chapter 5

72 4 0
                                    

Love kita Secret Lang
Chapter5

Eto na ang araw na hinihintay ko..
Araw na ng party sa bahay nina Ram..
Saktong alas siete ng gabi nandito na ang sundo namin..pati ako siyempre may sundo.Mas maganda daw kung may kapartner na kami pagdating sa venue.

Tatlo silang dumating.

Nauna si Jed,may dala syang kotse,tapos nasa isang kotse si Effy at si Ram...Ang
gusto ni Ram si Maxine sana ang kapartner niya, siyempre may gusto kay Maxine yang si Ram e,naikwento na nga sa akin yun ni Maxine na hanggang ngayon kaya walang ibang nililigawan si Ram kasi siya ang hinihintay nito.

Kung maka iwww nga si Maxine akala mo diring diri,gwapo din kaya si Ram..mas mababa kumpara kay Jed,pero sa itsura hindi naman nagpapahuli kay Jed..
Pero parang ang tigas din ng dibdib ha,,mukhang alagang alaga...sino kaya sa kanila ni Jed ang mas matigas?..ang dibdib lang ha.. ...tapos aayaw ayaw
pa si Maxine..tsss..choosy..

"Ram,kayo na ni Maxine ang magsabay..Si Ynah kay Jed..diba?"

Sabay tingin at kindat kay Jed.Binatukan naman siya ni Ram..

"Alam mo namang hindi sasabay si Maxine sa akin.Si Ynah ang kasabay ko.."

"Ehem,kung okay lang kay ehem.."

Si Jed naman ang lumapit kay Effy saka bumatok..

Lumabas na si Maxine..
Lalo siyang gumanda sa ayos niya.
Naka curl yung mahaba nyang buhok,ang ganda ganda ng damit nya..
Si Ram hindi mapakali nakakatawa ang itsura,parang gusto ng sunggaban si Maxine..si Effy nga nakanganga..Syempre hindi ko pwedeng hindi tingnan reaksyon ni Jed ko..makaangkin na kay Jed diba..walang kokontra hindi naman nila naririnig eh..
Tiningnan ko ang reaksyon ni Jed..

Ngumiti lang siya,yung araw araw nyang ngiti kay Maxine..
Inabot nya ang kamay nito at inalalayan papasok ng kotse..
Halata sa mata ni Maxine ang disapointment nya.Hindi ganung reaksyon ang inaasahan nya kay Jed..
Kahit nga ako naawa kay Maxine,,sobrang effort ang ginawa niya para lang magandahan si Jed sa kanya..tapos wala lang..hindi naman na appreciate ni Jed ang pagpapaganda niya.

Ako gusto nyo bang malaman ang itsura ko?isa pang wala lang din..walang masyadong nagbago sa akin kasi naman ayaw kong magpa make up..paano ba naman nadala na ako..nung minsan akong nagpamake up nung JS prom namin nung higschool,naku hindi ko nakilala itsura ko..nagmukha akong bakla,kaya pala yung kapitbahay naming bakla sigaw ng sigaw,ang ganda ganda ko daw magkamukha kami..
Yun pala mukha akong bakla..mula nun hindi na ko nagmake up,saka sabi din nila mas bagay talaga sa akin ang walang make up..pinahiran din naman ni Maxine yung mukha ko ng kaunting make up.

Tapos nagpahid ako ng manipis na lipstick sa labi ko..inipitan nya sa kabilang side yung mahaba kong buhok,yung damit ko parang gown din siya medyo maiksi lang,hanggang tuhod..tingin ko nga hindi ako nagmukhang dalaga,parang mas nagmukha akong bata..

Nakakatuwa naman silang tatlo,kasi nung makita nila ako ang ganda ko raw..o,diba ngayon naniniwala na ako sa nanay ko..na maganda ako...hehehe..joke lang pampatanggal ng nerbiyos..

Kasi nung makita ko si Jed,parang gusto kong tumakbo at salubungin ng yakap e,pero alam nyo namang imposible yun..minsan ko lang siya makita na nakaformal suite.Lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko.

Ngayon,dito ko kina Ram nakasakay.si Effy ang katabi ko dito sa likod..samantalang si Ram ang driver..nagpatugtog si Ram para di daw ako mabored..
Pero si Effy naman daldal ng daldal..daming kwento..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon