Love kita Secret Lang*
Chapter27Nakahiga na ako sa kwarto..sobrang pagod ko kasi ngayon,nagpasama sa akin si Maxine sa lahat ng gimik niya ..as usual pag masyadong maingay sumasakit talaga ang ulo ko..
nakakaidlip na ako ng bigla may marinig akong boses,bakit ganito ang dibdib ko lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko..ganun pa rin ang nararamdaman ko,walang nagbabago..
naririnig ko ang tawa niya,at least na ka move on na siguro siya..nagtatawanan sila ni Maxine,gustong gusto ko siyang silipin..miss na miss ko na siya..sandali lang naman at nag paalaman na sila..pinatay na ni Maxine yung laptop niya at tumabi na sa akin sa pagtulog..
Mabilis namang lumipas ang panahon,ganun lang ako nagtitiis sa pakikinig sa boses niya..kahit papano masaya na ako na nalalaman ko na okay na siya..
Nagkakagulo ang mga estudyante,parang mga bubuyog eh..hinihintay ko si Blessie sigurado ako alam niya ang nangyayari..nandito ako sa may gate na daanan ng mga estudyante,,palapit ng palapit sa akin yung mga babaeng nagkakagulo,
"May artista ba?kung makasigaw tong mga to.."
Nagulat ako sa pinagkakaguluhan nila nung tumapat sa akin..
"Dug,dug,dug"
Hinawakan ko ang dibdib ko,kilalang kilala na talaga siya ng puso ko kahit hindi pa ko lumapit..iisa lang ang kayang magpakaba ng dibdib ko.isang tao lang.
Tiningnan ko siya..
ibang iba ang itsura niya..
may kulay ang buhok niya,yung katawan niya parang lumaki kaysa noon.
Mas lalaking lalaki siyang tingnan ngayon,yun nga lang may babaing nakakapit sa braso niya,habang nagkakagulo pa yung iba..Dahil nasa daan ako alam ko kitang kita niya ako,pero nilampasan niya lang ako ng tingin..saka ko nakita si Blessie na tumatakbo palapit sa akin..
"Best,nakita mo na siya?..
Tumango ako..
"Best,grabe..ang gwapo niya pero parang iba na siya.."
Natapos ang maghapon na siya na lang ang topic kahit sa classroom namin..lalo akong hindi makapagconcentrate..araw araw ko na naman siyang makikita mukhang papasok na ulit siya..
Jed's pov
Ilang buwan din ako sa amerika,pero walang nagbago sa nararamdaman ko,malaki ang ipinagbago ko sa panlabas na anyo,pero sa loob wala..
Galit ako kay Ynah..pero bakit nung makita ko siya kanina,iba ang naramdaman ko,kitang kita ko siya kanina,nakatitig siya sa akin..
Bakit?nang hihinayang ba siya na hindi na siya ang gusto ko?..hinding hindi mo malalaman Ynah..na katulad pa rin ng dati ang nararamdaman ko para sayo..hinding hindi ko ipapakita yun sa yo..dire diretso lang ako habang nakakapit naman sa braso ko itong babae na ito..Ni hindi ko nga matandaan ang pangalan niya..
Sinasamantala nila, kasi noon hindi nila ako malapitan,ngayon kahit sino na lang papatulan ko..iba na nga kasi ako..ito ang gusto kong ipakita sa kanila sana mapanindigan ko..wag na wag ka na lang lalapit sa akin Ynah..Bago dumating sa tambayan,kinalas ko yung kamay nung babaeng nakakapit sa akin parang tuko,ang hirap kalasin eh..nung makalas ko saka ako nagdiretso sa upuan sa tambayan..
"Bro!,ibang iba ka na talaga,grabe ang mga babae..pinagkakaguluhan ka.."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?