Love kita Secret Lang*
Chapter31"Mahal na mahal ka namin ng
tatay mo anak.."Naguguluhan na talaga ako kay nanay,bakit ba?ano ba nangyayari?..naglipat lipat ang tingin ko kay nanay saka sa nagpakilalang Eduardo Legazpi..
Legazpi?si Maxine..Legazpi siya..ibig sabihin tatay siya ni Maxine,tinulungan kami ng tatay ni Maxine..
"Kayo po ang daddy ni Maxine?"
"Anak,patawarin mo kami.." Si nanay sumingit siya sa pakikipag usap ko..bakit ba iyak pa din siya ng iyak..
"Anak,patawarin mo kami..lahat ng hirap na dinanas mo,hindi mo dapat yun naranasan..kung...kung.."
"Nay,ano bang sinasabi mo?..umiiyak na din ako kinakabahan talaga ako..
""Kung ipinakilala lang kita sa tunay mong ama..kung hindi lang sana kita itinago.."
Wala akong reaksyon,nakatulala lang ako..para akong nabingi yun bang parang may bombang sumabog..malapit na malapit sa tenga ko..kaya parang namamanhid siya..
Matagal bago nakabukas yung bibig ko.."Hindi yan totoo nay diba?anak niyo ko eh..diba nay..diba.."
Nakaupo na ako sa sahig ng hospital..wala akong pakialam kung may panaka nakang tumitingin pag may napapadaan..nanghihina ang tuhod ko,umiiyak na ako.."Hindi yan totoo nay..hindi yan totoo!!.."
Dumating si tiyang celia,niyakap niya ako saka ako itinayo,patuloy lang ang pag iyak ko..umuwi kami..
"Tiyang,mag uusap kami ni nanay..hindi yun totoo diba?hindi yun totoo,anak nila ko.."
Hindi umiimik si tiyang celia,kahit anong sabihin ko..para na nga ring gusto niyang umiyak..
"Darating ang nanay mo,siya ang magpapaliwanag sayo.."
Sandali nga lang dumating na si nanay,si tiyang celia ang pumalit sa ospital..
Hindi ako nagsasalita..tinitingnan ko si nanay pero nakayuko pa din siya.."Dati akong katulong nina Eduardo.." Umpisa niya..
"Naging magkasintahan kami..pero hindi ko alam meron na palang naka arrange marriage para sa kanya..kaparehas nila mayaman,hindi rin sinasabi yun ni eduardo..hanggang nabuntis ako..ikaw yun yna..saka ko nalaman na ipapakasal na pala siya,nang malaman ng magulang niya na ako ang kasintahan niya..lalo nilang minadali ang kasal.."
Umuwi ako dito para tuluyang magtago sa ama mo..nakilala ko naman si arman..pinanagutan niya ang ipinagbubuntis ko para wag akong mapahiya sa mga tao..minahal ka niya bilang tunay na anak..nung malaman naman ni eduardo na buntis ako..alam kong hinanap niya tayo..pero nakita niya tayo nung pitong taon ka na..
Kasal na kami ng tatay mo nun,at masaya na tayo..gusto niyang suportahan ka,pero tinanggihan na namin..sanay ka naman sa simpleng buhay,at masaya ka sa piling namin.."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?