Love kita Secret Lang*
Chapter8Jed's pov
Pano nya alam na walang mangyayari?!!
Agad??!!
Ni hindi nga namin sinubukan..
Bakit ganun si Ynah,sabi nya magagalit si Maxine?
Masisira ang buhay ng pamilya nya?
Napakarami nyang negative na iniisip..
Hindi ba pwedeng mahal nya lang ako?
Mahal ko sya, dapat yun lang ang importante..
Ganun lang ang gusto kong isipin nya..
Mula nang mag usap kami ni ynah,tungkol dun..hindi pa ulit kami nagkikita,magkita man kami halata kong umiiwas siya,ni hindi sya tumitingin sa akin..
Alam ko naman kung saan ko sya pwedeng puntahan para makausap,binibigyan ko lang talaga sya ng time para makapag isip.
Kung yun bang mga sinabi nya sa kin noon paninindigan nya.
Na kahit magkaron ako ng ibang babae kahit hindi si Maxine,wag lang sya.."Ynah!!"-maxine
Nandito kami sa tambayan namin sa canteen,
Nang dumating si ynah,kasabay nya si blessie..bumati naman silang dalawa sa amin,kumpleto kami e,umalis naman kaagad si blessie naiwan si ynah..
"Ynah!!Nililigawan ka nga ni Ryan?"
Sabi ni Maxine na parang kilig na kilig pa..tsssk,babae nga naman..
"Hindi Maxine,hindi niya ko nililigawan,nakikipag kaibigan lang siya"sagot nito.
"May nakikipagkaibigan bang may flower araw araw"bulong ko.talaga naman,may nakikipagkaibigan bang ganun?
"Alam mo bagay kayo ni Ryan!!mabait kaya yun saka hindi babaero"-Maxine
"Hindi nya naman mahal"
Nagtinginan silang lahat sa akin..narinig ba nila?Si Maxine kasi,kung ano anong sinasabi kay Ynah.
Umalis yung dalawang babae..kaming apat na lalaki ang natira dito."Iinom na lang natin yan,halatang halata ka e.."-Effy
"Bakit kasi ayaw mo pang ligawan ng pormal yang si Ynah..mauunahan ka pa,obvious naman na patay na patay ka.."-Thirdy
"Ligawan mo na kasi..para sakin na lang si Maxine..wala na yung ibang nakikita kundi ikaw.."-Ram
"Bakit hindi na lang ikaw ang manligaw ulit kay Maxine Ram?para mapunta sayo ang atensyon niya,magiging malaya na si Ynah at si Bossing.."-effy
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?