Escape [2]

4.5K 135 18
                                    

KACI

“O-Okay ka lang?” bumalik ang katinuan ko nang magtanong s’ya. Teka, para kasing pamilyar sakin yung pangalang Lu Han eh. Saan ko nga ba ‘yon narinig? “Sa susunod mag iingat ha? Teka bakit nga ba ganyan ang itsura mo? Puro pintura ka” napaiwas ako nang tingin dahil sa tanong n’ya. Ayoko namang sabihing nakipag away ako.

“Project po, natapunan ako” tumango tango s’ya. Ngayon ko lang s’ya nagawang pagmasdan. Siguro kasing idaran ni Mama ang lalaking ‘to, o baka mas matanda pa ng isang taon sa kanya pero kahit ganon, ang gwapo at matipuno pa rin it—Pero, parang pamilyar talaga s’ya sakin eh. Saan ko nga ba s’ya nakita at narinig ang pangalan n’ya?

“Mr. Lu—Omygosh! What happened to you?” napaiwas ako nang tingin. Ito yung masungit na secretary ni Dean. “Ikaw!” napatingin ako nang wala sa oras sa kanya “Ako po?” painosente kong tanong.

“Ikaw siguro ang may kagagawan nito ‘no? Hindi mo ba alam na s’ya ang may ari ng school?!” nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Patay tayo d’yan.

Tumingin ako doon sa lalaki “S-Sorry po! Hindi ko po sinasadya, aksidente po ang lahat. Wag n’yo po akong paaalisin sa Sky High. Dugo’t pawis po ang ibinigay ko para makapasok dito” umarte pa akong umiiyak. OA na kung OA, ganito rin kayo kapag nabangga n’yo ang may-ari ng school.

“Okay lang ‘yon, Miss?” tinatanong n’ya ba ang pangalan ko? “Kaci po, Kaci Fernandez” ngumiti s’ya pero para bang may iniisip s’ya pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko.

“Fernandez?” tumango ako nang itanong n’ya ‘yon. Bakit, kilala n’ya kaya ako? “Nevermind” ang weird naman ni Sir. “By the way, I’m Lu Han, the new owner of this school and also the owner of Lu Enterprises if ever you know it.” iniabot n’ya sakin ang kamay n’ya para siguro makipagkamay.

“Ah wag na po, madudumihan ko lang po yung kamay n’yo” ngumiti ulit s’ya sakin “Such a lovely young lady. You remind me of someone” napatungo ako sa sinabi n’ya, sino naman kaya ‘yon?

“Sige po una na po ako. Sorry po ulit” aalis na sana ako nang tawagin n’ya ako “Kaci?” Bakit ganon? Kapag tinatawag ako ni Sir Lu Han sa pangalan ko, kinakabahan ako.

“P-po?” nilingon ko s’ya at nakita ko na naman ang mga ngiting ‘yon. “Here” may iniabot s’ya saking card “Here’s my calling card. If you need anything, just call me.” Hindi ko alam pero kinuha ko yung calling card n’ya at nagpasalamat bago umalis.

Oo nga, baka pwede n’yang tulungan ang Mama kong magkaroon ng trabaho. At least hindi na kaylangang magtrabaho ni Mama sa coffee shop tuwing gabi.

Sa ngayon, hindi nalang muna ako papasok at pupunta nalang kay Ninong Kai, kapag kasi hindi ako pumapasok ng school s’ya lagi ang tinatakbuhan ko lalo na kapag may nambubully sakin. Hindi n’ya kasi ako sinusumbong kay Mama.

LU HAN

“Sir, sigurado po ba kayo sa ginawa n’yo? Hindi po s’ya katulad ng ibang estudyante dito. Alam ko mahirap la—“

“Hindi ko alam, pero ang gaan ng loob ko sa batang ‘yon” napangiti ako habang pinagmamasdan si Kaci na umaalis “She really reminds me of someone” Faye. Nasan na kaya s’ya ngayon? Okay lang kaya s’ya?

“Sir?” bumalik ako sa katinuan ko nang tawagin n’ya ko “Ah, yes let’s g—“

“Dad!” napatigil ako sa paglalakad at nilingon s’ya “Renji” ngumiti ako, buti naman nakahabol s’ya “Am I late?” halata mong hingal na hingal s’ya dahil sa pagtakbo n’ya “No, you’re just on time. Let’s go” tumango s’ya at sumunod samin.

“Dad, kanina may nakita akong babae. Punong puno ng pintura yung damit n’ya. She’s creepy” siguro si Kaci ang tinutukoy n’ya. “She’s not creepy at all” nagkibit balikat si Renji sa sinabi ko.

“By the way Renji, I want you to study here, para malaman mo kung paano patakbuhin ang school na ‘to lalo na’t ikaw ang taga pagmana ng lahat ng ito” napatigil si Renji sa paglalakad at gulat na gulat na tumingin sakin “Pero Dad, hindi ba’t parang sobra sobra na ‘to lalo na’t hindi n’yo naman talaga ako—“ pinatigil ko s’ya sa gusto n’yang sabihin.

“Stop, napag usapan na natin ang tungkol d’yan hindi ba?” tumango s’ya at dahan dahang ngumiti “Para mas masaya, walang dapat makakaalam na ikaw ang taga pagmana ng school na ‘to. Mag aaral ka dito bilang isang ordinaryong estudyante, tutal naman hindi pa alam ng publiko kung sino nga ba si Renji Nathaniel. Wag mambababae ha? May girlfriend ka” tumawa s’ya sa sinabi ko.

“Pero wala naman si Harumi dito eh, hindi n’ya malalaman” tumawa rin ako sa sinabi n’ya “Anak nga kita. Haha”

-

Matapos ang meeting sa SHA, nagpaalam ako kay Renji na mauna na muna sa office dahil may gusto muna akong puntahan. “Mr. Lu this way” sinundan ko ang secretary n’ya hanggang sa makapasok ako sa office n’ya.

“Sir, may gusto pong kumausap sa inyo” sabi ng secretary n’ya “Sino da—“ hindi na n’ya nagawang ituloy ang sasabihin n’ya nang makita n’ya ako “Lu Han?!” nagbow ang secretary n’ya at umalis.

“Long time no see, Kai” tumayo s’ya at lumapit sakin. Inobserbahan n’ya akong mabuti, hindi ba talaga s’ya makapaniwala na ako nga ‘to?

“Ikaw ba talaga ‘yan?” kunot noong tanong n’ya sakin. Hindi pa rin talaga s’ya nagbabago “The one and only” ngumiti ako nang sabihin ko iyon sa kanya.

“Grabe, pagkatapos ng labing walong taon kang nawala, bakit ka bumalik?” kumunot ang noo ko sa sinabi n’ya at napailing “Work.” Naglakad ako papunta sa couch sa loob ng opisina n’ya bago ipagpatuloy ang sasabihin ko “At para hanapin si Faye” nang tingnan ko si Jong In para s’yang biglang nawala sa sarili n’ya.

Nang matauhan s’ya, agad s’yang lumapit sakin at upo sa tapat ko “Seryoso ka ba d’yan? Pagkatapos mong iwan si Faye gusto mong balikan? Aba ayos ka rin talaga ‘no?” sumeryoso ang istura ko.

“Baka nakakalimutan mo, kasal pa rin kami ni Faye” Totoo naman eh, walang nangyari pagpapawalang bisa ng kasal namin. Sa mata ng batas kasal pa rin kami ni Faye. Asawa ko pa rin s’ya.

“Gusto ko sanang itanong sayo kung alam mo kung nasan si Faye” agad s’yang napatingin sakin. Bakit ganito itsura nito? Para s’yang nakakita ng multo.

“Itatanong mo sakin kung nasan si Faye? Pasensya na Lu Han pero wala na kaming alam tunglol kay Faye. Simula nang ilabas s’ya sa ospital noon bigla nalang s’yang nawala na parang bula” nakatingin lang ako kay Kai. Totoo ba ang sinasabi n’ya?

“Bakit hindi n’yo pinahanap?” nagkibit balikat si Kai bago magsalita “Ginawa naman namin eh, ang problema ayaw n’ya talagang magpahanap. Siguro sobrang nasaktan si Faye sa ginawa mong pang iiwan sa kanya kaya kahit samin ayaw n’yang magpakita” bumuntong hininga si Kai bago tumingin sakin. “Wala na kaming balita kay Faye”

Nanlambot ako sa narinig ko. Wala na ba talagang pag-asang makita ko si Faye? Ilang taon ko na rin s’yang hinhanap pero lagi nalang ganito.“Hindi naman namin maitanong kay Errol o kay Dana dahil wala yung dalawa dito sa bansa at hindi rin namin alam kung nasan sila” Dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi ni Kai? Baka naman naandyan lang si Faye at pinagtataguan sila.

“Kakausapin ko lang si Ni—“ napatingin kami sa may pintuan nang magbukas ito. “Kaci!” napatingin ako kay Kai na halata mong gulat na gulat.

Napatayo rin ako at tumingin doon sa babae, nagulat s’ya nang makita ako “Mr. Lu Han” napangiti ako nang makilala ko kung sino s’ya “We see each other again, Kaci” nakangiti s’ya sakin kaya nginitian ko rin naman s’ya.

“M-Magkakilala kayo?” gulat na gulat na tanong ni Kai samin.

Author's Note:

Eyy, ang gwapo ni Renji. Sya nga pala guys, asawa ko yung nasa multimedia. Haha hindi ko sasabihin kung sino s'ya dahil selfish ako. Joke. Haha

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon