Love kita,Secret Lang
Chapter54"Sir,urgent call from Mrs.San Miguel..!"
Sabi ko nga ba,si Ynah at si Mommy kasi,sabi ko nang hindi ako papasok kasi kabuwanan na nya pero pinilit pa rin ako,dalawang linggo na kasi ako sa bahay pero hindi pa rin nanganganak si Ynah..kaya kanina pinilit nila akong pumasok,para umatend ng meeting ng mga investors..
Pagdating ko sa ospital nasa labas si mommy at paikot ikot,"Mom!!.nasan na si Ynah?!"
Sakto namang dating ng doktor.."Kayo po ba ang asawa ng pasyente?.."
"Yes,doc!kumusta po siya.."
Nakita ko naman na palabas na si Ynah,nakangiti pa..mabilis ko siyang nilapitan.
"Hon..hindi pa naman daw ako manganganak,maglakad lakad daw muna ako para bumaba na si baby,"sabi niya.
"Hon?,ayaw mo ba talagang ipa CS na lang para kahit ngayon lalabas na siya.."nakakaawa na kasi talaga siya.Alam kong nakangiti siya pero pinipilit na lang niya kasi nasasaktan siya.
"Ayoko,kaya ko 'to naman ng normal,mas gusto ko ng normal Okay?mas ramdam mo daw ang pagiging mommy,kung normal delivery"
"Ok,basta kaya mo ha,hindi ka ba nahihirapan?"umiling siya.
"Hon.."sabi ko habang yumakap ako sa kanya.ayoko na kasi talaga na mahirapan siya.Tumawa siya dahil sa nakita niyang pag aalala sa mukha ko.
"Hon,dont worry..kaya ko,kayang kaya ko para sa baby natin"Mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
Kinakababahan kasi talaga ako.
Hindi na ako umalis sa tabi niya.
Ayoko siyang iwan."Jed,umuwi ka muna at ako na lang dito sa ospital,magbihis ka muna"sabi ni Mommy.
Pag uwi ko kasi kanina hindi na ako dumaan sa bahay,kaya eto naka business suit pa ako.
Natatakot kasi ako,na baka bigla na lang siyang manganak habang wala ako.
Wala ring nagawa si Mommy kahit ilang beses niy akong paalisin. siya na lang ang umuwi para kumuha ng bihisan ko.Bago mag ala una ng madaling araw nakaramdam na talaga si Ynah ng patuloy na pananakit ng tiyan,kaya ihinanda na siya para sa panganganak,hindi ko binibitawan ang kamay niya,kahit ninenerbiyos ako kailangan ko siyang bantayan.
Pero hinarang na ako ng isang nurse,bawal na daw ako sa loob,dalawa kami ni mommy na ikot ng ikot sa labas ng kwarto niya.
Hindi ako mapakali..gustong gusto ko ng pumasok para makita ang mag ina ko.
Gusto ko ng malaman kung okay na ba sila?
Si Ynah..Alam kong mahirap manganak,ilang beses na kaming umatend ng mga orientation para sa mga new parents.kaya alam kong mahirap para sa kanya.
Ilang beses akong pabalik balik sa loob ng chapel.
Lahat na yata ng Santo doon pinagdasalan ko na,na sana maging maayos ang mag ina ko.Mayamaya nagdatingan na din ang mga kaibigan namin.Si Ram at Maxine,Si Effy at si Bless.Nagkakagulo na sila sa harapan ko,pero hindi ko sila pinapansin..
"Jed!lumabas na ba ang inaanak namin?"nagmamadaling sigaw ni Bless sa akin.
"Hindi ko nga alam eh,kanina pa kami dito,wala pang balita."
"Tol,okay lang yan..kayang kayang ni Ynah yan,parang hindi mo naman siya kilala,malakas ang loob nun,kaya maupo ka muna.."
"Sana kamukha ko siya para naman dalawa na kami.."nakangiting sabi ni Bless.
"Bakit mo naman siya makakamukha? Siyempre mas kamukha niya'ko kasi tita niya ko"sabi naman siyempre ni Maxine.
"Wag na kayong mag away kung sino ang kamukha..maawa naman kayo sa Daddy"sabay turo sa akin na sige pa din ang lakad pabalik balik.
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?