Love Kita Secret Lang*
Chapter43Is it okay if i call you mine
Just for a time
And i will be just fine
Napatingin ako kay Jed
Pagkarinig ko nung kanta..If you know that you know that i
Wanting needing your love
If i ask you is it alright
If i ask you to hold me tight
"Shittt!!..
Gigil na gigil na sabi niya,mahina lang pero kita kong humigpit ang hawak niya sa manibela..
Tila gustong gusto nang umalis sa kinapepwestuhan namin.Through a cold and dark night
Coz there maybe a cloudy day in sight
Anlakas din ng kabog ng dibdib ko,tugtog yata yun sa katapat naming kotse..Bakit sa dinami dami ng kanta,yan pa talaga ang tugtog.
And i need to let you know
That i might be needing your love
Ilang minuto pang halos hampas hampasin niya ang manibela.
Nang umandar na kami,
kita ko ang pagmamadali ni Jed na makaalis na sa lugar na yon.
Ganoon pa din siya kaapektado sa kantang iyon?Hay,nakahinga din naman ako ng maluwag ng makaalis kami doon at nakarating kami sa NAIA sa tamang oras,saka kami dumiretso sa isang mamahaling restaurant kasama yung mga kausap niyang kliyente.. Pagkatapos nung canadian client niya ,may pinuntahan pa kami sa Manila hotel,saka sa isa pang mamahaling restaurant.
Pakiramdam ko pagod na pagod na ako.Walang tigil ang pakikipagtagpo namin sa kung sino sinong kliyente.Tapos parang wala naman akong kasama,kasi nga wala namang pakialam sa akin yung boss ko diba?
Araw araw ganun ang trabaho ko,pasunod sunod sa kanya..
Nagtataxi ako pauwi araw araw sa condo..mukhang hindi pa din naman alam ni Jed,na iisa ang lugar na inuuwian namin..
Hindi naman siya nagtatanong e,ba't ko sasabihin sa kanya na sa iisang building kami umuuwi.***
"Ms.Ynah!.."
"Ms.Ynah!.
Kanya kanyang abot sa akin yung mga secretary sa bawat department..
" Ms.Ynah ..please ikaw nang bahala diyan,kailangan mo mapapirmahan yan ngayon na ha?Thank you,Ms.Ynah.."
"Anong thank you?may bayad to no.."nakangiting biro ko..
"Dont worry ms.Ynah...mamaya sama ka sa gimik namin ha"
Si Mia yung isang secretary sa accounting..
Napa oo naman ako sa gimik nila.kahit hindi ko alam kung saan pupunta.
Pero bakit ba takot na takot itong mga ito na magpapirma kay Jed?nangangagat ba siya?"Good morning Je-eh..
S-sir,papipirmahan ko lang po.."bakit ba kasi hindi ako masanay ng Sir.kandautal pa ako bago ka masabi."Just put it there.."nang hindi man lang itinaas ang ulo..
"Ahhm..kailangan ko na po kasing isubmit yan ngayon.."
BINABASA MO ANG
Love kita,Secret lang{completed}
Teen FictionAng pag iibigang nagsimula sa sikreto.. may magiging happy ending kaya?