Love kita Secret Lang*
Chapter32Inabutan ko si Maxine sa may garden..kasama niya ang mommy niya at ang daddy niya..napalingon sila sa akin, kaya bumati ako..
"Andyan ka na pala Ynah,okay na ba ang tatay mo?sabi ni Mrs.Legazpi..
"Opo..naoperahan na po siya.."
Sandali lang naman at nagpaalam na din ako.nagulat ako kasi sumunod pala ang daddy ni Maxine,na daddy ko din pala..
Totoo,wala akong galit na nararamdaman sa kanya lalo at sinabi na din ni Nanay ang totoo pero hindi pa ako handang kilalanin siya..siguro kailangan ko pa ng panahon..
"Gusto ko sana anak,ibigay sayo ang mga bagay na hindi ko naibigay sa yo noon..gusto kong kahit dun maiparamdam ko sayo ang pagmamahal ko.."
Umiling ako..
"Hindi ko na po yan kailangan,gusto ko lang pong bumalik sa dati kong buhay,para hindi ko maalala na meron palang nakatagong sikreto sa katauhan ko..pwede po ba?.."
Mukha siyang nalungkot pero tumango din siya.
"Im sorry Ynah,sorry.."
Sabay haplos ng buhok ko..parang gusto ko na naman tuloy umiyak..
"Sorry din po..sana po maintindihan niyo din ako.."
Ngumiti siya ng mapait..pero alam ko darating din ang panahon na matatanggap ko rin siya..
"Pero kung ano man ang kailangan mo wag kang magdalawang isip na lumapit sa akin ha..
Tumango ako saka ako nagpaalam na aalis na.
Pipilitin ko na lang munang kalimutan ang mga nangyayari,bumalik na ko sa eskwela kinabukasan,si Maxine hindi ko pa rin nakakausap..hatinggabi na yata siyang nakauwi..
"Best,namiss kita.."sabay yakap sa akin ni blessie
"Ako din miss na miss kita"si Ryan habang ipinapatong pa yung ulo niya sa balikat ko..
"Ehem,ehem" bigla naman palang dumating si Jed..
Si Ryan walang pakialam kahit nandun si Jed..hindi pa din inaalis yung ulo niya sa balikat ko,kahit panay na ang tulak ko sira talaga,ginagalit lang na naman niyan si Jed.."Boyfriend here.."mahina ang pagkasabi niya pero madiin e,parang gigil na gigil..
"Tssk,bestfriend here.."hindi pa din talaga umalis si ryan..
"Good morning jed..!" Sabay kapit ni Maxine sa braso ni jed..
"Hi,Maxine.."sabi ko pero parang hindi ako nakita ni Maxine..kumapit pa siya ng husto kay Jed.
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?