chapter 25

40 3 0
                                    


Love kita Secret Lang*
Chapter25

Inabutan ko na si Jed sa usapan namin,nakaupo sya sa isang bench na kahoy,sa tabi ng table na pinagsusulatan ko pag gumagawa ako ng assignment..
Nakayuko siya na parang inip na inip na,kanina pa siguro siya..Nang makita na niya ako,ngumiti siya inilang hakbang lang niya yung paglapit sa akin..Niyakap niya ako nang mahigpit,gusto ko siyang gantihan ng yakap,pero hindi ko ginawa..baka hindi na ako bumitaw pa..

"I miss you,Ynah..na miss mo din ako noh.."

Bumitaw siya sa pagkayakap at humarap sa akin..nakatingin lang ako sa kanya..baka ngayon na lang kita makita ng malapitan Jed..

"Ynah..."

Nagtataka na din siguro siya sa reaksyon ko hindi naman ako ganito..hinawakan niya ang magkabila kong pisngi..parang nagtatanong ang mata niya..

"Jed...mahina lang ang pagkasabi ko..Hindi nagbabago ang tingin niyang parang nagtataka..

"Jed...itigil na natin 'to.."

Wala lang siyang imik...titig na titig siya sa akin..tapos tinanggal niya yung kamay niya na nasa pisngi ko..hindi ko alam kung naintindihan niya yung sinabi ko..ngumiti siya..

"Ynah,joke ba 'to?..hindi nakakatawa...

"Jed,ayoko na..

Diretso lang akong nakatingin sa kanya..tinitigasan ko yung sarili ko..kailangan kong matapos to,nang hindi ako umiiyak..Nawala na yung ngiti sa labi niya.

"Hindi ako naniniwala..napapagod ka lang sa katatago?sabihin na natin..may ginawa ba akong mali?ano?ano,Ynah?pwede naman nating pag usapan diba?"

Sunod sunod na sabi niya..lumapit siya sa akin,hinawakan niya yung dalawang kamay ko..saka niya inilagay sa labi niya..

"I love you Ynah,mahal na mahal kita..naguguluhan ka lang..bibigyan kita ng time..para makapag isip ka,ayokong mawala ka..hindi ko kaya.."

Hinila ko yung dalawang kamay ko na hawak niya..

"Jed,ayoko na!hindi mo ba ko naiintindihan?!!..itigil na natin to!!

"So,ganun lang!!dahil ayaw mo na!!..at dahil ayaw mo na,dapat umayaw na rin ako!
Kahit walang dahilan Ynah,ganun ba?bakit ginagawa mo to?"

Hindi ko inexpect na ganito ang magiging reaksyon niya..umupo na siya na parang sinasabunutan na yung buhok niya..halos iiyak na siya..hindi ko yata napaghandaan to..ihinanda ko ang sarili ko sa sakit na mararamdaman ko,pero paano si Jed?
Gustong gusto ko na siyang lapitan at bawiin yung sinabi ko..Hindi yun totoo Jed ang totoo mahal na mahal kita..pero sa isip ko na lang yun..tumalikod na ako baka hindi pa ko makapagpigil masabi ko pa sa kanya.pero bago ako makahakbang palayo..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon