Chapter 2

151 5 0
                                    

Love kita Secret Lang* 
Chapter2

Nagulat ako kasi ang higpit ng kapit niya sa braso ko.Hinila niya ako para hindi ako makaalis sa pwesto ko.

"Pag wala kang kasalanan wag kang magsosorry!Alam mo bang pinaglalaruan ka lang nila?!"

Hala,alam ko naman eh,pero kailangan ko ng makaalis..
Mukhang lalo pa akong matatagalan dito,sino ba itong lalaking 'to?kaya nga ako nagsorry na diba?wala namang nawala
sa 'kin o,buong buo ako..
Napatingin ako sa apat na babaeng nasa harapan ko,kitang kita ko ang gulat sa mukha nila.

"Je..jed!!"

"Oh,my"

"Let's go na girls!bilis!"

"Ginalit niyo na naman si Papa Jed!"

"Oo,nga lalo tayong hindi papansinin nun"

"Kelan kaya siya dumating?.."

Yan yung mga sinasabi nila habang palayo sa amin...
Sa amin?kasi yung lalaking nakatayo kanina sa harap ko,nandito pa rin.Halos magdikit na ang makapal niyang kilay,Nung tumingin naman ako sa kanya matalim na titig ang iniwan niya
bago siya lumakad palayo.

"Ba't galit siya?kasalanan ko ba na pinagsorry nila ako?"

Jed's pov

May dinaanan lang ako dito sa mall,papalabas na ako nang makita ko sina Zoe..
Oo,kilala ko sila..kahit magaganda silang babae pero
Number 1 bully ang mga yan sa school.
School mate ko sila since highschool,kaya kilalang kilala ko na ang pagkabully nila.
Nagulat nga siguro sila ng makita ako,Ilang buwan din kasi na hindi nila ako nakita sa School.
Sabagay,sanay na din naman sila sa schedule ko.

Pabalik balik lang naman ako dito sa Pilipinas.Gaya nga ngayon,kararating ko
lang galing sa Amerika..
Six months ako doon habang may
kinukuha akong extra
subjects,para yun sa paghahanda ko sa pagmamanage ng business ng pamilya.

Sinundan ko ng tingin ang barkada nina Zoe.
Kitang kita ko kanina nang may inilagay sila sa gitna ng daanan
nang mga tao dito sa mall,at kitang kita ko din nung papalapit na yung babaeng parang naliligaw..
Panay ang lingon niya sa harap,sa likod kung saan saan mukha pang nagmamadali.
Kaya ng matapat siya sa Barkada ni Zoe.Napatid siya sa kung ano mang inilagay nila sa daan.
Tuwang tuwa sila ng makita nilang nakaupo yung babae sa semento.

Nakita ko nung nilapitan nila yung babae,pinagsosorry nila ito.
Akala ko lalaban yung babae nang magtanong siya na bakit siya magsosorry.Yun pala mapapapayag siya nina Zoe.
Naawa naman ako kaya nilapitan ko na,mukhang bagong salta pa naman sa Maynila.Kaya hindi niya alam na may mga tao talagang bully dito kagaya nina Zoe.

Lalo at napagsorry nila yung isang tao,
lalo siyang kakatuwaan nang mga yun.
Alam ko naman na takot
sa akin ang barkada nayan,kaya ng makita nila ako,kulang na lang magsipagpagtago kanina.
Malakas kasi ang tama niyan sa barkada namin.

Yun nga lang hindi naman bully ang type ng mga kaibigan ko,
mas prefer sa kanila ang goodgirl..
Kaya no way na pag interesan sila nang mga yun..

Mabalik nga pala ako sa girl na yun,
Nag sorry kahit walang kasalanan?
Tssk..pag sa school namin sya napasok,baka mabully lang siya pag
hindi siya lumaban,at lagi na lang siyang magsosorry..Kawawa lang siya..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon