Escape [5]

3.7K 134 19
                                    

KACI

Nang marinig ko iyon, ilang minuto akong tulala at wala sa sarili "Kaci, o-okay ka lang?" nang kuhitin ako ni Rina agad bumalik ang katinuan ko "S-Sorry guys pero kaylangan ko nang umalis. Emergency" hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na pumunta sa sinabing ospital ni Yaya Pia kanina.

Nang makarating ako sa ospital, pumunta agad ako sa front nurse ng ospital at tinanong kung saang kwarto naandon ang Mama ko.

"Mama?!" agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto at doon nakita ko agad sila Ninong "Kaci.." lumapit ako kay Mama, wala s'yang malay. "Buti nalang talaga at pinagtrabaho ko si Yaya Pia sa inyo" parang wala akong naririnig sa paligid ko, kay Mama lang nakatuon ang atensyon ko.

"Doc.." napatingin ako sa doktor na pumasok sa kwarto ni Mama "Okay na ang pasyente. Medyo bumaba lang ang lebel ng dugo n'ya bunga na rin siguro ng aksidenteng sinabi n'yo na nangyari sa kanya noon. Kaylangan n'yang magpahinga ng ilang buwan at bawal s'yang mapagod dahil baka lumala pa ang kondisyon n'ya. Sa ngayon, pinatulog muna namin s'ya" ngumiti ang doktor samin bago umalis.

Naupo ako sa bangkuan na nasa likuran ko kanina, hindi ko binibitawan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Mama. "Kami na muna ang bahala sa lahat ng gastusin. Kami na rin ang bahalang magbigay ng pera sa inyo para sa pang araw-araw n'yong panganga—" pinatigil ko si Ninong sa gusto n'yang sabihin.

Dahan dahan akong ngumiti sa kanya bago magsalita "Ninong, masyado na po kayong maraming naitulong samin. Siguro mas maganda kung ako naman ang kikilos para sa mga gagastusin dito at para tulungan si Mama" nakita kong kumunot ang noo nila sa pagtataka pero nnatili akong nakangiti sa kanila kahit gusto ko nang umiyak.

Tumingin ako kay Mama at pinagmasdan s'ya habang tulog "Magta-trabaho ako" alam ko na gulat na gulat sila sa narinig nila mula sakin pero ito nalang ang alam kong dapat na gawin ko "Kaci, ano—"

"Ninong, tama po si Mama. Hindi pang habang buhay dapat kaming umasa sa inyo. May pamilya kayo na dapat n'yo ring pagtuunan ng pansin. Magiging okay lang ako, dito man lang pagkatiwalaan n'yo ko" natahimik ang buong paligid ng ilang minuto bago ko makitang ngumiti si Ninong Baekhyun.

"Para ka talagang Mama mo. Sige, papayagan kita pero kung sakaling mahirapan ka wag kang mahihiyang lumapit samin okay?" ngumiti ako at tumango sa kanila. Unti-unti, nakita kong ngumiti rin ang iba kong Ninong.

"Saan ka magta-trabaho?" nagkibit balikat ako sa tanong ni Ninong Lay "Ewan ko pa, basta hindi sa may koneksyon kayo. Haha" napailing sila pero hindi nila mapigilang hindi tumawa.

Tiningnan ko ulit si Mama "Ako naman ang kikilos at mag aalaga sa inyo. Papatunayan ko sa kanila na hindi ko kaylangan ng ama para mabuhay. Ikaw at ako lang masaya na ako, isama narin natin sila Tito, Tita, Lolo at Lolo, sila Ninong at ang pinsan ko at mga bagong kaibigan. Hindi ko kaylangang habulin ang taong tinalikuran at iniwan tayo"

-

Lumabas muna ako ng kwarto ni Mama, sabi ko kay Yaya may pupuntahan muna ako. "Kaci, kahit anong mangyari, wag na wag kang makikipag usap sa kanya. Diba sabi ko sayo wag kang makikpag usap sa taong hindi mo naman kakilala? Baka kung ano pang mangyari sayo. Wag mong hayaang mag alala ako ha? Layuan mo s'ya"

Alam kong binalaan na ako ni Mama na layuan si Mr. Lu Han dahil hindi ko s'ya ganoong kakilala pero sa mga oras na ito, si Mr. Lu Han lang ang makakatulong sakin.

Kinuha ko ang cellphone ko at ang calling card na ibinigay sakin ni Mr. Lu. Sinubukan kong tawagin s'ya nagbabaka sakaling sana'y sagutin n'ya. Sana saguti—

[Hello?]

"Ah, Mr. Lu? Si Kaci po ito"

[Ah, sorry this is his secretary. How may I help you?]

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon