Escape [14]: And Then..

3.5K 118 10
                                    

RENJI

Naandito ako ngayon sa office. Sabado ngayon at alam kong may pasok dapat kami pero wala eh, may meeting daw ngayon.

Wala naman akong masyadong ginagawa dahil natapos ko na yung ibang dapat kong gawin. Bakit ba nakakatamad? Simula nang magkatampuhan kami ni Harumi noong dumating s'ya dito hindi pa ulit kami nakakapag usap at nagkikita. Busy naman s'ya eh, busy sa business n'ya.

Napatigil ako sa pag iisip ko nang kung ano ano nang tumunog ang phone ko "Hello? Sino 'to?"

[Renji-kun, simula nang magkatampuhan tayo sa hindi ko alam na dahilan hindi mo na ako kinausap ulit. Ano ba kasing nagawa ko? Tell me] Hindi pa man s'ya nagpapakilala sakin, alam ko na kung sino agad s'ya.

"Harumi.." hindi ko naman kasi alam kung ano bang dapat kong sabihin eh.

[Ganito nalang, I'll make it up to you.  Magdate nalang tayo mamaya.]

"Sigurado ka?"

[Oo, saan tayo magkikita? Wala pa kasi akong masyadong alam a lugar dito eh]

"Sa The Fort nalang tayo magkita"

[Okay. 1pm promise!]

*End Call*

"May date kayo mamaya?" agad akong napatingin sa kanya at doon ko nakita si Daddy. "Ah, opo" naglakad s'ya papalapit sakin at umupo sa bangkuang malapit sa desk ko.

"Dad, kayo muna bahala dito ha?" tumango tango s'ya. "Iniisip n'yo pa rin ba yung sinabi sa inyo noong lalaki?" napapikit si Daddy bago tumango "Ewan ko pero gusto kong maniwala sa sinasabi n'ya." Sabi ni Daddy.

"Pupuntahan n'yo po ba si Miss Faye ngayong alam n'yo na kung nasan s'ya?" dahan dahan s'yang tumango. "Oo, siguro ito na yung oras para magkita ulit kaming dalawa at para malaman ko kung may anak nga kaming dalawa"ngumiti ako sa kanya. Masaya ako para kay Daddy dahil pagkatapos nang walong taon na paghahanap may balita na rin kay Miss Faye.

"Si Kaci nga pala kamusta na? Ilang araw na rin s'yang hindi nagpapakita ah?" napabuntong hininga ako sa sinabi ni Daddy. Oo ilang araw na ngang hindi s'ya pumupunta sa bahay, ilang araw n'ya na rin akong iniiwasan.

"Okay lang naman, sadyang may problema lang siguro s'ya ngayon" tumango tango si Daddy.Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko. "Una na ako Dad, may date pa ako ngayon eh" tumawa si Daddy dahil sa sinabi ko at nagthumbs up.

-

Naandito ako ngayon sa isang coffee shop sa The Fort at hinihintay si Harumi. 1 o'clock pa ang usapan namin pero ayokong malate. Isa pa, minsan lang s'yang magyaya kasi laging ako, dahil kaylangan akma sa schedule n'ya. See, business talaga ang kalaban ko sa oras n'ya.

Napapatingin ako sa labas ng coffee shop, ang daming couples ang nagkalat at mukhang nagda-date. Siguro kasi, walang pasok ang karamihan ngayon.

Tumingin ako sa orasan ko. 1:20pm na pala. 20 minutes na s'yang late. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan s'ya nang s'ya na mismo ang tuawag sakin "Hello? Nasan ka na? Naandito ako sa—"

[Sorry Renji-kun, may meeting akong kaylangang puntahan ngayon. Sorry talaga. Babawi ako next ti—]

Hindi ko na s'ya pinatapos at pinatayan nalang ng telepono. Lagi nalang ganito, lagi nalang s'yang hindi nasipot kapag may usapan kami. Pakiramdam ko paulit ulit n'ya akong nire-reject.

Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko at napabuntong hininga. Nagbill out na ako at papalabas na sana ng coffee shop na iyon nang may mahagip ang mga mata kong isang pamilyar na babae.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon