Love kita secret lang*
Chapter1(A/N)
First time ko pong
magsulat dito sa wattpad
Try ko po ang best ko
para magustuhan nyo.
Heto na po story!!Enjoy Reading!!
Prologue
Hanggang saan kaya
aabot ang kanilang pag iibigan
gayung kailangan
nila itong itago?Jenina Colloso
18 years old, simple lang sya, hindi naman panget, hindi rin magandang maganda. Tamang tama lang kumbaga.Pangarap lang niya ang makatapos ng pag aaral. Para mapatigil na niya ang tatay nya sa pagsasaka,
At ang nanay nya sa pagtitinda
kahit isang beses na itong
nastroke dahil sa sobrang init.Jed Yuan San Miguel
19 years old. Nasa kanya na ang lahat. Mayaman, gwapo, matalino, mabait. Kaya nyang gawin at makuha lahat ng gusto nya. Pero hindi sya ganun. Simple lang sya at mababa ang loob. Marahil dahil na rin sa
pag aalaga at pagmamahal
sa kanya ng magulang kahit sobrang busy sa business nila.Maxine Gayle Legazpi
18 years old, maganda, mayaman, nag iisang anak.
Kaya lahat ng gusto nakukuha
nya.Isa lang naman ang hindi pa nya makuha hanggang ngayon...
Ang pag ibig mula sa kanyang kababata..Mamahalin mo rin ako
Jed.Yan ang laging nasa isip
niya kaya hinding hindi
siya mawawalan nang pag asa...Chapter 1
Nandito ako ngayon sa harap ng isang malaking malaking Gate,grabe nga sa taas ang gate..
Dito kasi ako binaba ng sinakyan
kong taxi,
inabot ko lang sa kanya yung papel na binigay ni Tiyang na nakasulat na address.Wala nga kasi akong alam dito sa Maynila,first time ko ngang nakarating dito.Hindi ko naman iniexpect
na ganito pala kalaki
ang bahay na pinagtatrabahuhan ni Tiyang dito sa maynila..
Inalok niya kasi ako ng trabaho,
madali lang naman
daw..
Kailangan ko lang daw
samasamahan yung anak ng
amo niya tapos magiging tutor din ako sa mga assignment nya.
may free board and lodging na
with scholarship pa,tatanggi pa ba ako?pangarap ko naman talaga na dito ako sa maynila
makatapos ng kolehiyo.Sa probinsiya kasi namin,kapag sa Maynila ka nagtapos ng kolehiyo,napakataas na ng tingin nila.
At kahit simple lang ang buhay na pinapangarap ko,masaya ako kung sa Maynila din ako makapag aaral.kaya hindi ko na pinalampas ang oportunidad na ito.Kahit ilang beses nagdalawang isip si Nanay at si Tatay na payagan ako,unang pagkakataon nga din kasi na mapapalayo ako sa kanila.Kaya alam kong magiging mahirap para sa amin,pero dibale,konting tiis lang naman,kapag nakagraduate ako,mas magandang buhay ang maibibigay ko sa kanila.Halos kalahating oras na yata akong nakatayo sa gate ng bahay na binabaan ko,pero walang taong lumalabas..Tumingkayad na ako,para masilip ko kung may nakakarinig ba sa doorbell ko,baka kasi mapudpod na ang daliri ko sa kapipindot sa doorbell wala naman palang tao sa loob.
"Ayyy!!buday!!!napasigaw ako ng malakas..
Pano ba naman biglang
bumukas yung napakalaking
gate..
Kahit wala namang tao.Salamat na nga lang din at walang tao,nakakagulat naman kasi,Kanina pa ako dito walang nagbubukas,napadikit lang ng kaunti ang katawan ko sa gate,biglang bumukas."Wow,kasosyal naman neto"bulong ko,nang patuloy na makita kong patuloy na bumubukas yung gate.
Binuhat ko ang dala kong dalawang maleta na hindi naman kalakihan,wala naman kasi akong masyadong gamit na dadalahin..Namili lang ako ng maayos ayos na damit,pano kasi medyo kupas na ang mga damit ko.Kahit naman ibinibili ako ni Nanay at ni Tatay ng damit syempre mumurahin lang naman,makadalawang laba lang kupas na agad,kaya nagdala lang ako ng maayos ayos na damit.
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?