Escape [6]

3.7K 127 7
                                    

KACI

Ang tanga tanga mo Kaci, yung bag mo naiwan mo pa sa school. Paano nalang kung itapon 'yon ng mga kaklase mo? Hindi ka nag iisp.

Pinakalma ko muna ang sarili ko, okay lang siguro tutal halos lahat ng gamit ko nasa locker. "Mama, aalis na po ako." Pagpapaalam ko kay Mama, hanggang ngayon wala pa rin s'yang malay pero sabi ng doktor okay lang daw 'yon "Yaya Pia, kayo nalang rin po muna ang bahala kay Mama" tumango ito kaya nagpaalam na ako at umalis.

Dahil 9 pa naman ang oras ng klase ko napag isip isip kong pumunta muna sa cafeteria para kumain. "Kaci?" napatigil ako sa paglalakad at doon ko nakita si Rina at Renji. "Saan ka papunta? Teka saan ka nagpunta kahapon? Bigla ka nalang umalis, nag alala tuloy kami sayo" napatingin ako saglit kay Renji na tahimik lang sa isang tabi. "Nagka-emergency eh" sabi ko sa kanila.

"Oo nga, mukhang emergency, pati bag mo iniwan mo" napatingin ako kay Renji at nakita kong dala dala n'ya yung bag ko "Iniuwi ko muna baka kasi paghinayaan ko pagtripan ng mga kaklase natin" napangiti ako dahil sa ginawa ni Renji. "Thank you" tumango lang s'ya at ibinigay sakin yung bag ko.

"So, saan ka nga pupunta?" tinuro ko yung cafeteria "Doon, 9 pa naman ang klase ko eh" tumango sila at ngumiti "Sama kami" masiglang sabi ni Rina. Ngumiti nalang ako at dumiretso na kaming tatlo sa cafeteria.

Nang makabili kami nang pagkaing gusto namin nagsama sama kami sa iisang table. "Alam mo Ka—"

"Hi, Renji" napatingin kami sa dalawang babaeng bumati kay Renji. "Ang lalandi! Hoy Renji wag kang papatol d'yan. May Harumi ka na. Wag mong ipagpalit si Haru d'yan" napangiti nalang si Renji sa sinabi ni Rina "May girlfriend na si Renji?" parang wala akong alam tungkol doon ah.

"Oo, actually malapit na nga dapat silang i-engage eh kaya lang bigla ngang nabalita na naandito si Renji sa Pilipinas" sabi ni Rina habang kumakain nang binili n'ya "Parang ang bata mo naman para ma-engage agad" ininom ko yung milktea na binili ko dito sa caf. Wag nga kayo, hindi naman lahat ng milktea nakakamatay.

"Haha, eto bata pa? Nako, hindi na rin 20 years old na 'yan" natatawang sabi ni Rina. Nagulat ako, seryoso 20 years old na si Renji? "Hindi ka makapaniwala 'no? Haha, mukhang baby lang 'yan pero matanda na s'ya" napangiti nalang ako dahil sa pagtatalo nilang dalawa.

"20 years old ka na pero 1st year college ka palang?" nakakapagtaka naman kasi diba? Ako kasi nag-stop kaya ngayon palang ako nakapagcollege.

"Actually nag-stop ako kaya medyo nalate ako sa pagpasok. Isa pa iba rin kasi sa Japan eh" magkatulad pala kami, nagstop din kasi ako "Bakit ka nag-stop?" nagkibit balikat si Renji "May mga ilang bagay akong inasikaso eh" tumango nalang ako.

-

Matapos ang isang buong araw makakau—Nakalimutan ko kaylangan ko nga palang pumunta sa bahay nila Mr. Lu. Teka nga, saang lupalop ko naman 'yon makikita? Ash, Kaci hindi ka nag iisip dapat tinanong mo kahapon.

"Paano na ako pupunta doon nga—"

"Miss Kaci Fernandez?" napatingin ako sa isang matangkad na lalaki na naka-suit "Y-Yes?" nagbow s'ya sakin na s'ya namang kinagulat ko. Naglakad s'ya sa isang magarang sasakyan at binuksan ang pintuan ng backseat. "Mr. Lu is waiting for you" nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Ibig sabihin pinasundo pa talaga ako ni Mr. Lu?

Dahan dahan akong sumakay doon at dinala naman ako nito sa isang malaking bahay. Binuksan noong lalaki ang pintuan para makalabas ako. Inescort n'ya ako hanggang pintuan ng bahay at pagkabukas nito maraming tauhan ng bahay ang sumalubong sakin. P-Pakiramdam ko isa akong nawawalang Prinsesa sa isang Korean drama.

Inalalayan ako ng isa sa kanila "Young lady dito po tayo" dahan dahan akong tumango at sumunod sa kanya. Hindi ko mapigilang suriin ang bahay. Sobrang laki.

Tumigil kami sa isang pintuan. Binuksan n'ya ito bago magbow at umalis. Dahan dahan naman akong pumasok dito at hinanap ng mga mata ko si Mr. L—

"Kaci, buti naman naandito ka na" napalingon ako sa likuran ko at doon ko nakita si Mr. Lu. Bakit ganon, kahit talaga sabihin natin na ang laki ng agwat ng age namin masasabi mong nakakaattract pa rin s'ya pero wag kayo, hindi ako napatol kapag kasing idaran na nai Mama 'no, para ka na s'yang ta—Wag nalang sigurong ituloy, masisira lang ang araw ko.

"Opo" ngumiti ako sa kanya. Nasan na kaya ang anak n'ya? Siguro, katulad n'ya gwapo rin 'yon. "We will just wait for my son to come home for now take a si—"

"Dad.." hindi ko na naituloy ang pag upo ko dahil pakiramdam ko naandyan na yung anak ni Mr. Lu Ha—

"Renji?!" tumingin s'ya sakin at katulad ko gulat na gulat n'ya ring binanggit ang pangalan ko "Kaci?! Bakit ka naandito? Wag mong sabihing ikaw ang magiging personal secretary ko?!"

SUHO

"Anong sabi ni Lu Han? Bakit s'ya tumawag?" napaupo sa couch si Kai at halata mong stress na stress. "May tinanong lang, buti napaniwala ko" lumapit ako sa kanya at inabutan ng isang basong wine "Bakit?" ininom muna n'ya yung wine na binigay ko bago magsalita.

"Nagkita na si Kaci at Lu Han, magkakilala na nga eh" Muntikan ko nang maibuga 'tong iniinom ko dahil sa sinabi n'ya. "Ano?!" buti nalang at busy ang mga tao dito kundi baka akalain ng iba naggagaguhan kami ni Kai.

"Hindi ko rin alam pero nang magkita sila dito, magkakilala na sila. Hindi ko nga lang sinasabi sa inyo dahil ayokong lumala pa ang gulo" napaupo ako sa tapat ni Kai at tiningnan s'ya "Anong tinanong ni Lu Han sayo?" huminga ng malalim si Kai bago magsalita.

"Paano daw namin nakilala yung Mama ni Kaci sa isang business trip eh mahirap naman pala sila Kaci. Nalaman n'ya daw 'yon sa SHA. Buti nga hanggang ngayon napagtatakpan ko pa kung sino talagang tunay na nanay ni Kaci eh" So, ito pala ang problema n'ya kaya frustrated s'ya?

"Kai, hanggang kaylan tayo magsinungaling sa kanya? Hanggang kaylan tayo magtatago?" nagkibit balikat si Kai sa tinanong ko "Hindi ko rin alam eh." Uminom kaming dalawa ng wine.

Natahimik kami ng ilang minuto bago ulit ako magsalita. "Nahihirapan na rin kasi ako eh, mali kasi 'tong ginagawa natin. Itinatago natin kay Lu Han ang totoo n'yang anak. Sa totoo lang may karapatan s'yang malaman 'to at least gagaan ang buhay nila Faye. Hindi yung ganito" hindi nagsalita si Kai.

Nanatiling tulala si Kai bago magsalita "Alam mo kahit naman hindi tayo magsalita ngayon eh, dadating ang panahon malalaman nila ang totoo. Dadating ang tamang panahon magkakaharap harap sila at habang hindi pa nadating ang panahon na 'yon kaylangan muna nating tuparin ang pangako natin kay Faye. Naiintindihan ko rin naman s'ya eh, gusto n'yang maiwasang maramdaman ni Kaci ang sakit na naramdaman n'ya noon pero dadating ang tamang oras hindi rin natin mapipigilan na masaktan si Kaci sa katotohanan" natahimik ako sa sinabi n'ya at tumango.

"Tama ka nga, sa ngayon protektahan muna natin si Kaci at si Faye" nakita kong tumango si Kai bago sumandal sa couch.

Napasandal din ako at napatingin sa kisame. Nagi-guilty ako sa ginagawa naming 'to. Nakokonsensya ako sa pagtatago ng sekreto sa kaibigan namin dahil alam naming mali. Bilang ama ni Kaci, may karapatan si Lu Han na malaman iyon pero anong gagawin namin, ayokong magdusa si Kaci, ayokong mabago ang buhay n'ya dahil sa sekretong 'to. Ayokong mawala ang mga ngiting pinapakita n'ya samin ngayon.

Pero alam ko naman eh. Alam kong dadating ang araw, maghaharap harap din silang tatlo. May masasaktan pa rin sa huli kahit anong iwas ang gawin namin, kahit anong pagprotekta pa namin sa taong 'yon, masasaktan pa rin s'ya sa katotohanang maaaring hindi n'ya tanggapin. Walang lihim na pwdeng itago panghabang buhay.

Author's Note:

Okay ang bilis ko lang mag update. Haha, salamat sa lahat nang nagbabasa. Iloveyou guys! Rank #22 na s'ya nakakatuwa lang talaga :D

Escaping The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon