CALVIN
"Tara na, nagugutom ako" ayon ang huli kong narinig mula kay Renji bago sila umalis ni Kaci na magkasama. Nang matiyak kong wala na sila tsaka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Magaling kang maglaro Renji, alam mo kung paano ka lalaban sa kalaban mo pero paano naman ang iba mong kasama? Kaya rin kaya nilang lumaban sa isang kalabang hindi naman nila matukoy kung sino?
"Hello, si Calvin 'to. Hindi si Renji ang target natin ngayon. Tatawag nalang ulit ako kung sino. Ihuhuli natin si Renji Mitsui" pagkatapos noon ay umalis na rin ako sa lugar na iyon.
Gusto n'yong malaman ang isa sa mga sekreto ko? Sige, pagbibigyan ko kayo. Ako ang nagpakidnap kay Kaci. Mukhang hindi na kayo nagulat don ah?
Bakit? Kasi gusto ko ulit s'yang makita. Totoo lahat nang sinabi ko sa kanya. Nagkakilala na kami noong mga bata pa kami pero nagkahiwalay rin dahil kaylangan kong pumunta sa ibang bansa. Ipinangako ko sa kanya na babalik ako para hanapin s'ya at nang mangyari ang bagay na iyon nalaman kong wala na s'yang alaala tungkol sa nakaraan n'ya kaya ang ginawa ko pinakidnap ko s'ya.
Ironic? Yeah, I think so pero gusto kong ipaalala kay Kaci ang nangyari noon para maalala n'ya ako pero hindi pa rin nangyari ang lahat ayon sa gusto ko at doon ko rin nalaman na si Renji na matagal ko nang hinahanap ay kasama n'ya sa iisang bahay.
Nagsinungaling ako kay Kaci na mahirap ako dahil ganon ang pagkakakilala n'ya sakin noong mga bata pa kami pero wala pa ring nangyari, hindi n'ya pa rin ako maalala.
Si Renji? S'ya naman talaga ang target ko eh. Sinabi ko kay Patrick matapos n'yang kidnapin si Kaci na si Renji naman ang isunod pero nahuli s'ya ng mga pulis. May pagkatanga talaga ang isang 'yon pero laking pasasalamat ko na rin siguro dahil sa kanya nagkita ulit kami ni Kaci.
Wala na akong ina, totoo 'yon dahil namatay s'ya bata palang ako, kasalanan 'to ng nanay ni Renji at dahil patay na rin ang nanay ni Renji, sa anak ako maghihiganti dahil may kasalanan rin s'ya, kasalanan n'yang pinanganak s'ya sa mundong 'to.
Bakit nga ba target ko si Renji? May dahilan ako at hindi iyon mababaw. Dahil para sakin big deal ang bagay na 'yon. Hindi ko kayo masisisi kung magalit kayo sakin basta dalawa lang ang rason kung bakit ako naandito sa Sky High.
Una, para bawiin si Kaci. Pangalawa, para pahirapan si Renji.
Make sense? Siguro hindi para sa inyo.
Ang tatay ko? Ewan ko sa kanya, masyado s'yang busy sa pagpaparami ng pera na pinapakinabangan ko naman kaya hindi na para magreklamo pa ako. Galit ako sa kanya dahil malaki ang kasalanan n'ya saming mag ina. Isa rin s'ya sa sinisisi ko kung bakit namatay ang Mama ko, silang dalawa ni Rima Mitsui ang may kasalanan ng lahat.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Spencer at Ryou. Ang dalawang kaibigan ni Renji.
"Mr. Takaki, Mr. Ogawa" bati ko sa kanilang dalawa habang nakangiti pero mukhang ayaw talaga nila sakin dahil kahit anong ngiti ko sa kanila seryoso lang silang nakatingin sakin. Nagkibit balikat nalang ako bago ngumisi at magpatuloy sa paglalakad.
"Sa susunod kung peke lang naman ang mga ngiti mo mas mabuting wag ka nalang ngumiti dahil sa totoo lang, kakaasiwa." Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi ni Spencer sakin. Unti unting nawala ang ngiti ko.
"Kung may binabalak ka para sirain ang namumuong relasyon ni Kaci at Renji, hindi ka namin hahayaang magtagumpay" napalingon ako sa sinabing iyon ni Ryou.
"Paano n'yo nalaman? Galing n'yo naman." Ngumiti ako sa kanilang dalawa "Pero alam n'yo, may nakalimutan kayong dalawa eh. Hindi lang relasyon nila ang sisirain ko, dahil pati pagkatao ni Renji sisirain ko at sisiguraduhin kong walang matitira sa kanya, at hindi ko rin hahayaang may makapigil sakin sa gagawin ko." Ngumisi ako sa kanila. Hindi man nila pinahalatang nagulat sila sa sinabi ko, naramdaman ko iyon. Gulat na gulat sila sa narinig nila.
"Alam mo, siguro kulang ka sa pagmamahal kaya ganyan ka, kasi sa totoo lang nag iisa ka lang. Kulang ka siguro sa pansin 'no? Humanap ka nga ng lovelife mo para naman maramdaman mong mali ang ginagawa mo. Kulang na kulang ka sa pagmamahal eh, hindi ba sapat ang binibigay na pagmamahal ng magulang mo sayo?" nawala ang pagngisi ko sa narinig ko mula sa kanila.
Tiningnan ko sila nang seryoso "Oo, kulang ako sa pagmamahal kasi yung kaisa isang taong nagmamahal sakin ng totoo pinagkait pa sakin, nawala pa. Ngayon kung haharang kayo sa daraanan ko hindi ako magdadalawang isip sagasaan kayong dalawa" pagkatapos non ay tuluyan na akong umalis.
Hindi nila ako maiintindihan dahil hindi nila pinagdaanan ang naranasan ko noon.
-
HARUMI
Pagkatapos naming mag usap ni Renji pumunta na agad ako sa cafeteria pero agad din akong nagsisi. Nakita ko kasing naandon si Kaci at Renji na magkasama. Naandon din naman si Rina. Napaiwas nalang ako nang tingin. Kahit pa sabihin natin na wala na kami ni Renji, hindi ko pa rin maiwasang magselos kapag nakikita ko si Renji at Kaci. Alam ko kasi na wala na akong space para sa puso ni Renji.
Napabuntong hininga nalang ako para mabawasan 'tong nararamdaman ko. Bakit nga ba ang hirap magmove on? Eh kasi dapat makahanap ka muna nang ipapalit sa kanya, dapat mabura mo muna lahat nang nararamdaman mo para sa taong 'yon.
Paano naman ako makakahanap ng kapalit ni Renji eh wala na naman akong makitang lalaking pwedeng pumalit sa kanya. I mean mukhang wala na akong lalaking mamahalin higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.
Wala man akong oras sa kanya pero mahal ko talaga si Renji kaya lang sa ngayon wala ng magagawa ang nararamdaman kong 'to. Kung ganoon lang sana kadaling magtapon ng nararamdaman matagal ko na sigurong nagawa.
"Harumi!" napatingin ako sa kanila, nakita kong nakangiting kumakaway sakin si Rina. Nginitian ko s'ya at kumaway din. Lumapit s'ya sakin at hinigit ako papalapit sa table nila "Join us" masiglang sabi ni Rina sakin.
"Okay lang ba?" napatingin ako kay Kaci. Nang mapansin n'ya sigurong nakatingin ako sa kanya ngumiti s'ya sakin kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
"Oo naman 'no, isa pa pangit naman kung hahayaan namin na mag isa ka d'yan. Isa pa okay lang naman kayo ni Renji hindi ba? I mean, maayos naman yung paghihiwalay n'yo" napatigil kami at naging tahimik ang paligid nang sabihin iyon ni Rina.
"Ay, s-sorry" tumingin ako kay Rina bago umiling at ngumiti.
"Oy, nakain kayo nang wala kami. Aba, ayos din ah" biglang dumating sila Spencer. Kahit kaylan talaga ang ingay nila. "Oh, Harumi, buti naman naandito ka! Haha mas mabuti nang samin ka sumama kaysa kung kanino. Marami kasing tao dito ang akala mo mabait at laging nakangiti ayon naman pala may tinatagong baho" napatingin kami sa tinitingnan nilang dalawa at nakita namin si Calvin.
Ngumisi lang s'ya bago umiwas nang tingin. Bakit ganon parang ibang Calvin na ngayon ang nakikita ko, kanina naman hindi s'ya ganyan ah?
-
Okay naman pala si Kaci eh, mabait s'ya at mukhang friendly kaya gumaan ang loob ko sa kanya. Ngayon panatag na ako na nasa mabuting kamay si Renji.
"Harumi, hindi mo ba sasagutin ang phone mo? Kanina pa nagri-ring" bumalik ako sa katinuan ko nang magsalita si Ryou.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot iyong caller.
"Hel—"
[Lady Harumi, sa Lu's Residence po ito.] Napakunot ang noo ko at napatingin kila Renji.
"Kila Tito Lu Han? Oh, bakit?"
[Kasi po, yung Papa n'yo po]
"Anong meron kay Papa?"
[Naandito po s'ya, sumugod po s'ya dito at nakikipagtalo kay Master Lu Han]
"A-Ano?!"
[Opo, naandito rin po si Mr. Mitsui, yung Papa po ni Lady Rina. Napatawag lang po ako para sabihin iyon]
Matapos n'yang sabihin iyon ay agad na n'yang ibinaba ang telepono. Napatingin ako kay Rina, "Rina, nasa bahay daw nila Renji ang Papa mo at ang Papa ko" nagulat si Rina sa sinabi ko.
Ano naman kayang ginagawa ni Papa sa bahay nila Renji?
Author's Note:
Sabi sa inyo eh, si Calvin! Haha ang kaylangan nating alamin ngayon ay kung anong rason n'ya. At ito namang tatay ni Harumi, ano namang ginagawa sa bahay ni Lu Han? Hay nako, haha. Thank you sa lahat nang nagbabasa! :*

BINABASA MO ANG
Escaping The Game
ChickLitNo Softcopies| No Compilation|| On-Going [Game of Love Series #2] "I got ice in my veins, blood in my eyes. Hate in my heart and love in my mind" -Escaping The Game Note: This story is full of fiction. Any part of this story should not be reproduced...