chapter 29

44 3 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter29

Pagdating ko sa school,as usual sa locker ako unang dumadaan..
Pagbukas ko may nalaglag na pink rose,napangiti ako.
Inamoy amoy ko lang ambango,fresh na fresh pa talaga,lumingon lingon ako sa paligid,wala naman siya..
Siyempre alam ko kay Jed yun galing,.inipit ko lang ulit siya sa isang notebook ko..

Paglingon ko ulit,may gwapong nakatayo sa likod ko.
Hindi siya nakauniform,civilian kasi kamo ngayon.
Longsleeve na Navyblue ang suot niya.
Lumutang tuloy lalo ang kaputian niya.

"Good morning mahal ko.."

"Good morning.."nakangiti kong bati.haay,bat kasi ang gwapo niya.kung wala lang kami sa school baka nayakap ko na siya.
Naku,tama na nga Ynah kung ano ano ang iniisip ko kasi.

"Tsss,ang sagot dun,good morning mahal ko"
Sabay yumuko at nilapit yung mukha niya,ako naman pa atras ng paatras,sira talaga siya..
Itinulak ko siya kaya yung kamay ko ngayon nasa dibdib niya,umayos siya ng tayo..

"Naririnig mo ba?"
Hinawakan niya yung kamay kong nasa dibdib niya..

"Ha?.."

"Ung puso ko pakiramdaman mo yung tibok niya,pag kasama kita parang may nagdadrum sa loob..ganyan kalakas ang dating mo sa akin Ynah.Ganyan kalakas ang pintig ng puso ko sa tuwing makikita kita"

Ang aga aga pinasasaya niya ang araw ko grabe talaga tong lalaking to..idinikit pa niyang mabuti yung kamay ko sa dibdib niya..nararamdaman ko naman talaga hindi siya nagsisinungaling kung pwede lang iparinig ko din sa kanya ang tibok ng puso ko,hindi lang tambol ang maririnig niya..may kasama pang lyre..drum and lyre..kumpleto kasi may music siyang nabubuo..corny..ang corny ng iniisip ko..grabe,ganito na ko ngayon,kay Jed lang naman yun..

"Jed!"

Sabay kaming napalingon sa tumawag,mabilis kong hinila yung kamay kong nasa dibdib niya..

"Aah,max..inaaya ko lang si Ynah sa tambayan,halika na.."

Lumingon si Maxine sa akin,pero hindi ako pinansin,kumapit siya sa braso ni Jed habang nasa likod nila ako..
Pansin ko lang mula nung umuwi kami galing sa Batangas ganito na si Maxine sa akin.May pakiramdam tuloy ako na baka alam na niya.
Minsan gusto ko ng magtapat sa kanya,ayoko na siyang lokohin..o,baka naman gaya ng dati guilty lang ako kaya ganito ang pakiramdam ko..

***
Nandito ako sa tambayan ko ngayon,kanina pa umuwi si Maxine kasi halfday lang sila..
Nakayuko ako at nagsusulat nung maramdaman ko may tao sa likod ko..paglingon ko syempre yung gwapong gwapong mukha ni Jed ang nakita ko..

"Tapos ka na?.."

Tumango ako..

"Malapit na.."

Inantay niya ako sandali nung makita niyang tapos na yung sinusulat ko,mabilis niyang inilagay sa bag ko yung mga gamit ko. saka ako hinila,dire diretso sa parking lot kung saan nandun yung sasakyan niya..

"San tayo pupunta?.."

Nakangiti siyang humarap sa akin..

"Kay Mommy.."

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon