CHAPTER 1: FIRST IMPRESSION

0 0 0
                                    

*sa bahay nina Abby...

*natutulog pa si Abby nang biglang

Abby: Aray! Aray! Sandali lang naman, Mama.

Corinne: Anong sandali lang?! Kita mo, alas 8 na ng umaga tapos di ka pa gumigising. Nakahilata ka pa dyan.

Abby: Ang lamig-lamig eh.

Corinne: Lamig-lamig eh tirik na tirik na yung araw eh. Yung kuya mo, kanina pa nakaalis upang magtrabaho. Tapos ikaw wala ka pa ring ginagawa ngayong araw.

Abby: Sige na po. Babangon na. Kuya ng kuya eh wala naman sya dito palagi.

Corinne: At least sya may pangarap. May pangarap sya na guminhawa ang buhay natin. Eh ikaw? Sa tingin mo ba giginhawa yang buhay mo pag hihilata ka lang dyan?

Abby: Oo na nga po. Babangon na.

*umalis na si Corinne...

(ABBY POV: Mwiset! Aray! Ang aga-aga pa nga eh.)

"ABBY! KAIN NA!"

Abby: Opo.

*bumangon na si Abby at pumunta na sa kanilang kusina upang mag-almusal. Pababa na sana sya sa hagdanan nang biglang...

Corinne: Oh, Zach. Andito ka na agad.

Zach: Mano po, Mama.

*nagmano na si Zach sa ina nya...

Corinne: Kaawaan ka ng Diyos, anak.

Zach: Asan na po si Abby? Gising na po ba sya?

Corinne: Ginising ko na. Pero ewan ko lang kung gumising na talaga. Naku! Pag yang babaeng yan di pa gigising...

Abby: Eto na po. Andito na po ako!!!

Zach: Buti naman at gumising ka na.

(ABBY POV: At andito na naman ang mukhang perpek kong kuya pfft)

Corinne: Bakit ka bumalik dito nak? Wala kayong trabaho ngayon?

Zach: Oo ma eh. Tsaka eto pala oh. Mga groceries.

*iniabot ni Zach ang bag ng mga groceries sa nanay nya...

Corinne: Salamat anak ha? Yan Abby. Tularan mo ang kuya mo. May pangarap sa buhay.

Abby: Opo nga po!

*bumaba na si Abby sa hagdanan at kumain na sila ng almusal. Habang kumakain ng almusal...

Corinne: Abby?

Abby: Po?

Corinne: May dadating ditong mga lalaki mamaya.

(ABBY POV: Lalaki? Sana gwapo.)

*nakitang malalim ang iniisip ni Abby...

Corinne: Ano na naman iniisip mo ha? Tingnan mo tulala ka na naman sa pagkain mo.

Abby: Ah... Wala po ma. Bakit po sila pupunta dito?

Corinne: Sila yung titira dyan sa apartment na pinapaupahan natin.

Abby: Titira po?

Corinne: Di mo ba narinig?

Abby: Opo nga po. Narinig ko na. Eh bakit po? Saan po kayo pupunta ni Kuya?

Corinne: May pupuntahan ako. Si Kuya mo...

Zach: May tatapusin ako.

(ABBY POV: Kita mo lang? Andito naman sya pero opisina pa rin ang nasa isip nya.)

*tapos nang kumain ang mag-iina. Bago umalis ang kanyang ina ay may iniabot ito sa kanya...

Corinne: Eto oh. *may iniabot Ibigay mo ito sa lalaki na titira dyan sa apartment natin.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now