Love kita Secret Lang*
Chapter6Hinila na ako ni Jed pabalik dun sa party..sasandali pa lang naman kami nakakaalis sa loob a,ano kayang nangyari?si Jed naman hindi ko na makausap..
"Anong nangyari?- si Jed
Nakita ko si Maxine
Nakasubsob yung ulo nya sa table..Naunang makalapit si Jed...saka ako tumakbo palapit sa kanya..
"Ano daw ang nangyari? Sabi ko
"Nasobrahan lang ng inom yan,ganyan talaga yan,iuuwi ko na lang kayo..-Jed
Pinagtulungan na namin syang akayin pasakay sa kotse ni Jed..
"Jed,dun tayo sa condo mo.."
Si maxine yan,ng magising ng kaunti..magkatabi sila ni Jed dun sa unahan,nilagay niya pa yung ulo nya sa balikat ni Jed,kahit nagda drive..
"Iuuwi ko na kayo para makapagpahinga ka na,saka si Ynah pagod na din siya"
"Magkakape lang ako dun..sige susukahan ko itong kotse mo,nasusuka na ako.."
"Wag!!okay..sa condo ko na lang.."
Tapos saka tumingin ulit sa kin sa salamin.
"Okay lang sayo Ynah?"
Tumango ako,hindi naman ako ang amo dito.wala naman akong choice..kung pwede nga lang wag akong sumama dun..
Di pa nga ako nakakamove on
dun sa garden scene namin kanina..sasama pa ako sa condo niya.Maya maya lang andito na kami sa condo nya,mas malapit nga ito kesa umuwi kami sa bahay..
Ipinasok na ni Jed si Maxine sa guest room..dalawa lang kasi ang kwarto sa condo nya..may katapat na kwarto yung pinagdalhan nya kay maxine kaya sigurado na yun ang kwarto nya..
Maaliwalas ang condo nya at saka parang may nag aalagang babae..medyo may kulay kasi kesa sa mga naririnig kong bachelors pad na tinatawag nila..
Ako na ang nagtimpla nang kape,,tatlo na ang tinimpla ko ipinasok ko kay Maxine yung kape nya sa kwarto..
Pagkainom naman natulog ulit,magpapahinga lang daw sya sandali bago kami umuwi..bumalik na ako sa kusina kasi dun ko iniwan yung kape..
"Yna,dito ka na muna sa sala..may gusto ka bang panoorin?
Ganyan talaga yan pag nalalasing..
Bukas na yan mahihimasmasan.."Bukas?wag mong sabihing
hanggang bukas kami dito sa condo nya..
Ninerbyos yata ako..parang ayaw ko nang inumin yong kape ko a,baka lalo akong nerbyosin..
Magkaharap lang kaming dalawa,nagsalang siya ng movie..ewan kung ano yun..sabi ko bahala siya e,alangan namang lovestory ipasalang ko,yun naman ang mga type kong panoorin eh,
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?