Love kita Secret Lang*
Chapter7Ynah's pov
"Nagseselos ako Ynah.."
"Nagseselos ako na may ibang lalaking lumalapit sayo.."
Nakakainis talaga yang si Jed..
Lalo lang akong nagugulo dahil sa ginagawa nya..
ayoko nga di ba,ayoko,kasi magagalit si Maxine..
kawawa naman si Maxine na umaasa na magkakagusto din sa kanya si Jed.."Ano?!!sinabi na nya talaga yun?..umamin na siya?.."
Gulat na gulat na sigaw ni Bless.kailangan ko na kasi talagang may mapagsabihan e,alangan namang kay Maxine ko sabihin.."Sagutin mo na lang kaya sya..gwapo,mayaman,mabait at mahal ka..ano pang inaantay mo girl..sagot na!!
"Tumigil ka nga Bless alam mo naman yung sitwasyon di ba?
Gusto sya ni Maxine..at ako alalay lang ni Maxine..""Ayaw nya naman kay Maxine diba?ikaw ang gusto..ikaw friend..haba ng hair mo..gusto mo ng taga suklay?.."
Ito talagang si Bless.naglabas ng mga pampaganda nya saka sa harapan ko nagpupunas..
"Friend buti ka pa hindi mo na kelangan nitong mga pampaganda na to nakabihag ka na.."
"Nakabihag ka na din naman diba?si Effy.."
Sumimangot sya..maganda naman si Blessie e,mestiza nga e,parang anak ng kano..ewan ko bat gustong gusto nya naka make up,e tingin ko din naman mas bagay sa kanya yung simple lang..
"Akala ko nga nung patulan ko yang effy na yan,naka jackpot na ko..kahit panget pinatulan ko!!yun pala manloloko din ang gago na yun!!pinagsabay sabay kami.."
Ayun na lumabas din ex nya si Effy..nakakatawa na nakakaawa si Blessie..may pinagdaanan na pala syang ganun?.
"Minahal ko pa naman sya,kasi kahit panget yun,sobrang sweet nun sa Akin,saka may pangarap talaga sya sa future..dalawang bar ang pag aari nya ngayon at plano pa nyang dagdagan..
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Novela JuvenilAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?