Escape [20]

3.6K 112 9
                                        

KACI

"Walang nakakaalam kung bakit. Pumasok ka nalang sa looob ng kotse para malaman mo" napatingin ako kay Renji na ngayon ay papasok na ng kotse na iyon.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok rin sa loob, napatingin muna ako saglit kay Renji na katabi ko lang ngayon. Nakatingin s'ya sa labas ng bintana at mukhang ayaw n'yang tumingin sakin. Hindi ko talaga s'ya maintindihan. Unang una, wala pa naman akong ginagawa para saktan s'ya ah.

Nang makarating kami sa mansyon ng mga Lu, hindi ko alam kung dapat pa ba akong bumaba dito sa sasakyan o mananatili nalang sa loob "Lady Kaci?" agad akong napatingin sa malaking taong nasa may pintuan ng backseat kung saan ako nakapwesto.

Tumango ako sa kanya bago bumaba ng kotse. Kinakabahan ako, aminado naman ako. Pagkatapos ng lahat nang sinabi ko sa tatay ko, akala ko kasi iyon na ang huling pagkakataong makikita ko s'ya.

Nang nasa tapat na kami ng malaking pintuan ng bahay bigla itong nagbukas at sinalubong kami ng maraming maids at sa gitna nito naglalakad s'ya. "Welcome home" masayang sabi nito.

Welcome home eh hindi naman ito ang bahay ko. "Uuwi na ako" tatalikuran ko na sana s'ya at aalis na nang may isang sasakyan ang humarang sa daraanan ko at lumabas mula roon si Mama.

"Dito na kayo ngayon titira, napag usapan na namin 'yan ni Faye" tiningnan ko si Mama, dahan dahan s'yang tumango habang nakangiti. Buti sila nakakangiti ako kasi hindi ko kaya.

"Pumayag si Mama? Ako hindi. Kaya hindi ako dito titira" pagmamatigas ko. Aalis na sana ako nang hilahin ako ni Mama pabalik ng pwesto ko.

Kaci please, gusto kang makasama ng Papa mo. Gusto ka n'yang makilala pa" tiningnan ko s'ya at nakita ko na nagmamakaawa na s'ya sakin. Agh! Bakit n'yo ba 'to ginagawa sakin.

"Fine!" tinalikuran ko sila at mas una pang pumasok sa bahay na 'yon. "Bakit lagi n'yong pinapangunahan ang desisyon ko. Tch!" bulong ko sa sarili ko. Muli kong sinuri ang bahay, maganda pala talaga 'to.

"Saan ang kwarto ko?" walang emosyon kong sabi sa kanila. Hangga't maaari ayokong matagal silang kasama. Magkukulong nalang siguro ako sa kwarto ko mamaya.

May lumapit na isang maid sakin at tinuro kung saan ang magiging kwarto ko. Pagbukas ko nang pintuan gusto ko sanang magtatalon sa tuwa dahil ganitong ganito ang gusto kong maging kwarto kaya lang naalala ko, hindi ito ang oras para matuwa ako.

"Nagustuhan mo ba?" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang tatay ko. "Tinanong ko kasi ang Mama mo kung anong gusto mong style ng kwarto mo, at nang malaman ko kung ano iyon agad kong pinaayos" tinitigan ko lang s'ya. Nanatili lang s'yang nakangiti.

"Isusunod nalang yung mga gamit mo d'yan mamaya, pero wag kang mag alala may mga ilang bagong gamit akong ibinili para sayo" tinalikuran ko na s'ya at muling tiningnan ang kwarto. "Whatever" agad akong pumasok sa loob at nagkulong doon.

-

Mga ilang minuto pa bago ako lumabas ng kwarto ko, maaga pa rin naman kahit papaano gusto ko sanang lumabas ng lungga ko.

Kakasarado ko palang ng pintuan ng kwarto ko nang marinig kong magbukas ng pintuan ang katapat na kwarto ng akin at doon ko nakita si Renji. Agh! Nakalimutan ko na dito nga pala ang kwarto ni Renji.

Pinagmasdan ko s'ya, bihis na bihis s'ya at tila may pupuntahan. Nang tingnan ko s'ya sa mata n'ya nakatingin din naman s'ya sakin kaya agad akong napaiwas.

Nakita kong umiling iling s'ya bago ako iwan ditong mag isa.

RENJI

Nakita ko si Kaci kanina pero mas pinili kong iwasan nalang s'ya, tutal 'yon naman ang gusto n'ya. Kaysa mahirapan pa s'ya ako nalang ang iiwas.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon