FAYE
"Tanggap ba n'ya? I mean ni Kaci ang nalaman n'ya tungkol sa tatay n'ya?" tanong ni Dana. Napatungo ako bago umling. "Ayan na nga ang sinasabi ko sayo Faye eh, mas nasaktan pa s'ya dahil sa pagtatago mo sa kanya. Kung sinabi mo nang maaga edi sana mas matagal ang panahon para magawa n'yang mapatawad si Lu Han" hindi ko nagawang makapagsalita.
"Faye, kahit kaylan hindi mo maitatago na si Kaci ay anak ni Lu Han, anak n'yo ni Lu Han. Anong sabi ni Kaci?" napakagat ako sa ilalim bahagi ng labi ko "Galit s'ya kay Lu Han." Nakita kong napapikit nang mariin si Kuya bago huminga nang malalim.
"Syempre marunong nang mag isip si Kaci kaya what do you expect magtatanim na 'yan nang galit lalo na't kung matagal na pala n'yang alam dahil sa mga naririnig n'ya" Natahimik ang buong paligid.
"Alam n'yo dapat sigurong—"
"Mother~!" napatigil kami sa pag uusap nang biglang sumulpot si si Daine. "Ano 'yon?" tumabi si Daine kay Dana, bago tumingin sakin at ngumiti "Ah, magpapaalam lang po sana kami na doon muna matutulog si Ate Kaci satin?" nakangiting sabi ni Daine samin.
"Okay lang naman 'yon pero paano si Tita Faye mo? Maiiwan s'ya dito." Tumingin si Daine sakin "Oo nga 'no." napaisip naman bigla si Daine.
"Okay lang, naandito naman si Yaya Pia eh" napatingin sakin si Kuya at Dana. "Hindi pwede. Ano kaya Faye kung sa bahay nalang kayong tatlo tumira kasama si Yaya Pia?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya.
"Huh? Bakit mo naman biglaang naisip 'yan?" nagkibit balikat lang s'ya "Oo nga, mas maganda 'yon. Marami pa namang vacant rooms sa bahay eh. Medyo malungkot din kasi iilan kaming nakatira roon." Pagsang ayon ni Dana sa naisip na ideya ni Kuya.
"Oo nga Tita, para mas masaya!" masiglang sabi naman ni Daine sakin. Napakamot ako sa noo ko, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. "Pero kasi ano eh—"
"Wag mo nang pag isipang tumanggi, masyadong masikip ang bahay na 'to para sa inyo. Isa pa paano nalang kung may masamang tao ang biglang pumasok dito? At least sa bahay safe kayo. Atsaka ipinangako ko kay Mama at Papa na ako ang mag aalaga sayo. Para saan pa't naging magkapatid tayo" natahimik na naman ako sa sinabi ni Kuya. Nahihiya ako.
"For the mean time Faye, lunukin mo muna yang pride mo." Sabi ni Dana.
"Anong meron?" biglang nagsalita si Kaci na mukhang kakagaling lang sa kwarto n'ya "Inaaya kasi namin na sa bahay nalang kayo tumira for life!" masigla ulit na sabi ni Daine. Umupo si Kaci sa bakanteng sofa malapit sa pwesto ko.
"Good, masaya 'yon" kahit na ganon ang sinabi n'ya hindi s'ya mukhang masaya at hindi rin s'ya nakangiti. "Tingnan mo na Faye, si Kaci pumayag na" gusto ko pa ring tumanggi. Ayokong tumira sa bahay na iyon nang libre.
"Papayag ako pero kaylangan kong magtrabaho para kahit papaano makatulong sa gastusi—"
"Hindi na Faye, maganda naman ang takbo ng negosyo ng Kuya mo eh, wag ka nang mag abala pa. Ang kaylangan mo lang gawin ay magpahinga" sabi ni Dana habang nakangiti sakin.
"Pero—"
"Isa pa Ma, hindi mo naman talaga kaylangang magtrabaho eh. In the first place mayaman ka naman. Diba mayaman si Papa?" napatingin ako kay Kaci, nakatingin s'ya sakin habang nakangisi.
Natahimik kami dahil sa sinabi n'ya "Oh, bakit ganyan kayo? May mali ba sa sinabi ko? Totoo naman 'yon diba?" ang sarkastikong magsalita ngayon ni Kaci, ibang iba s'ya sa anak ko na pinalaki ko.
"Ma, minsan naman hayaan n'yong gumaan ang buhay n'yo hindi yung lagi tayong ganito dahil tayo ang nagbabayad at dapat maghirap sa ginawa ng tatay ko satin." Nararamdaman ko ngayon kung gaano kagalit si Kaci sa tatay n'ya.
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...