chapter 23

40 3 0
                                    


Love kita Secret Lang*
Chapter23

"Nandiyan ka na pala,Ynah?"

"Good morning Maxine..Kumusta ang bakasyon niyo ni Ram sa Korea?"

"Ikaw?kumusta ang bakasyon mo sa probinsiya?Sana pala sa probinsiya na lang ako nagbakasyon..baka mas naging masaya pa ako.."

Bat ganun ang tono nya?may alam ba siya? O baka naman, ako lang ang nag iisip kasi ako ang may kasalanan sa kanya..
Nagring yung phone niya..tumagilid lang siya nang bahagya sa akin.

"Si Jed?bakit dumating na ba siya?..

Sumulyap pa siya sa akin..bakit parang pairap ang tingin nya sa akin..guilty lang talaga ako,kaya ako nag iisip ng ganito.

" Wala pa?..okay."Hindi talaga kami nagsabay ni Jed.tumuloy muna siya sa isa niyang kaibigan,para hindi mahalata ni Maxine na sabay kami.

"Wala pa pala si Jed..ni hindi man lang ako naitext sa loob ng dalawang linggong bakasyon..ano kaya ang pinagkakaabalahan niya?"

Umakyat na ako at sobra na akong naguguilty sa sinasabi ni Maxine..naaawa na ako sa kanya..wala naman siyang ginagawang masama sa akin..

Nabasa ko may text sa akin si Jed..nakauwi na daw siya..ngayon lang siya umuwi sa kanila.

"Hindi man lang nya naaalala na itext ako"

Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Maxine,oo ako ang mahal ni Jed,pero kung hindi ako dumating,masaya sana si Maxine..malaki talaga ang kasalanan ko sa kanya..

May kumatok sa pintuan kaya lumingon ako,isang nakangiting Maxine,ang bumungad at tumabi sa akin..madami siyang dalang fingerfoods..saka may dalawang softdrinks in can..

"Movie marathon tayo,naiinip kasi ako"
sabi nya..

Tumango naman ako..naupo na siya at nagsalang ng movie,at least magkasundo kami lovestory ang isinalang niya..
Saka siya bumalik sa tabi ko at inabot yung kukutin namin at drinks..

"Mahilig ka din ba sa love story?"

"Oo.."

"Anong gusto mong ending,tragic o happy ending?kasi ako mas naeexcite pag tragic ang lovestory,may thrill..gusto ko,yung hindi sila magkakatuluyan..Dahil hindi pala sila ang para sa isa't isa"-Maxine

Seryosong seryoso ang mukha niya nang sabihin yun..Habang titig na titig sa akin.Lumakas na naman ang kaba nang dibdib ko..Hangang kelan ba ako magiging ganito?

"Palagay mo ba Ynah?kami din ni Jed sa bandang huli?Mamahalin din niya ko diba?"

Bakit napunta kay Jed ang usapan?.bumara yung kinakain ko sa lalamunan kaya,umubo ako ng umubo,inabot nya naman sa akin yung softdrink..

"Okay ka lang?..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon