chapter 17

42 4 0
                                    

Love kita Secret Lang*
Chapter17

Kahit malungkot ako kailangan ko pa ring ituloy ang hinanda naming event,ubos na din naman ang mga ticket,gagamitin daw yun para sa isang outreach program nang school.kaya sigurado na kami na mapupuno ang venue..

Maaga pa madami na ngang tao e,may nakahanda akong ilang kanta..pero halos marami talaga yung banda ng school..

Bakit ngayon pa kasi itong event na ito..feeling ko mukha na akong zombie,para akong robot,automatic ko nang nagagawa ang lahat ng normal kong ginagawa pero malayo ang isip ko..

Isang linggo na akong ganito,minsan bigla na lang akong magigising iiyak lang ako..ganito pala ang magmahal..hindi palaging masaya..pero paano kung hindi na magpakita si Jed?..paano?..

"Ynah,kaya mo na ba? -Ryan

Nahihiya ako kay Ryan,todo effort sya sa event na ito,pagkatapos hindi ako magpapakita ng sigla..

"Oo,naman kakayanin.."

Sa isang linggo namang lumipas,marami na din ang naniwala na hindi nga kami ni Ryan yun,kung meron mang hindi naniwala sa mga paliwanag namin,siguro kaunti na lang..

Pero hindi naman sila ang mahalaga e,yung isang taong inaasahan kong maniniwala sa akin,hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
Sana man lang kinausap nya ako,sana kinompronta nya kami ni Ryan..bakit ka ba kasi ganyan Jed..ang sakit eh,ang sakit sakit..umiiyak na naman ako..

"Ynah..."

Lumapit si Ryan,niyakap nya ako,habang hinihimas yung likod ko..

"Ynah,wag kang ganyan..ayokong nakikita kang umiiyak,parang gusto na kitang agawin kay Jed sige ka"

"Ryan!!."

"Bakit,ayaw mo ba?gwapo din naman ako ah.."

Pinunasan ko yung luha ko..tapos ngumiti ako hinawakan ko yung magkabila nyang pisngi,titig na titig naman sya..

"Mabuti na yung ganito tayo,hindi mo ako masasaktan..hindi tayo magbebreak.."

Tapos pumikit sya,sinampal ko nga, yung mahina lang..

"Bat akala mo hahalikan kita..iiww.."

"Psss,di ba ganun naman talaga dapat..kiss ang tatapos sa usapan na to!..maka iiww ka,ang gwapo ko kaya!!"

Salamat talaga nandyan si Ryan,kung hindi baka kung ano na nangyari sa akin..nagbihis na ako para humanda,marami na nga kasing tao,kanina pa sila..ako kasi nag emote emote pa..

Inayusan din naman ako nang konti,nag pa make up ako ng konti,hindi naman kasi bakla yung nag aayos eh..magkamukha man kami at least pareho kaming babae..remember?yung kwento ko?kaya ayaw kong magpapa make up..

Nag umpisa na yung event grabe..nakakatuwa din kasi ang saya saya..Nung tumugtog na ang banda nina Henry lalo nang nagkagulo..sikat talaga sya sa mga babae..Ang ganda naman kasi ng boses nya..

Ako nga hindi mahilig sa banda pero pag sya ang kumanta,naeenjoy ko talaga..nilabas ko na yung listahan ng mga kantang kakantahin ko.
By request kasi yung ipinahanda sa aking mga kanta..kaya puro lovesong talaga..Ipinakilala na ako..kaya umupo na ako sa gitna ng stage..Tumahimik naman ang mga tao..

"This song is dedicated to Claire Anne Fuentes,from her boyfriend Alexander...

Nagkagulo yung mga estudyante kinikilig..
Natuwa naman ako sa naging reaksyon nila..

Jed's pov

Kanina pa ako dito,gustong gusto ko ng puntahan si Ynah..pumunta ako sa bahay nina Maxine pero sabi nung kasambahay ngayon nga daw yung event sa school,kaya dito na ako tumuloy..

Alam ko nasaktan ko siya..nag isip lang naman ako..nag unwind,isang linggo ako sa rest house namin sa Antipolo...

Naiinis ako sa sarili ko,kahit kasi nakita ko yung mga litrato nila ni Ryan,hindi ako buong naniwala.
Kahit narinig ko  pa kay Ryan.
Nasaktan ako kasi nakaramdam ako ng selos,pero mas malaki pa din ang part na hindi ako naniniwala.

Kaya ngayon gusto kong magsorry sa kanya,pero nandyan si Maxine ngayon at nanonood..Hindi ko pwedeng ipagsigawan ang paghingi ko ng sorry.

Nakita ko na si Ynah nung umakyat ng stage..Nagdedicate siya ng kakantahin nya,natuwa naman ako kasi yung mga nanonood maganda talaga ang pagtanggap sa kanya,after nung nangyari na siniraan sya..

Alam ko hindi nya yun kayang gawin,mahal niya ako..at naniniwala ako dun..nagkamali ako na basta na lang umalis ng walang paalam..
Nag umpisa na syang kumanta..

When we turn out the lights
The two of us alone together
Something just not right
But girl you know that
I would never ever let another
Touch
Come between the two of us
Cause no one else will ever take your place..

Pumikit ako ramdam na ramdam ko yung kinakanta niya..parang anghel ang boses nya..Yung kanta,pwede bang sabihin ko na inaalay ko din sayo..no one else comes close to you,ako lang Ynah..

No one else comes close to you
No one makes me feel the way you do,
Your a special girl to me and you'll always be eternally
Girl with just a touch it can do so much..
No one else comes close..

Sumasabay pa yung mga nanonood sa kanya..iba ka talaga Ynah,kaya mahal na mahal kita..
Sana hindi pa ako huli.Sana mapatawad mo ako,kahit nasaktan kita.

"Sorry Ynah.."

Love kita,Secret lang{completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon