Escape [26]: Jealousy

3.4K 113 5
                                        

KACI

"Bakit ka napatigil?" Agad bumalik ang katinuan ko nang magsalita s'ya. Umupo s'ya sa tabi ko dala ang maliit na tray "Nagugutom ka na ba?" tumango ako, pakiramdam ko ilang araw akong hindi kumain eh. Iniabot n'ya sakin ang maliit na tray na naglalaman ng isang baso ng tubig at ilang pagkain.

"Sorry kung 'yan lang ang naibigay ko sayo, hindi kasi ako ganoong kayaman para ipaghanda ka ng maraming pagkain. Tumingin ako sa kanya, halata mong nahihiya s'ya "Okay lang, sanay lang rin naman ako sa ganito eh" napangiti s'ya sa sinabi ko.

Kumain lang ako nang kumain hanggang sa pakiramdam ko'y busog na ako "Salamat sa pagkain!" kinuha n'ya sakin iyong tray bago ilagay sa isang lamesa "Talaga bang hindi mo na ako maalala?" agad akong napatingin sa kanya.

Napatungo ako bago umiling "Sorry, pero sa pagkakaalam ko ito ang unang pagkakataon na makita at makilala kita" nakita ko ang pagngiti n'ya "Dala na rin siguro ng trauma kaya hindi mo na maalala lahat" nakangiti s'yang tumingin sakin.

"K-Kung gusto mo ikwento mo nalang sakin baka sakaling maalala ko pa" dahan dahan s'yang tumawa bago umling "Ayoko, gusto ko ikaw mismo ang makaalala kung sino ako" napanguso ako dahil sa sinabi n'ya. Narinig ko naman ang pagtawa n'ya "Hindi ka pa rin talaga nagbabago" ano ba naman 'yan, hindi ko talaga s'ya magets eh pero parang pamilyar sakin yung pangalan n'ya.

"Aiden!" nanginig ang buong katawan ko nang pumasok iyon sa isip ko. Aiden? May kilala nga ba akong Aiden? Hindi kaya s'ya 'yon?  Pero wala eh, wala rin naman kasi akong masyadong maalala sa pagkabata ko dahil nga sa nangyari noong nakidnap ako.

"I-Ikaw lang ang nakatira dito?" pag iiba ko ng topic, medyo nagiging awkward kasi. S'ya kilala n'ya ako pero ako wala akong alam tungkol sa kung sino ba talaga s'ya. "Oo" simpleng sagot n'ya. Nakita kong bigla s'yang nalungkot sa sinabi ko, mali bang nagtanong ako?

"Nasan ang magulang mo?" Agh! Kaci, dapat sigurong tumigil ka na. "Wala na. Si Mama matagal na s'yang patay, si Papa inabandona na n'ya ako" napatigil ako sa sinabi n'ya. Dapat ko bang sabihing parehas kami ng sitwasyon tungkol sa tatay namin? Dapat ko bang sabihing inabandona ako ng tatay ko noon? Napailing ako, hindi mali 'yon. Hindi naman kasi intensyon ng tatay ko na iwan ako.

"S-Sorry" nakayuko kong sabi sa kanya. "Huh? Para saan?" pagtingin ko sa kanya nakita kong nanatili pa rin s'yang nakangiti "Dahil sa pagtatanong ko" Nanatili akong nakayuko, nakakahiya lang talaga!

"Okay lang, sanay na naman ako eh. Sanay na akong mag isa" Bakit ganito, pakiramdam ko kilala ko s'ya, parang narinig ko na ito dati. Bakit ganito ang nararamdaman ko? "Hindi ba't ikaw rin? Ang sabi mo dati iniwan ka ng tatay mo?" para akong naistatwa sa sinabi n'ya. Paano n'ya nalaman iyon?

Magtatanong palang sana ako nang bigla s'yang tumayo "Gusto mo bang iuwi na kita sa inyo? Hinahanap ka na nila" bigla kong naalala, hindi nga pala alam samin na ligtas na ako. Nako, baka sobra na silang nag aalala sakin.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko "Oo nga pala!" natawa s'ya sa naging reaksyon ko "Sige, ihahatid na kita." Tumango tango ako sa sinabi n'ya.

-

Ngayon ko lang napansin iba na pala yung suot kong damit—Oh my god! Namula yung mukha ko, hindi kaya.. "S'ya nga pala, tungkol sa damit mo nagpatulong ako sa babae kong kaibigan para mapalitan iyon" agad akong nakahinga nang maluwag sa narinig ko. Buti nalang.

"Naandito na tayo, mukhang hanggang ngayon hinahanap ka pa rin nila ah?" pagtingin ko sa harap ng bahay namin, ang daming tao at mukhang lahat busy.

 "Ano? May balita na ba kay Lady Kaci?"

"Kaylangan na nating makahanap ng kahit konting impormasyon tungkol kay Lady Kaci, sobra nang nag aalala si Master Lu Han at si Lady Faye."

Nanatili akong tulala, nag aalala ang tatay ko sakin?

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon