Escape [7]

3.6K 127 9
                                    

KACI

"You know each other?" nakangiting sabi ni Mr. Lu, dahan dahan akong tumango pero hindi ko mai-alis ang tingin ko kay Renji. "Yeah, w-we're friends" talaga palang tinotoo n'ya yung pagiging magkaibigan namin 'no? Ayos din ang sapak ng isang 'to eh.

"Good, mas maganda ang magiging relationship n'yo" agad akong napatingin kay Mr. Lu "P-po?" relationship? Seryoso?! "I mean sa trabaho mo. Hindi ka na mahihirapan kay Renji dahil magkaibigan naman pala kayo." Ano ba 'yan Kaci, kung ano-ano kasing iniisip mo eh.

"Ganito lang naman ang kaylangan mong gawin Kaci, kaylangan mo lang tulungan si Renji na i-balance ang school at ang work n'ya at kaylangan mo ring ingatang itago ang sekreto n'ya na s'ya ang taga pagmana ng SHA" nanatili akong tulala. Hindi pa rin ako makapaniwala na si Renji ang magiging boss ko.

-

Pagkatapos naming magusap usap at ayusin ang lahat, nagpaalam na ako sa kanila. Ipinahatid naman ako ni Mr. Lu sa isa n'yang driver. "Kaci teka lang" napatigil ako sa paglalakad nang tawagin ako ni Renji. Nilingon ko s'ya at nakita kong papalapit na s'ya sa pwesto ko.

Tumingin s'ya sa driver na maghahatid dapat sakin "Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahalang maghatid sa kanya mamaya" nagbow iyong driver bago umalis at iwan kaming dalawa "May gusto pa akong itanong sayo. I think we need to talk first" hindi na ako nakakontra pa at bigla n'ya akong hinigit sa kung saan.

Tumigil kami sa isang garden at doon n'ya ako hinarap at kinausap "Bakit ka pumayag?" seryoso s'yang nakatingin sakin. "H-Huh?" huminga nang malalim si Renji "Bakit ka pumayag na maging secretary ko? Bakit mo tinanggap ang trabahong 'to?" halata mo rin ang pagtataka sa istura n'ya.

"Unang una Renji, hindi ko alam na ikaw ang anak ni Mr. Lu. Pangalawa, kaylangan ko ng trabaho kaya humingi ako ng tulong kay Mr. Lu na tatay mo pala para sa Mama ko—Teka nga, ibig ba n'yang sabihin, kung si Mr. Lu ang tumatayong tatay mo, ibig sabihin—"

"Oo, hindi ko s'ya tunay na ama, nakwento ko na 'yan sayo diba?" tumango ako, inilibot ni Renji ang paningin n'ya bago ulit ako hilahin "Ang hilig mong manghila" nakakainis na eh, pwede n'ya namang sabihin sakin na pumunta dito, pumunta doon bakit kaylangang manghila.

"Sit" nanatili akong nakatingin sa kanya dahil na rin sa pagkagulat ko "Diba secretary kita? Kaya susundin mo ang sinasabi ko at una kong utos sayo umupo ka d'yan" pwersahan n'ya akong pinaupo sa isang garden chair.

Tiningnan ko lang s'ya, ang bossy rin pala ng isang 'to. Parang iba ang Renji na nakilala ko sa school. Umupo s'ya sa tabi ko at pareho lang kaming nanahimik "Sa school.." natingin ako sa kanya dahil sa biglaan n'yang pagsasalita "Isekreto mo 'to. Ayokong mas lalong bumaba ang tingin sayo ng mga kaklase natin dahil nagta-trabaho ka" kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Wala namang masama dito ah? Marangal naman ang trabaho ko" inirapan ko s'ya at tiningnan nalang ang mga magagandang bulaklak sa harapan ko "Alam ko, pero iba pa rin silang mag isip. Hindi sila katulad natin, masyado silang mapagmataas. Ayokong mas mabully ka dahil dito" May maganda naman pala s'yang intensyon, akala ko kasi dini-discriminate n'ya ako eh.

"Renji.." bigla akong napangiti pero alam n'yo 'yon may tumutusok pa rin sa puso ko kahit na nakangiti ako ngayon? "Hmm?" Alam ko at nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin s'ya sakin. "May napatunayan ako ngayon, kahit hindi mo kilala ang tunay mong ama maswerte ka pa rin." Tumingin ako sa kanya at ngumiti, nakita ko naman ang pagkunot ng noo n'ya.

"Kasi, si Mr. Lu ang tumatayong ama sayo. Sabihin man nating hindi kayo magkadugo at hindi mo s'ya kaano-ano, minamahal at tinuturing ka pa rin n'yang anak. Samantalang ako, iniwan at tinalikuran ng tatay ko" muli kong iniiwas sa kanya ang tingin ko. Bakit ganon, nakakaramdam ako ng inggit.

Hindi ko mapigilang hindi sabihin sa kanya 'yon, kung gaano s'ya kaswerteng maramdaman ang pagmamahal ng isang ama. "Galit ka sa tunay mo tatay 'no?" huminga ako nang malalim. Medyo bumigat kasi ang paghinga ko. "Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi." Tumingin ako sa kalangitan. Madilim na at puno na rin ito ng bituin.

"Hindi ko man alam kung ano bang pinagdaanan mo noon pero kitang kita ko kung gaano ka nahihirapan at nasasaktan kaya hindi rin kita masisisi kung balang araw kapag nagkita kayo hindi mo agad s'ya matanggap" wala talaga akong balak tanggapin s'ya, itinapon n'ya kami kaya bakit n'ya pa ulit kami pupulutin? "Alam mo ba, s'ya ang sinisisi ko sa lahat ng nangyayari samin ngayon. Kung bakit nasa ospital si Mama, kung bakit binu-bully ako, kung bakit malungkot ang buhay ko. Lahat, s'ya ang may kasalanan." Hindi ako iiyak, hindi na ulit ako iiyak para sa Papa ko, hindi s'ya karapat-dapat iyakan.

"Kung sakaling magkita kayo, anong balak mong gawin?" napangisi ako sa narinig kong tanong sakin ni Renji "Imposibleng mahalin ko s'ya, imposible ring tanggapin ko s'ya" tiningnan ko si Renji at nginitian. "Ikaw sa tingin mo anong gagawin ko sa kanya?" tumungo si Renji bago umiling "I don't know" umiling iling s'ya bago ngumiti at tumingin rin sakin.

Tumingin ulit ako sa kalangitan "Sana nga hindi nalang kami magkita eh, kasi wala ring mangyayari kahit pagtagpuin kami ng tadhana.Baka kung ano lang magawa at masabi ko sa kanya. Mas maganda na nga siguro na hanggang dito nalang ang alam ko sa kanya, mas okay na rin na hindi ko s'ya kilala" napakuyom ang kamay ko habang sinasabi iyon.

Kapag nagkita kami, gagantihan ko agad s'ya.

RENJI

Inihatid ko na si Kaci sa ospital dahil sabi n'ya doon daw naka-confine ang Mama n'ya. Gusto ko sana s'yang samahan kaya lang naalala ko kaylangan pa rin naming mag usap ni Daddy.

"Salamat Renji, ingat ka" nginitian ko si Kaci bago ako umalis at bumalik sa bahay namin.

Agad akong pumunta sa kwarto ni Daddy dahil alam kong naandon s'ya ngayon, may itatanong lang ako at gusto ko ring makatulong sa kanya "Dad.." nakita kong may kausap s'ya sa phone bago ako tingnan. Tahimik akong lumapit sa kanya at umupo sa isang upuan doon.

"Okay, just give me an update if ever you already found her" kinuha ko yung isang mansanas sa fruit basket na nakalagay sa gitna ng table. Umupo si Daddy sa couch na katapat ko "Why?" kinagatan ko muna ang mansanas na hawak ko bago magsalita "Is that the investigator?" sumandal si Daddy sa couch bago tumango.

"Kamusta, may balita na ba tungkol sa kanya?" nakita kong dahan dahan s'yang umiling. Tumango ako "I see, it's been 8 years since you started to find her but until now there's no any news about her" tiningnan ako ni Daddy, samantalang ako pinaglalaruan ko lang iyong mansanas.

"Do you want me to give up?" napangiti ako sa sinabi ni Daddy. "No, I just want you to give yourself a break." Ngumiti si Daddy sakin bago umiling. Magsasalita pa sana s'ya nang unahan ko s'ya "And while you're resting, I will be the one to find her" nagulat si Daddy sa sinabi ko.

"What? Are you helping me?" nagkibit balikat ako bago sumagot "Don't know if that's the proper term but yes, I think. Besides my Mom is the one who ruined your relationship. Hindi rin kita masisisi" halata mong nagtataka si Daddy dahil sa biglaang pagtulong ko sa kanya.

"You're not angry with me, aren't you?" tumawa ako sa sinabi n'ya "Of course not. Sa ilang taong pag aalaga n'yo sakin at pagturing bilang tunay mong anak it's time for me to give you a favor. I can handle this. Hahanapin ko s'ya para sa inyo" halata mong gulat na gulat s'ya pero kalaunan naman ay ngumiti na rin s'ya "Thank you" nagthumbs up ako sa kanya.

Napatingin ako sa isang litrato dito sa kwarto ni Daddy. Maya-maya pa'y may ibinigay s'ya sakin "Iyan ang ilang bagay na dapat mong malaman tungkol sa kanya" kinuha ko ito at sinuri.

Tiningnan ko ang bu n'yang pangalan. Faye Alexandrea Fernandez—Teka Fernandez? Agad akong napatingin kay Daddy, hindi kaya kilala s'ya ni Kaci? "Dad, nang iwan mo s'ya may iniwan ka rin bang anak mo sa kanya?" napakunot ang noo ni Daddy bago umling. "Sa pagkakaalam ko naman wala. Bakit? Alam ko kasi wala kaming anak nang iwan ko s'ya" tumango ako.

Baka naman kamag-anakan s'ya ni Kaci? Tama, itatanong ko sa kanya bukas.

Author's Note:

Hindi ko masyadong patatagaling itago ang katotohanan, magugulat nalang kayo alam na ng isa sa kanila ang katotohanan. Haha. Thank you guys! Sana patuloy lang kayo sa pagsuporta! Lovelotss <3 I need feedbacks, pero kung ayaw n'yo okay lang hindi naman ako namimilit. Haha

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon