chapter 26

39 3 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter26

Jed's pov

Nagising ako sa liwanag nang araw na pumapasok sa kwarto ko.Bumangon ako,kahit ambigat bigat nang ulo ko.Nandito naman ako sa kwarto ko..
Totoo bang nangyayari to?Hindi ba panaginip lang ang lahat?
Tatayo sana ako..Nagulat ako nang pagbagsak nang kumot na nakabalot sa katawan ko,wala akong suot.
As in Wala!
Biglang may umungol sa katabi ko.

"Maxine?!"

"Jed..matutulog pa ako..antok na antok pa ako."

Tumayo ako at kumuha nang damit,nagdiretso ako sa banyo saka ko ulit ginising si Maxine.
Nakaupo pa rin siya sa kama.

"Walang nangyari sa atin Maxine diba?Kahit lasing ako,hindi magbabago ang tingin ko na magkaibigan lang tayo.."

"Jed,bakit ka ganyan?!lagi mo na lang akong sinasaktan!mahal kita!"

"Then stop doing this,para hindi ako mawala sa tabi mo!magbihis ka na,ihahatid na kita.."

Ilang araw na ang lumipas buhat nung mangyari na magising ako na katabi ko si Maxine.
Alam kong walang nangyari.Sigurado ako sa sarili ko.Kung si Ynah pa siya..
Ynah na naman,siya na nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Sina Effy ang nagkwento sa pinaggagawa ko.
Sobrang lasing ko daw kasi at nagwala pa daw ako sa Effy's..kaya ihinatid ako ni Maxine sa condo ko.. 

Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumilipas.
Hindi ko pa rin matanggap na ginawa sa akin ni Ynah yon..wala naman akong inargabyado,wala akong nilokong babae..bakit sinaktan niya ko...Minahal ko siya ng sobra,hindi ko na naman napigil ang luha ko..

Ilang linggo na din yata akong nagkukulong sa kwarto,nandito ako ngayon sa bahay namin..inuwi ako ni mommy baka daw ako masiraan ng bait sa condo ko...hindi na kasi ako kumakain umiinom na lang ako ng alak maghapon..dito kina mommy naalagaan niya ako,hindi na rin ako nakakainom nang alak dito..yun nga lang tahimik pa rin ako..
Ayokong makipag usap kahit kanino.

"Jed!!..nandito si Maxine!!papapasukin ko na !!"
-si mommy

Hindi ako sumagot,naramdaman ko na lang na binuksan na niya yun pinto,tapos dirediretso siya sa tabi ko sa gilid ng kama..yumakap siya sa likod ko..ganito din yung ginagawa ni Ynah kapag naglalambing siya..

"aahh.."

Sinabunutan ko ang ulo ko, siya na naman ang naalala ko..inalis ko yung braso ni Maxine na nakayakap sa bewang ko saka ako lumabas..hindi ako makaka move on dito,kailangan kong umalis,lumayo..dun sa wala akong maaalala tungkol sa kanya..
Sa paraan na yon.baka mas madali akong makalimot.

Ynah's pov

Hanggang kailan ba ako magkakaganito?nasasaktan pa din ako pag naalala ko si Jed,kumusta na kaya siya? dalawang linggo na siyang hindi pumapasok..

Hindi naman ako nagtatanong kina Effy o sa barkada niya,nahihiya ako..saka patingin tingin lang sila sa akin..parang may mga gustong sabihin pero hindi masabi..
Baka sinabi na ni Jed ang dahilan kung bakit kami naghiwalay..ang alam ko lang lagi siyang naglalasing..Pero  bakit nasaktan ako nung malaman ko doon natutulog si Maxine kina Jed..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon