Escape [43]: Sufferings

1.6K 47 6
                                    


KACI

Bumalik na si Renji. Sino kaya iyong nakausap niya? Para kasing nag iba ang mood niya. Parang ang init ng ulo niya o baka naman sadyang may problema lang siya? Tanungin ko kaya?

"Tol, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang sinukluban ng langit at lupa." tatawa pa sana si Spencer nang mapansin niya talagang wala sa mood si Renji.

Natahimik kami, hindi rin naman kasi nagsasalita si Renji eh. Halatang may problema talaga.

"Renji—" Tatanungin ko sana siya kung anong problema niya nang biglang sumulpot si Harumi. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong hindi siya naka-school uniform. Speaking of Harumi, ngayon ko nalang ulit siya nakita.

"Hi, Renji." napatingin sa kanya si Harumi. Nakangiti lang naman si Harumi sa kanya.

"Harumi.." sabi ni Renji. Hindi na siguro ako dapat magselos hindi ba? Wala namang dapat ikaselos.

Nanatili akong nakatayo at nakatingin kay Harumi at Renji na nag uusap lang doon. Ngumingiti ngiti si Renji.

"By the way, kaya rin ako naandito ay dahil inayos ko na yung pagda-drop ko." nagulat ako sa narinig ko. Ayoko sanang makinig sa pinag uusapan nila kaya lang, hindi ko mapigilan.

"Drop? Bakit?" tanong sa kanya ni Renji.

"Aalis na kasi ako. Napagisip isip kong bumalik nalang ng Japan. Para na rin makamove on, sayo." tumawa si Harumi ng mahina pero bakas sa mukha niya na totoong ang sinasabi niya.

"Harumi naman eh." siguro napansin rin ni Renji ang kalungkutan sa mga ngiti nito kaya sinabi niya iyon.

"Sabi kasi ni Mommy, may mas magaganda daw na opportunities sakin kung babalik kami sa Japan kaya pumayag na rin ako. Kaya lang naman ako sumama kay Daddy dito ay para rin makasama kita and since may iba ng babaeng naandyan para sayo at minamahal mo pwede na ulit akong umalis." mapait na ngumiti si Harumi.

Actually, Harumi is a nice girl. Magugustuhan siya ng kahit sino dahil mabilis naman siyang matutunang mahalin. Halata naman eh.

Napatingin sakin si Harumi bago ngumiti. May sinabi siya kay Renji kaya lang hindi ko na narinig dahil mahina ito. Napatingin sakin si Renji kaya napaiwas ako ng tingin. Natawa si Harumi bago lumapit sakin.

"Hi." nginitian niya ako.

"Hello." bati ko sa kanya. Hindi ko magawang ngumiti. Agh!

"Pwede ba kitang makausap sa labas?" nagulat ako sa sinabi niya. Nagdadalawang isip rin kung papayag ako pero mukhang wala naman siyang gagawing masama. Mukha namang harmless si Harumi.

Tumango ako sa kanya at muli na naman siyang ngumiti bago kami lumabas at doon nag usap.

"Bakit?" Ayon agad ang sinabi ko sa kanya. Ngumiti si Harumi sakin.

"Alagaan mo si Renji." natahimik ako sa sinabi niya. Anong sinasabi niya?

"Maagang nawalan si Renji ng mother kaya hindi niya masyadong naramdaman ang pagmamahal nito. Kahit naandyan si Uncle Lu Han, alam ko iba pa rin kasi ang pagmamahal ng isang ina at alam ko rin na hinahanap niya ang pagmamahal na iyon. Kaci, alam ko naman na maibibigay mo iyon sa kanya. Mahal ka niya at mahal mo siya. Please lang, wag mo gagawin ang mga pagkakamaling ginawa ko noon." hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Hindi sa kinukwestiyon ko ang pagmamahal mo kay Renji pero ako na ang nagmamakaawa sayo. Wag mo siyang iwan, wag mo siyang saktan. Masyado na siyang nasaktan nang mawala ang nanay niya. Kaci, alam kong mahal mo rin si Renji pero mas mahal ka niya higit pa sa inaakala niya. Handa niya ngang ipawalang bisa ang adoption paper niya para lang pwede na kayong dalawa kaya lang tinanggihan na ng korte ang kaso niya." nagulat ako sa huling sinabi niya.

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon