chapter 44

33 2 0
                                    

Love kita Secret Lang*
   Chapter44

Saka pa lang napalingon sa akin yung isang empleyado,
Sabay sabay silang yumukod saka nag goodmorning sa akin..mabilis akong bumalik sa opisina ko,sumenyas na lang si yna ng babye sa mga kausap niya tapos naramdaman ko kasunod ko na siya..pinapa init talaga ng babaeng to ang ulo ko..

Naupo naman siya sa table niya saka nag umpisa nang magpipindot sa computer..
Ako naman,nakatitig lang sa kanya,pag bigla siyang napatingin saka lang ako titingin sa iba..hanggang kelan ba siya dito?hindi niya ba alam na mas nahihirapan ako..

"Ms.Collado!! Sabi ko

"Jed..aah..sir pala?..

Sasabihin ko na talagang magresign na siya dito,hindi na to mabuti para sa akin..

"Sir,excuse me po,sabi nung isang secretary..

"Yung kausap niyo from Newyork..maaga daw darating..at isama niyo daw po si Ms.Collado..gusto daw po niya si Ms.Ynah ang susundo sa kanya.."

"What?bakit si Ynah?..eehh,si Ms.Collado pala!bakit siya?.."

"Hindi ko rin po alam.."

Magkasama nga kami ni Ynah,na sumalubong sa airport..hindi pa rin kami nag iimikan,alam niya kaya yung nangyari kagabi..alam niya bang hindi ako nakatulog dahil dun,ipinilig pilig ko ang ulo ko..

"Je..sir,andyan na yata sila.."

Tumingin ako sa tinuturo niya,oo nga yata..may kasunod sa likod na lalaki,tisoy siya..gwapo pero lamang pa din ako..

Parang nanlaki ang mata ni Ynah,tapos bumuka yung kamay nung lalaki,si Ynah naman ambilis ng takbo,sabay yumapos dun sa katawan nung lalake..
Teka ano to reunion nila?bat kasama ako..

Nakatingin lang ako sa kanila,hinawakan nung lalake yung mukha niya,teka,hahalikan niya ba si Ynah?..bigla ko tuloy siyang nahila.

"You're Jed,right?Jed San Miguel?..inaabot niya yung kamay niya para makipagshake hands,tinitigan ko lang ang kamay niya..

"Andrew Rey Smith,from AR Smith Company New York..

Kita ko pa na nagkikindatan sila ni Ynah,sa harap ko talaga..
Inabot ko yung kamay niya,AR Smith is one of my good clients,marami silang branch around the world,kaya kailangan ko siyang pakisamahan..

"Je..Sir,dito na po ako sa kanila sasabay ha..thanks.."

"Hey!Ynah!..

Iniwan na niya ako at dirediretsong lumapit dun kay Andrew,inakbayan naman siya nito,saka ipinagbukas ng kotse..

Sa pinuntahan  naming hotel kung saan kami magpepresent,pinipigil ko na lang talaga silang tingnan,kung hindi, masisira talaga ang presentation ko..kasi nanggigigil na talaga ako sa kanila..

Kailangan pag mag uusap halos magkahalikan na..magkekwentuhan lang magkadikit ang mukha?..si Ynah naman panay ang yakap dun sa Andrew,kung may lumalabas yatang apoy sa mata ko..kanina pa sila nasunog sa mga titig ko..

Natapos din naman ng maayos ang presentation na ito,at gaya ng dati nakuha ko pa rin ang tiwala ng AR Smith,apat na branches na nila ang client ko..
Ito lang mismong president ang hindi ko mapagkatiwalaan..

Hinila ko na si Ynah,pasakay sa kotse ko,mukha na naman kasing balak sumabay sa tisoy na yun..

Yna's pov

"Halatang halata naman na mahal ka pa din niya..kitang kita kayang nagseselos siya"
Magkasama kami ngayon ni Andrew,nagkita kami sa isang restaurant..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon