Love kita Secret Lang*
Chapter39Jed's pov
Shit!!shit siya!!
Habang hinahagis ko ang lahat ng maabot kong bagay sa kwarto ko..ngayon siya magpapakita?para ano?ginulo na niya ang buhay ko noon..pinipilit ko ng bumangon dahil sa ginawa niyang pag iwan sa akin noon..hindi niya alam kung anong dinanas ko ng bigla na lang siyang mawala!!ayoko na siyang makita..
Dahil ayoko nang maalala ang sakit na idinulot niya sa akin..Umiiyak na naman ako..ganito lang lagi ang ginagawa niya sa akin..sinasaktan...bumalik siya para saktan ulit ako..
(Flashback)
Isang lingo ko na siyang hinahanap,
Lahat ng kaklase niya pinuntahan ko na,inisa isa ko na lahat ng kakilala niya,para akong tanga na lahat ng kalye ng maynila binabantayan ko dahil baka dumaan siya..
Natapos na ang mahigit na yatang isang buwan,saka ko naman napagpasyahang pumunta sa probinsiya nina Ynah,kahit paano..marami siyang kamag anak dun,baka makakuha ako ng balita..pinigilan na ako ni Maxine,pero gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyari kay yna,bakit bigla siyang nawala..bakit niya ako iniwan.."Anak,makakatiis ka bang tumira dyan sa bahay nila?kahit naman nasa maynila ka,ibabalita namin sayo kung may nalalaman na kami tungkol kay Ynah.."
"Okay lang po ako dito..aalis lang po ako kung may malalaman na ako tungkol sa kanya.."
Umalis ang mga tiyuhin ni Yna na parang awang awa sa akin..tama naman sila sa nararamdaman nila,dahil kahit ako,naaawa din sa sarili ko..walang gabing lumipas na hindi ako umiiyak..
Tuwing umaga,may dala nang almusal ang mga tiyahin ni Ynah,hinahatid nila sa akin..minsan sumasama ako sa paggapas nila ng palay para malibang ako..sumuko na lang ako ng isang araw,nakausap nila ang nanay ni yna na kasalukuyang nasa amerika,ibinalita na nasa New york pala si Ynah..hindi man lang siya nagpaalam sa akin..
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?