Love kita Secret Lang*
Chapter40ITO!!ITO ANG PINAGMAMALAKI NIYO!!DO YOU THINK THE INVESTORS WILL LIKE THIS STUPID KINDS OF THINGS!!ULITIN NIYO YAN!!AND I WANT IT.. NOW!!..
Nanginginig nginig pa yung secretary ko sa pagmamadali..ganito ako sa loob ng office,ako na ang nagmamanage sa isang company namin dito sa makati..pinaplano na din ni daddy na imerge ang isa pa naming company para hindi daw ako masyadong mahirapan sa kababalik balik sa dalawang companies..
Nagkakagulo ang mga staff ko,para ulitin yung mga papers na pinaaayos ko..baka nga sa likod ko monster na ang tawag sa akin ng mga yan..ako yung boss na never na nakisalamuha sa kanila..iniisip kong baka hindi na nila ako igalang pag ginawa ko yun..
"Pakibigay na nito kay sir.."
"Ayoko..baka pagalitan ako.."
"Hay,ang gwapo talaga ni sir..kung matututo lang siyang ngumiti.."
"Ano ba kayo,pag ngumiti yan,end of the world na.."
Ganyan palagi ang naririnig ko sa kanila pag darating ako sa umaga,pero wala akong pakialam sa kanila,as long as ginagawa nila ng tama ang trabaho nila..
I dont care about their opinion..
Ganito na ako,at hindi ko na alam kung paano ko pa maibabalik ang dating Jed..Maxine's pov
Sobrang guilty ko,everytime na nakikita ko si Jed,na patuloy na nasasaktan,hindi na nga siya ang dating jed na mabait at masayahin,kahit ipilit niya na naka move on na siya alam naming hindi yun totoo..ako talaga ang may kasalanan pero duwag ako para ipagtapat yon,natatakot akong magalit siya sa akin..tanggap ko naman,na kahit kelan hindi na hihigit sa pagkakaibigan ang tingin sa akin ni Jed..
Hindi ko natupad yung sinabi ko kay Ynah,na mamahalin ko si Jed at pipilitin kong makalimutan siya..hindi ko yun nagawa,kahit ginawa ko na ang lahat para kay Jed,pero hindi pa rin niya ako minahal kagaya ng pagmamahal niya kay Ynah..Hindi na nga siguro ako bata,after 3 years maraming nagbago sa akin..mas naging matured ang utak ko para maunawaan ang mga bagay bagay..graduate na ako ng management,kaya ipinamahala na sa akin ni daddy ang dalawang malaking mall na itinayo niya talaga para sa akin..
"Maxine.."
Umpisa ni daddy habang nasa harap kami ng table,para magbreakfast..tumingin siya kay mommy,parang naghihintay ng go signal, tumango naman si mommy..
Kinabahan tuloy ako,hindi ako umimik hinintay ko yung sasabihin niya.."Maxine,i think its the right time para malaman mo to..im so sorry,..sana maintindihan mo at wag kang magalit sa akin.."
"Dad,ano ba yon?"
Suspense na suspense na ko sa sasabihin ni daddy nakatitig lang ako sa kanya..
"Maxine,may...may isa pa akong anak.."
"Dad!!
Gulat na gulat ako, 20 years of my life.. ngayon ko malalaman na may kapatid ako..hindi ko alam kung anong nararamdaman ko..pero nakaupo lang ako..hinihintay ko din kung may kasunod pa ang sasabihin niya..
"At,kilala mo na siya anak.."
"Kilala ko dad?..
Tumango siya..
"She's yna..siya ang kapatid mo.."
No,umiiling iling ako..hindi..si Ynah?kapatid ko siya?..bakit?ayoko..ayoko siyang maging kapatid..
Kasi marami akong kasalanan sa kanya no..tumayo ako then,saka ako tumakbo palayo sa kanila..That was a year ago..tanggap ko na, na kapatid ko si Ynah..ipinaliwanag na ni mommy at daddy..ako lang naman ang hindi maka move on e,gusto ko ngang puntahan si Ynah sa Newyork noon,pero feeling ko hindi ko kayang humarap sa kanya..ayoko siyang maging kapatid,kasi kagaya ngayon..nadoble lang ang guilty feelings ko,ako ang dahilan kaya siya umalis,ibinigay niya sa akin si Jed,siguro alam na niya noon pa, na kapatid niya ako..at ayaw niyang nasasaktan ako..hindi bale nang siya na lang ang masaktan.
Sinabi sa akin ni daddy na nandiyan na daw si Ynah..nagbakasakali ako sa condo daw na ibinigay ni Daddy,hindi ko din sure kung nandun nga siya..pero sa tagal ng panahon..kailangan siguro masabi ko na sa kanya lahat ng naiisip ko..
Nagtaka ako kasi dito din ang condo ni Jed..that means?magkapitbahay sila..hindi kaya?kaya nag iinom si Jed,kagabi dahil nagkita na sila?.Naka ilang katok ako,sana may tao..sana nandito nga siya..hindi naman nagtagal,bumungad si Ynah..hindi naman nagbago ang itsura niya..pumuti lang siya ng kaunti at napakahaba ng itim at unat na unat niyang buhok..nagulat din siya pagkakita sa akin,kaya ako ang naunang yumakap sa kanya..
Pumasok kami kumuha siya ng kape para sa amin,dahil umaga pa lang..
"Maxine,hindi ko alam na magkikita agad tayo..balak ko kasing umuwi muna ng probinsiya.."
"Nang hindi ako nakakausap?.."
"Maxine.."
"Nagkita na kayo?..
"Oo,nang hindi sinasadya..kitang kita ko sa mata niya ang galit niya sa akin.."
"Ynah,Akala mo ba naging masaya ako nung wala ka?nagtago ka..pinagtaguan mo kaming lahat..gusto ko mang bawiin yung sinabi ko sayo noon,hindi ko na nagawa..Ynah..hindi ko napasaya si Jed,feeling ko nga lalo lang siyang nasasaktan pag nakikita niya ako..naaalala ka niya tuwing nasa harapan niya ako..Ynah...nabigo akong mapaibig si Jed..ikaw lang ang kailangan niya.."
"Hindi na siguro ngayon,alam kong galit na galit siya sa akin.."
"Galit nga siya sayo Ynah,ang ibig sabihin nun,mahal ka pa rin niya,ikaw lang ang magbabalik ng dati nating Jed..lagi siyang malungkot..hindi na siya tumatawa Ynah..laging may mabigat na dinadala sa dibdib niya..alam kong ako ang may kasalanan,kaya sana hayaan mong tulungan kita para maibalik mo si Jed.."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?