Love kita Secret Lang*
Chapter10Yna's pov
Dinala nya ako sa part ng garden na madilim kasi nga maliwanag ang buwan..
Kaya kung doon lang kami
Kitang kita kami kaya humanap sya ng pwestong mas madilim.Isinandal nya ako sa pader,
Nakahawak pa rin yung kamay nya sa bibig ko,
Nakatitig lang sya sa akin.."Sabi mo ako ang mahal mo"...
Pabulong lang ang pagkakasabi
Nya non,pero dinig na dinig ko..
Yung labi nya kasi nakatapat sa tenga ko,
Kaya lahat ng ibubulong nya
dinig ko..kahit ang mahinang paghingal at buntung hininga niya,inalis niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.
Nakatitig lang ako sa mukha niya.Pero ngayon yung noo
nya,nakadikit na sa noo ko..tapos yung dalawa nyang kamay nakadikit sa pader sa bandang bewang ko..Parang nakayakap siya sa akin,
Pero hindi naman nakadikit
yung kamay nya,nakatukod sa pader.
Hinawakan nya yung baba ko
Kaya nakatingala ako pagtingin ko sa kanya."Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?,sabi mo mahal mo ako..ngayon ba si Ryan na?"
Iniwasan lang kita kasi akala ko mamimiss mo ko..hindi para kalimutan mo ako"Halos nakadikit na yung mukha nya sa akin habang nagsasalita,
Konting pagkakamali nga lang ng galaw ko magkakahalikan kami..
Kaya naman hindi ako kumikilos sa pwesto ko.."Mahal kita,Ynah.. mahal na mahal..mahal mo naman ako diba?
Ynah,ako yung mahal mo diba?hindi si Ryan?...Ynah Please.."Mahal ko talaga siya,hindi ko na alam ang gagawin ko..ano bang sasabihin ko?
Sasabihin ko ba?paano na si Maxine..Tinitigan ko ang mukha ni Jed,kahit sa dilim nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman nya..
Halos paiyak na nga ang boses nya.."Mahal kita,Jed..pero.."
Tinakpan nya ng daliri yung labi ko,
Saka nya ko niyakap nang sobrang higpit.
Ramdam na ramdam ko talagang mahal niya ako..
At mahal na mahal ko rin naman siya.."Paano si Maxine?masasaktan siya.."
"Kakausapin ko siya.."
"Huwag!"
"Paano?"
"Huwag na lang muna nating ipaalam sa kanya..Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.."
"Gusto mong isekreto ang relasyon natin?"
"Basta wag muna ngayon."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?