chapter 30

45 3 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter30

Pasado alas nueve na,wala pa rin si Maxine,saan kaya yun pumunta?..kanina pa ako nag aantay,hinahanap na rin siya ng mommy niya..
Patay naman ang phone niya..biglang nag ring yung cellphone ko..nagmamadali akong dinampot yun akala ko kasi si Maxine na..
Hindi ko na tiningnan kung sinong tumatawag.

"Maxine!!asan ka na ba?.."

Nagulat ako kasi sumisinghot yung kausap ko,umiiyak?..
Tiningnan ko tuloy yung phone ko,hindi yata si Maxine,number lang..

"Ynah,umuwi ka muna.."

"Tiyang?!!bakit?ano pong nangyari?"

"umuwi ka muna,kailangan ka ng tatay mo"

Pagkasabi nya nun,ang lakas ng kaba ko,grabe..hindi pa kami tapos mag usap ni tiyang binitawan ko na yung cellphone ko,nag ayos na ako ng mga gamit ko..
Kailangan kong umuwi,ano kaya ang nangyari kay tatay?..
Sana naman po hindi malala..nagpaalam ako kay Mrs.Legazpi,sinabi ko kung ano nangyari,siya na daw ang bahala kay Maxine..

Kaso gabing gabi na,madalang na ang taxi na dumadaan sa village na ito..nag isip ako ng tatawagan,si Jed kaya?pero malayo si Jed,wala siya dito sa condo..si Ryan na lang ang tinawagan ko,sandali lang naman dumating na agad siya..

""Ryan,sorry ha,gabing gabi na naistorbo pa kita"

"Mabuti nga tinawagan mo ko,mamaya napahamak ka pa dito,wala ng tao,gusto mo bang ihatid na kita hanggang sa inyo?"

"Hindi na,masyado na kitang maaabala may pasok ka pa bukas,kaya ko na pag nasa bus na ako,salamat Ryan ha.."

"Ikaw pa malakas ka sa akin.."

Naabutan ko pa naman ang last trip,mas masarap namang bumyahe ng ganitong oras..pero hindi pa rin nawawala ang kaba ko,sana naman hindi ganun kagrabe si tatay..

Bago magliwanag nasa amin na ako,pero walang tao sa amin kaya dumiretso ako kina tiyang celia,nasa ospital sina nanay.

Dumiretso na ako sa ospital,inabutan ko si nanay na nasa labas ng ICU..
Iyak siya ng iyak ng makita ako,yumakap siya sa akin..

"Nay,kumusta po ba ang lagay ni tatay?ano po ba ang nangyari?

"Ayaw na nga sana namin na abalahin ka pa,inatake na siya nung isang araw,pero hindi malala pinayuhan lang siya ng doktor na magpahinga saka inumin lang ang mga gamot niya,kala namin magiging ayos na siya..pero kanina...mas malala dahil may ugat daw na pumutok sa utak niya..anak natatakot ako,natatakot ako..baka mawala ang tatay mo.."

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon