KACI
"Kaci, gising na!" dahan dahan kong iminulat ang mata ko ang sakit ng ulo ko. Paalala n'yo nga sakin kung bakit ako nagpuyat kagabi-Ah, oo nga pala tinapos ko yung project ko.
"Mama, Sabado ngayon, mamaya pang 10 ang pasok ko" hindi na ako sinagot ni Mama kaya naman wala na akong nagawa kundi bumangon sa pagkakahiga ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko kung anong oras palang. "Agh! Ma, 7 palang ng umaga." Wala pa rin akong narinig na sagot mula sa kanya kaya naman nag alala na ako.
Mahina na rin kasi angg katawan ni Mama dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya noon. Hindi ko naman alam kung anong nangyari dahil nasa sinapupunan palang ako.
Agad akong lumabas ng kwarto ko, hinanap ko si Mama dahil nag aalala ako sa kanya, baka kung ano nang nangyari sa kanya.
"Ma? Mama nasan ka n-" agad akong naistatwa nang buksan ko ang pintuan palabas ng bahay nakita ko sila.
"Happy Birthday Kaci!" kumunot ang noo ko, anong meron? "Mama, a-ano 'to?" ngumiti sakin si Mama at lumapit bago ako yakapin "18th birthday mo. Hindi mo alam?" natawa si Mama sa sinabi n'ya. Birthday ko ngayon? Seryoso?
"Birthday ko talaga?" narinig kong tumawa si Ninong Chen bago lumapit sakin "Alam mo Kaci ako nakakahalata na sayo ha. May amnesia ka ba at hindi mo maalala?" napanguso ako sa sinabi n'ya.
Oo na birthday ko na, alam ko naman talaga "Alam ko, niloloko ko lang kayo. Diba ang sabi ko ayoko nang party?" Ayoko talagang magpaparty dahil unang una wala naman akong iimbitahan dahil wala naman akong kaibigan.
"Kaya nga, hindi naman party eh, kakain lang tayo" sabi ni Ninong Xiumin sakin. Ngumiti ako, kahit may mga asawa na sila at may kanya kanyang mga buhay naandito pa rin sila at hindi ako kinakalimutan.
"Kaci!" napalingon ako kay Ninong Baekhyun. Sa lahat ng Ninong ko sa kanya ako pinakaclose. Bukod kasi sa ang bait bait n'ya samin, s'ya na rin ang kinikilala kong tatay ko dahil hanggang ngayon wala pa rin s'yang asawa.
"Bakit po Ninong?" lumapit ako sa kanya at laking gulat ko nang may ibigay s'ya sakin. Binuksan ko ito at laking gulat ko sa nakita ko "Waah! Ninong thank you!" hindi ko alam kung dapat ba akong magwala pero "Ninong, thank you dito!" gusto kong magwala.
Album lang naman ang ibinigay sakin ni Ninong. Waah! The Cab "Open it, I mean the album itself" nagtaka ako sa sinabi ni Ninong pero ginawa ko nalang "Omy! May message?!" ngumiti si Ninong Baek sakin bago tumango "Galing mismo sa kanila 'yan" niyakap ko si Ninong bago paulanan ng salitang thank you.
May ibinigay din ang iba ko pang Ninong sakin at nagthank you na rin ako "Baka naman ma-spoiled n'yo na n'yan si Kaci" narinig kong sabi ni Mama. Tumawa nalang kami dahil doon "Ano ka ba Faye, wala 'yon 'no. I mean, anak na rin kasi ang turing namin kay Kaci"
Unti-unting nawala ang ngiti ko, may naalala ako bigla.
"Buhay na buhay s'ya at hinahanap ka n'ya! Hindi pwedeng habang buhay kayong tumatakbo at nagtatago sa kanya!"
"Kaylangang malaman ni Kaci ang katotohanan"
Agad ako napailing sa naiisip ko, 11 years old palang ako nang marinig ko si Tito at si Mama na nagtatalo kaya medyo malabo na kung ano man ang pinag uusapan nila. Isa lang ang malinaw sakin, galit ako sa tunay kong ama dahil sa pang iiwan na ginawa n'ya saming mag ina.
"Faye, kami din may regalo sayo" napalingon ako roon at tiningnan kung anong regalo nila Ninong kay Mama. "S'ya si Yaya Pia, matagal na rin s'yang nagtatrabaho samin ibibigay ko nalang sa inyo para naman may makatulong kayo dito sa bahay" agad akong lumapit doon para sana makipagkilala kay Yaya Pia.
BINABASA MO ANG
Escaping The Game
أدب نسائيNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...
