Escape [37]: Revelation

2.7K 89 19
                                    

Lu Han

Naandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa bahay namin, isa lang ang kulang. "Ano naman kayang importanteng bagay ang inaasikaso ni Kyungsoo?" hindi kami sumagot. Hindi rin naman kasi namin alam.

"Baka naman, may kaso" nagsisang ayunan kami, baka nga.

"S-Sir, bawal pong pumasok dito."

"Richard tama na 'yan." Nabulabog kami nang bigla nalang may pumasok sa bahay ko. Si Richard Akiyama, ang tatay ni Harumi at si Tenkou Mitsui, ang tatay naman ni Rina.

"Lu Han! Kaylangan nating mag usap" tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinarap si Richard at Tenkou "Ano bang problema?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Alam mo na hindi pwede pero kinukonsinte mo!" napakunot ang noo ko dahil hindi ko s'ya maintindihan.

"Alam mong hindi pwedeng magkaroon ng nararamdaman si Renji at ang anak mo higit pa sa magkapatid. Alam mong hindi pwede dahil magkapatid sila!" napakunot ang noo ko dahil sa kanya "Eh ano naman kung magkaroon sila ng relasyon. Isa pa kung iyon lamang ang bagay na makakapagpasaya sa kanila bakit kaylangan ko silang pigilan?" sagot ko naman sa kanya.

"Dahil mali, dahil bawal, dahil kasalanan ito sa batas!" pinakalma s'ya ni Tenkou dahil masyado na atang galit si Richard "Pwede ba Richard, kumalma ka muna" sabi ni Tenkou sa kanya. "So ang gusto mo magkaroon naman ako ng kasalanan sa mga anak ko ganon ba 'yon? Tsaka ano bang gusto mo? Anong bang pakealam mo sa affair ng pamilya ko. Isa ka lang naman sa abugado na kinausap ko para sa pag aadopt ko kay Renji noon hindi ba?" naiinis na kasi ako eh. Parang gusto n'ya, sasaktan ko ang mga anak ko. Hindi pwede.

"Iyon na nga eh, naandon ako kaya alam kong bawal. Hiniwalayan ni Renji ang anak ko dahil sa anak mo!"

"Wala kang karapatang sigaw sigawan ako sa pamamahay ko. Isa pa, ano bang pakealam mo sa desisyon ni Renji? Buhay n'ya 'yon, hayaan mo s'ya. Tsaka may ginagawa na si Kyungsoo para sa adoption paper ni Renji" tumawa ng malakas si Richard at tumingin sakin.

"Wala na kayong magagawa, hindi pwedeng ipawalang bisa ang adoption paper ni Renji" nabigla ako sa sinabi n'ya. "Anong sabi mo? At ba—"

"Anong nangyayari dito?" napatigil kami nang makita namin sila Renji na pumasok ng bahay "Papa, anong ginagawa mo dito?" lumapit si Harumi sa Papa n'ya at pilit itong pinipigilan "Wag kang makealam dito" pigil sa kanya ng Papa n'ya.

"Pa, kung ginagawa mo 'to dahil kay Renji itigil mo na. Hindi na ako ang mahal ni Renji, wag n'yo nang palakihin pa ang gulo" sabi naman ni Harumi sa kanya.

"Kayo ang pwede ni Renji, hindi sila pwede ng anak ni Lu Han dahil magkapatid sila. Wala na silang magagawa don hindi rin sila magiging masa—"

"Hindi ba't abugado ka? At alam kong alam mong hindi totoo ang sinasabi mo. " napatingin kami sa may pintuan at doon namin nakita si Kyungsoo.

"Alam kong alam mo rin na may pwedeng gawin para ipawalang bisa ang adoption paper ni Renji" napakunot ang noo ni Richard sa narinig n'ya. "Akala ko ba nakapagtapos ka ng law, bakit parang sa nakikita ko hindi mo ginagamit ang mga pinag aralan mo?" sarkastikong sabi ni Kyungsoo.

Naglakad s'ya papalapit samin. "Kyungsoo, anong ibig mong sabihin?" ngumiti s'ya samin bago magsalita "Tapos ko nang pag aralan ang lahat, tungkol sa kaso ni Renji" nagbigay s'ya samin ng isang malambing na ngiti.

"Ang tunay na magulang ni Renji ay pwedeng magbigay ng petition para maibalik sa kanya ang parental rights na nawala sa kanya at dahil doon pwedeng maipawalang bisa ang adoption paper ni Renji" nakita kong ngumiti si Richard.

"But as you can see, hindi natin alam kung nasaan ang tunay na ama ni Renji—"

"In that case there's another option. Ang sinabi ko kanina ay option one lamang. Si Renji as the adoptee is the only one, who's authorized to terminate or to rescind his adoption paper. Si Renji lang ang may karapatang ipawalang bisa ito" dahil sa sinabi n'ya nabuhayan kami ng loob.

"Tama ba iyon. Atty. Tenkou Mistui" nakita kong ngumiti ang tatay ni Rina bago tumango.

CALVIN

"Hindi ba kayo natutuwa? Nagkakagulo daw ang pamilyang Lu ah?" umupo ako, gusto kong asarin ang tatay ko. Ibinaba n'ya ang dyarong binabasa n'ya at sinilip ako bago ulit magbasa.

"Hindi naman, isa pa naging kaibigan ko rin naman si Lu Han" sabi n'ya sakin. Pinanood ko lang s'yang magbasa ng dyaryo "Hindi ba't dapat magdiwang kayo, kalaban n'yo sila sa negosyo n'yo." kumuha ako ng isang basong wine at ininom iyon.

"Hindi, sa katunayan masaya ako dahil nahanap na ni Lu Han ang pamilya n'ya. Ang pamilyang sinira ni Rima, may she rest in peace" sabi n'ya habang nagbabasa ng dyaryo.

"Oo, ang pamilyang sinira n'yong dalawa" nakita kong napatigil s'ya sa sinabi ko. Ibinaba n'ya ang dyaryong hawak n'ya at tiningnan ako "Anong sabi mo?" nginitian ko lang s'ya. "Bakit, may mali ba sa sinabi ko?" tiningnan ko s'ya habang nakangiti.

"Sa pagkakaalam ko, wala akong sinabihing hindi naman dapat" ininom ko ang wine na nasa baso ko. Kumuha s'ya ng isang basong beer at ininom iyon, "Tigilan mo ako, Calvin" seryosong sabi n'ya.

Tss, kahit gaano pa s'ya kaseryoso, hindi ako matatakot sa kanya, dahil sa katunayan n'yan pagdating sa kanya wala na akong maramdaman.

"Totoo naman hindi ba? Ikaw, kayong dalawa ni Rima ang sumira non dahil kung hindi, dapat matagal ka nang lumantad. Akala mo hindi ko alam lahat nang nangyari noon. Akala n'yo lang. I have my own source" tiningnan n'ya ako pero hindi ako nasindak doon. Katulad ng ng sinabi ko, wala akong pakiramdam para sa kanya.

"Ano bang alam mo?" nagkibit balikat lang ako bago nakangiting sagutin s'ya "Madami, at kahit mga bagay na hindi mo alam, alam ko. Ang galing ko 'no?" nakita kong unti-unting nagugusot ang dyaryong hawak n'ya.

Huminga s'ya nang malalim bago ako tingnan ng diretso "Ano bang ibig mong sabihin? Diretsohin mo nga ako Calvin." Kapag nagagalit s'ya mas lalo akong natutuwa. Ang sama ko bang anak? Okay lang, masama rin naman s'yang ama.

"Kamusta ang kapatid ko?" nagulat s'ya sa sinabi ko, meron bang dapat ikagulat. Hindi ba't dapat lang naman na malaman ko talaga na may kapatid ako.

"Paano mo—"

"Hindi mo ineexpect? Ako rin eh, hindi ko ineexpect na makikilala ko agad s'ya" nanlaki ang mata n'ya sa narinig niya. "Ang galing ko 'no, nahanap ko s'ya nang walang kahirap hirap"

"Ang anak mo kay Rima Mitsui, si Renji Mistui na adopted son ni Mr. Lu Han ay s'yang kapatid ko sa ama hindi ba? Hindi ba't anak mo s'ya kay Rima? S'ya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay at ang pamilya nila Mr. Lu Han, dahil sa kasalanan mo at ng babae mo?" nginitian ko s'ya bago tumayo.

"Dapat ata akong bigyan ng award dahil nahanap ko ang half brother ko. Diba, dinaig ko pa ang mga detectives na pinapasweldo mo. Tch, mga wala naman silang kwenta" tinalikuran ko s'ya at pumunta na sa kwarto ko.

Oo, kaya si Renji ang target ko dahil s'ya ang pinakamamahal kong kapatid. Ang isang rason kung bakit nasira ang pamilya ko, isa sa mga dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang Mama ko.

Si Renji ay ang tumatayong King sa nilalaro kong chess. Kapag nakapaghiganti na ako, game over na. Makukuntento na ako.

Alam ko rin ang buong pangyayari, noong panahon na inakala ni Mr. Lu Han na may nangyari sa kanila ni Rima, wala talaga dahil napigilan 'yon ni Papa, ang kaso silang dalawa naman ang gumawa ng milagro.

Sabihin n'yo mang masama akong tao hindi na para itanggi ko pa, dahil ang totoo n'yan patikim palang 'to ng kasamaan ng ugali ko.

Author's Note:

Magkapatid sila~ Magkapatid sila~ Haha ang hilig ko talaga sa mga ganitong pakulo. Sinong nagulat? Boom! Haha. Salamat sa lahat ng nagbabasa. :*

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon