Love kita Secret Lang*
Chapter49"Jed!!.."
Mabilis na yumakap si Samantha kay Jed,sabay halik sa labi nito ng matagal..
Hindi ko alam ang nararamdaman ko.
Biglang nanghina ang tuhod ko.Mabilis akong nagdiretso sa kwarto namin sa hotel,nakita kong may maleta sa may paanan nung kama,kay Samantha yan sigurado,dito din tutuloy si Samantha pag nagkataon..At ayokong mangyari na magkakasama kaming tatlo..
Nasasaktan ako isipin ko pa lang na sila ni samantha ang magkasama sa kwartong ito..tutal,bukas na din ang uwi namin,niligpit ko na lahat ng gamit ko..Mauuna na siguro ako,ipapaabot ko na lang ang resignation ko kay Maxine.
Iiwanan ko na naman si Jed,pero ngayon baka hindi na ako magpakita sa kanya ulit..alam ko naman na naka move on na siya..kaya kailangan ko na ring harapin ang bagong buhay ko na wala na siya..***
"Sure ka na,na magreresign ka na?.."
Nasa maynila na ako,nakahiga ako sa kama ngayon habang si Maxine nakaharap sa laptop niya.."Max,pupunta muna ako sa Newyork..siguro naman tatanggapin uli ako ni andrew sa dati kong pinasukan.."
"Sis,ayaw mo bang asikasuhin yung isang branch ng mall ni daddy?tayo naman ang magmamanage nun,e,saka nakakapagod kung ako lahat ang mag aasikaso,pero sis,palagay ko,hindi talaga trabaho ang gusto mo sa newyork no.."
Hindi ako umimik,masyado nga akong transparent,wala akong maitatago kay Maxine.."Okay,basta babalik ka.
Sis,sorry,ako talaga ang may kasalanan.
Masyado kasi akong selfish,isip bata.
Nadamay ka tuloy.
Sorry ha,sana pagbalik mo dito,nakamove on kana"
Niyakap niya ko,hindi ko narin napigilan na lumuha..sana ito na ang huli kong pag iyak para kay Jed,pipilitin kong magbagong buhay pagdating ko sa New York.
Goodbye Jed..
******
"Waah!!Ynah!!i miss you!!talagang talaga!!"
Si Angel,panay pa nga ang talon eh..yumakap siya sa akin..mayamaya andyan na din si Yassi,na miss ko talaga sila..Inilabas ko lang yung mga pasalubong ko,siyempre dinalhan ko sila ng mga pagkaing only in the phillipines lang..tuwang tuwa nga yung dalawa e,
"Matutuwa si Andrew for sure,miss na miss ka nun e,minsan nga nagseselos ako kasi lagi ka na lang iniisip.."
"Ganun,Yassi...nagseselos ka sakin?uwi na nga lang ako sa pilipinas.."
"Hahaha,joke lang!alam ko namang love na love na ko nun eh.."
"Pero gano ka naman magtatagal dito?.."
"Gusto niyo ba forlife na ko dito?!.."
"Anong forlife?makakatagal ka ba dito kung ang puso mo naiwan na naman sa pilipinas.."
"Andrew!..
Tumayo ako sabay yapos sa kanya na nasa pinto pa lang..
Naikwento ko na sa kanilang lahat ang nangyari sa akin mula ng umuwi ako ng pilipinas..ang hindi lang yata yung nangyari sa amin sa palawan..hindi ko na siguro dapat ipaalam sa kanila..Kahit papano,nalilibang din naman ako..pinasok na naman ako ni andrew sa company niya pero hindi niya muna ako pinag umpisa kasi para daw akong may dinaramdam kaya panay lang ang liwaliw muna namin,duon pa din naman napasok yung dalawa..
"Yna!!..
Pagmulat ko ng mata,nagulat ako..bakit ako nandito?..si Andrew,si Yassi at saka si angel..nakatingin silang lahat sa akin..tanda ko nasa park kami kanina ah..masaya pa kaming nagtatawanan,anong nangyari?..
Pinilit kong bumangon,bakit yung tatlo parang nakakita ng multo,parang gulat na gulat na nakatitig sa akin..
"Okay ka na ba?baka nahihilo ka pa..humiga ka muna.."
Si andrew,siya pa lang yata ang natatauhan..yung dalawa tulala pa din..tama,nasa park ako nung sumuka ako at mahilo,tapos...tapos...
Bumagsak ako?.."May sakit ba ko?..sabi ko sa dalawa,bakit kasi ganun ng tingin nila..mayamaya..
"Aahh..yna!!"bigla namang yumapos sa akin si Angel,ngiting ngiti,si Yassi ganun din,nakangiti..
"May sakit ba ko?mamamatay na ba ko?..huhuhu..dito na ba ko aabutan..
"Wag kang OA Yna..its the gift from god.."
"Ano?may sakit ako?gift from god?.."
"E,sinabi ba kasi namin na may sakit ka.."
"E,bakit kasi ganyan ang reaksiyon niyo.."
"Pano kasi,hindi mo ikinwento sa amin.."
"Na ano?..
Ngayon naman nakangiti na silang tatlo.."Na....ano..."
"Ano ba talaga,angel?binibitin niyo ko..lagot ka sa kin pag nakatayo ako dito!.."
Biro ko,kinakabahan na kasi ko eh.."Yung ano!may nangyari na pala sa inyo ni papa jed!ginawa niyo na pala yun!.."
Napatayo ako,mabilis kong tinakpan ang bibig ni angel..
Si Andrew at si Yassi naman tawa ng tawa..nagpalit palitan ang tingin ko sa kanilang tatlo..
Parang nagtatanong.."Yna.."hinawakan ni Andrew yung kamay ko..
"Your 6 weeks pregnant.."
Parang hindi agad naabsorbed ng utak ko yung sinabi niya..nagulat ako, pwede nga palang mangyari yun..hindi yun pumasok sa utak ko kahit isang beses..
"Your 6 weeks pregnant..
"Your 6 weeks pregnant..
Kailangan ko talagang ulit ulitin para pumasok siya sa utak ko..
Yumakap sa akin si Yassi at si Angel.."Congrats Yna!..dont worry hindi na kami magtatanong kung paano niyo yan nabuo.."
Nasa bahay na kami pero feeling ko,nag loloading pa din sa utak ko yung sinabi ni andrew,mahina ba ang signal dito,antagal magcomplete loading e..
"Yna..si jed ba ang .."
Tanong ni yassi,sabay turo sa tiyan ko..
Tumango ako..para naman silang nakahinga ng maluwag,bakit nag iisip ba sila na baka iba..Kung inaasikaso nila ako noon,lalo na ngayon kulang na nga lang subuan nila ko e..after a week naman natanggap ko na,wala naman akong magagawa e..at least bunga to ng pagmamahal ko kay jed,at sinabi ko naman na hindi ko pagsisisihan diba..kaya never kong pagsisisihan na nabuo ang baby ko..
Si Andrew nga daig pa siya ang tatay ng baby ko e,gabi gabi dumadaan talaga sa bahay para magdala ng prutas..
"Yna..wala ka bang balak sabihin kay jed,ang baby niyo.."
Biglang sabi ni Angel..
Nagulat din ako kasi hindi ko pa napaplano,ni hindi nga alam nina maxine,kasi alam ko hindi papayag si maxine na hindi yon malaman ni jed..
Dapat ko nga bang ipaalam?malalaman din naman niya,ayokong lumaki ng walang kinikilalang ama ang anak ko,kahit pa hindi kami ni Jed, ang magkatuluyan.."Ipapaalam ko din sa kanya,pero hindi pa siguro ngayon.."
"Bakit kaya hindi mo na sabihin sa kanya,para magkabalikan na kayo.."
"Yassi,ano blackmail?ipambablack mail ko sa kanya ang anak ko?..ayoko yassi..hindi din kami magiging masaya..magpapakasal kami dahil sa baby?..alam ko gagawin ni jed yon,pero ayoko.."
Kasi gusto ko,sabihin niyang mahal niya pa rin ako..kahit hindi ako buntis..pero hindi na yata yun mangyayari..niyakap ako ni Yassi nung mahalata niyang gusto ko na namang umiyak..
"Sorry..ynah...hayaan mo na..nandito lang kami.."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?