chapter 15

51 4 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter15

Wala naman akong nakitang kakaiba kay Maxine.Pagkatapos nang isang beses niyang paglalasing.
Balik din naman ulit si Maxine sa dati..Masigla na ulit siya.
Si Jed hindi na talaga dumadaan sa bahay.Para sunduin kami.
Sa school na lang kami nagkikita.
Madalas siyang tambay sa tabi ko habang gumagawa ng assignment o anumang project namin ni Maxine.

"Ynah!!...

"Ryan!!..ano?kumusta ang lakad mo?..

Mula nung mangyari yung pagtatapat nya non..mas naging super close lalo kami..Hindi na nga yan nahihiya sa akin eh..Hindi na rin sya nagbabangit ng tungkol sa feelings nya..

Minsan parang gusto ko na ding ipagtapat sa kanya na may relasyon kami ni Jed..kaya lang baka hindi pa din siya ready,baka kailangan, yung katulad din kay Maxine,pag naka move on na sila saka kami mag sasabi..pag natanggap na nila,na hanggang kabigan lang ang kaya naming ibigay sa kanila.

"Manonood ka ng game ha,manood ka promise.."

Andito kami ni Ryan ngayon sa gym..nagpapractice sila,siyempre andun din si Jed.Kaya nga ako sumama kay Ryan.Akala tuloy ni Ryan siya   ang pinuntahan ko..Hindi niya alam may iba pang dahilan.

Magkatabi kami ni Ryan,panay ang pangungulit niya sa akin eh..

"Ano,Ynah..?

"Oo,manonood ako promise.."

Mayamaya may nagkakagulo sa harap namin,yung mga babae may pinagkakaguluhan..may artista ba?
Sumilip ako ng kaunti sa pinagkakaguluhan nila.Dulo pa lang ng buhok nya kilala ko na..

"Anlakas talaga ng appeal ni Jed sa babae..kawawa ang magiging girlfriend niya..kailangan mahaba ang pasensiya.Madaming siyang magiging karibal.."

Ngiti naman nang ngiti ang magaling kong boyfriend.may nagpapapicture pa.inaakbayan niya.may humahalik pa nga sa pisngi niya.Gusto ko siyang sugurin ngayon.Pero gaya nga ng sabi ni Ryan.Dapat mahaba ang pasensiya nang magiging girlfriend niya.

"May girlfriend na ba siya?"

Kay Jed pa rin ako nakatingin.

"Hmmn..parang wala akong naririnig.si Maxine..baka alam niya.Bakit?type mo?"

Nakita ko ng bigla syang napasulyap sa pwesto namin..Parang nagulat pa yata siya.Kanina nung hindi ako nakikita todo smile,nakita lang ako sumimangot..
Inirapan ko nga..sumimangot din ako..Kumunot naman lalo yung noo niya..

"Ikaw na ang gwapo,pinagkakaguluhan ka ng mga babae.Tara na nga Ryan.."

Tumayo na ako at kinaladkad ko,yung malaking lalaki sa tabi ko,kahit kakamot kamot ng ulo..
Nakakainis yung lalaking yun..
Nakakainis talaga siya.

Hanggang gabi tuloy akong naiinis.
Hindi ako makatulog kaya pumunta na naman ako dito sa paborito kong lugar pag gusto kong mag unwind..
Marami kasing puno dito malamig ang simoy ng hangin,naupo ako dun sa swing..

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon