Love kita Secret lang
Chapter4Jed's pov
"Jed.."
"Huh?"
"Kanina pa ako nagsasalita,mukhang hindi mo ako naririnig?may problema ka ba?"tanong ni Maxine.
Hindi ko nga din maintindihan ang sarili ko,may problema nga ba ako?"Jed.."
"Huh?wala Max..may..iniisip lang ako."sinundan ni Maxine ang tinitingnan ko.Mabuti naman at wala na sina Ynah at ang kasama nitong babae.
Ano nga bang nangyayari sa akin,ilang linggo na nga bang nakapagkit sa utak ko ang mukha ng babaeng nakita ko sa mall.
At ang hindi ko inaasahan,muling magkukrus ang landas namin.
Sa bahay ni Maxine.
Alalay at Tutor pala siya ni Maxine.Tuwing maiisip ko ang mukha ng babaeng iyon,akala ko naaawa lang ako sa kanya.
Mukha siyang mabait at inosente.
After nung encounter namin sa mall,na sinabihan ko siya na wag siyang magsorry dahil pinagtitripan lang siya,bumalik ako para puntahan siya.
Pero nakaalis na siya pagbalik ko.
Kaya ang laking gulat ko ng makita ko siya sa bahay ni Maxine.
Simula nga sa araw na yon,hindi ko na siya nakalimutan.
Ilang beses akong dumaan kina Maxine para makita at makausap ko siya,pero lagi siyang wala.Sinwerte ako ng minsang makita ko siyang naglalakad mag isa sa Village.
Nagdalawang isip ako kung hihintuan ko ba siya.Baka kasi hindi niya ako natandaan sa dalawang beses lang naming pagkikita.Tumayo na ako ng tumayo si Maxine,idinaan ko na siya sa room niya.
Papaalis na ako ng matanaw ko sa isang room na nadaanan ko si Ynah.
Right,sa dami ng estudyante dito,Siya pa rin talaga ang nakikita ko.
Nababaliw na yata ako.
Maraming beses kong pinag isipan kung anong meron sa kanya para magulo ako ng ganito.Kasi siguro,simple siya..Parang ang bait bait niyang magsalita,masyadong feminine.
Ideal girl ko kasi ang mommy ko,dahil mabait siya at simple,kaya hanggang ngayon buo at masaya ang pamilya namin..Hindi naman ako mama's boy,pero palagay ko yun ang katangian na malakas na makabihag sa akin.
At..nakita ko yun kay Ynah?
Ewan!Pero kanina halos marinig ko na ang tibok ng puso ko.
Naulit na naman yun ngayon,habang nakatitig ako kay Ynah.Mukhang hindi niya naman ako napapansin.
May ibang babaeng kumakaway sa akin.
Mabilis na akong umalis bago pa niya niya ako makita.Kaylan ko pa ba ito huling naramdaman?Matagal na.. highschool pa yata ako nun..pero puppy love lang yun,dahil nang makagraduate kami umalis na siya at sumama sa mga magulang niya sa ibang bansa.
Nawalan na kami ng communication after that.Pagkatapos nun wala na..
Kaya ngayon bago tong pakiramdam na to sa akin.naninibago ako sa sarili ko.
Ayokong maramdaman,pero mahirap pigilan.Tinawagan ko si Effy,para naman may makausap ako.
Pwede na din siyang pagtyagaan,kahit alam ko na pag tungkol sa seryosong pag ibig wala siyang maipapayo.Matagal ko nang kaibigan sina Effy,mga bata pa kami magkakasama at magkakaibigan na kami. Si Maxine,si Thirdy at si Ram.
Kaming apat ang magkakaibigan,kaya lang, si Maxine mas naging close sa akin.
Pano kasi si Effy babaero,baka daw kasi pag lagi syang kasama bigla na lang may bumugbog sa kanyang babae,si Thirdy naman sobrang mabobored ka pag siya ang kasama mo.Napakatahimik kasi.
Si Ram lalong ayaw nyang maglalapit dun kasi may gusto sa kanya yun.
Hanggang ngayon naman,hindi na lang masyado kinukulit ni Ram si Maxine kasi lagi na lang sinasabi ni Maxine na balang araw magiging kami..
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?