko ang masabi ang bagay na ito sa kanya.
"Ilalayo mo ba si Kaci kay Renji? Paglalayuin mo ba sila?" napailing ako sa narinig kong tanong ni Xiumin. "Hindi ko rin alam, kapag ginawa ko 'yon kung sakaling totoo nga ang hinala natin, masasaktan lang natin silang dalawa at ayokong saktan ang sino man sa kanila" napabuntong hininga nalang ako.
"Pero hangga't ganito ang sitwasyon, wala tayong dapat gawin kung hindi ang paglayuin muna silang dalawa kaysa naman sa huli mas masaktan pa ang isa sa kanila or worst pareho lang silang magdusa. Naranasan n'yo namang magmahal diba? Lahat tayo naranasan 'yon at alam n'yo ang pakiramdam, masakit, yung sakit na 'yon minsan nakakamatay" walang na akong narinig na kumontra pa lahat sila mukhang hindi rin alam ang gagawin.
"Hangga't light palang ang sitwasyon at ultimong sila hindi pa nila narerealize ang tunay nilang nararamdaman mas mabuti pang gumawa na tayo ng hakbang para maglaho 'yon at hindi na lumalim pa"
RINA
May nasabi ba akong mali? Kanina pa kasi tahimik 'tong dalawa kong kasama, sa sinabi ko lang naman yung nalalaman ko eh. Talaga bang wala silang alam tungkol doon sa sinabi ko? Tumayo si Renji kaya sinundan namin s'ya ng tingin "Saan ka na naman pupunta?" Mukha namang hindi s'ya papalabas ng resto. "Restroom" simpleng sabi n'ya bago maglaho sa paningin ko.

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
Literatura KobiecaNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...